Chapter 29: Please

204 5 3
                                    

"Oy, tulala ka na."

Suway sakin ni Dale. Tiningnan ko lang siya at nagpilit ng ngiti. Tinitigan naman niya ako ng kakaiba kaya nagiwas na ako ng tingin. Natatakot kasi ako

"May kakaiba sayo." Puna niya kaya natigilan ako.

"Ha? Wala kaya." Tanggi ko.

"Anong nangyare kahapon?" Seryosong tanong niya.

"Dale, wala---"

"Anong nangyare kahapon?!" Ulit niya kaya napapikit na ako.

"Wala nga." Ulit ko pa.

"May nangyare kahapon, nakita ko kagabe sa labas niyo si Chase." Sabi niya pa.

Kagabi kasi, pumunta si Eiram sakin. Binabato niya akong bintana ko. Text ng text at tawag ng tawag. Sa inis ko, bina-lock ko sa call. Hindi siya natigil kagabi kung hindi siya sinita ni Dade. Hindi alam nina Dade na break na kami, ang alam nila nagaway lang kami. Masyadong masaya kasi sila kaya ang hirap sabihin.

"Eiram and I are done. I broke up with him." Sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Why?"

Napakagat naman ako ng labi dahil sa tanong niya. Ano bayan! Sabi ko wag akong iiyak eh.

"Why are you crying?" Taka niyang tanong. Umiiyak na pala ako.

"He cheated on me." Iyak na sagot ko.

"He what?!" Hindi maka-paniwalang tanong ni Dale.

Oh. Geez, he's angry.

"He cheated on me, he had a fiancé and he didn't even tell me. To make matters worse, I knew the woman and we even have the same name. He tried to explain but I was so hurt that time so I didn't listen and I broke up with him." Paliwanag ko. Nanatili naman siyang tahimik sa tabi ko.

Napatingin nalang ako sa kanya nang tumayo siya.

"Where are you going?" Tanong ko pero tiningnan niya ako.

"Trix,"

Sabay kaming napalingon ni Dale sa likod at nakita namin doon si Chase. Lumapit siya sakin kaya napatayo ako.

"Trix---"

"Oh my god! Dale!!"

Eiram didn't finish what he was going to say because Dale punched him. I was even surprised when Dale continued to punch him. To my surprise, I didn't immediately move and just looked at them. Nakita ko nalang na inaawat na pala nina Nate at Gavin si Dale. Pumagitna yung dalawa kaya masyadong nakalayo si Dale kay Eiram. Tiningnan ko si Eiram at ganon nalang ang gulat ko ng punong puno na siya ng dugo.

"Putangina mo! Sabi mo, hindi mo lolokohin ang pinsan ko pero mamukat mukatan ko, may fiancé ka ng tangina mo ka! Ano?! Lumaban kang hayop ka!" Sigaw ni Dale kay Eiram na nagpupunas ng dugo sa labi.

Nakita ko naman ang gulat sa muka nina Nate at Gavin dahil sa sinabi ni Dale. Susugurin sana ni Dale ulit si Eiram pero niyakap ko na si Dale.

"Please tama na, Dale. Tama na!" Naiyak na sabi ko.

"Hindi! Dapat sa putanginang lalaking yan na mabugbog. Lumapit ka sakin, Chase. Suntukan tayo!" Paghahamon pa ni Dale.

"Please....tama na..." Pakiusap ko.

"Dale, tama na." Awat ni Gavin.

"Trix, let me explain please..." Magmamakaawa ni Chase sakin.

Tiningnan ko lang siya at marahang umiling.

"Hindi ko kayang wala ka....hindi ko kaya, Trix. Mahal kita kaya please....balik kana." Sabi niya pa pero alam kong naiyak siya kahit punong puno ng dugo yung muka niya.

"No, nakaya mo ngang magloko kaya kayanin mong wala ako." Madilim na awrang sabi ko sa kanya.

"Please...." Sabi niya at lumuhod pa.

Kahit hindi ko tingnan alam kong marami nang nanonood samin pero masyado kasi akong nakatuon kina Eiram.

"Minahal kita, Eiram alam mo yan. Kakayanin ko lahat kahit mahirap pero yung magloko ka, hindi ko kaya. Alam mong ayaw ko sa mga manloloko kasi naloko na din ako. Hindi mo lang ako niloko ngayon pati nadin nung wala pa akong matandaan, diba? Pinalampas ko yun kasi mahal kita pero ito? Hindi na, kaya magdusa ka." Naiiyak na sabi ko sa kanya at kitang kita ko siyang umiling.

"No, don't do this to me Trix. I love you....I love you..."

"Kung talagang mahal ako, hindi ka magloloko at kung talagang mahal mo ako, gagawin mo lang ay magpakatotoo." Sabi ko pa.

Tiningnan ko naman sina Nate at Gavin, hindi ako nagsalita pero alam nila ang pinapahiwatig ko. Mabilis silang pumunta kay Eiram at tinulungan itong tumayo.

"Tara, bro." Yaya ni Gavin.

"Let's bring him to the clinic." Sabi ni Nate.

Ayaw pa ni Eiram nung una pero umiling na ako at humarap kay Dale. Pagkaalis nila, dun na ako umiyak ng todo. Niyakap naman ako ni Dale at inalo.

"Shhh...stop crying because him." Sita niya.

"Bea,"

Naramdaman ko nalang na nandito na si Kim sa harap ko. Tiningnan ko siya kaya naiyak nalang siya bigla at niyakap ako.

"I'm here." Bulong niya.

"Kim, ma-may mali ba ako? W-wala naman diba? Ba-bakit?" Maktol ko.

"Wag mo nang isipin yun." Dagdag niya.

Nagpaalam naman samin si Dale na aalis lang siya pero bago pa siya umalis, binalaan ko na siya na wag nya nang sasaktan si Eiram. Hindi niya pa pinangko iyun kaya nagmakaawa na ako kaya pumayag na siya kahit labag sa loob niya.

"I love him, Kim." Sabi ko pa habang nagkukutingting ng damo. Tulo naman ng tulo ang luha ko sa damo kaya yung pinagpupwestuhan ko para ng naulan.

"Bakit ba hindi niya sinabi sayo agad?" Tanibg

"Ewan ko, may mali ba sakin? Wala naman kaming napagawayan eh pero bakit nagawa niyang mangloko? Ayos kami nung una. At masaklap pa, kilala ko si Angel, mabait yun. Mukang wala ring alam sa kalokohan ni Eiram. Natatakot ako kasi kapag nalaman niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko." Paliwanag ko.



"Bakit ba iniisip mo ang magiging reaksyon niya? Hello?! Bea, ikaw ang naaggrabyado dito hindi siya. Ikaw ang niloko hindi siya. Wag ka ngang dumepende sa sinasabi ng iba. May buhay ka! Wag mo silang intindihin! Dapat nga mahiya yung babaeng yun eh pero bakit parang baliktad kasi ikaw yung nahihiya eh. Niloko ba siya? Hindi naman ah. Sinaktan ba siya? Hindi naman ah. Ikaw ang girlfriend ni Eiram at siya yung kabit! Ano ba! Wag tanga, girl." Sigaw sakin ni Kim.



Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.




"Siya kasi yung bago ni Eiram, bago ng mahal ko."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now