Naalimpungatan ako dahil liwanag na nakikita ko at nakatapat pa sa muka ko. Teka! Nasaan ako?
Mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon sa kama pero agad ding sumakit ang ulo ko. Shet! Hangover ba to?
Luminga linga naman ako sa buong kwarto, maganda siya. Puro puti ang kulay ultimong kama puti din. Para siyang guests room. Nasan ba ako? Teka! Yung kagabi----
Napatampal ako sa ulo ko ng maalala ko yung katangahan ko sa bar at dun sa lalaki. Pano ako nakauwi? Nasisigurado kong hindi ito akin! Wala ako samin!
"So, you're awake."
Gulat naman akong napatingin sa bumukas ng pinto at niluwa nun si Eiram. Anong ginagawa niya dito? Teka! Ibig sabihin ba nito---
"Why am I here?" Tanong ko at pinupulot sa katawan ko yung comforter.
"Uh, kasi nalasing ka kaya inuwi kita dito sa bahay nati----ko, bahay ko." Sagot niya.
"D-did you do something to me?" Utal na sabi ko.
Nag-init naman ang ulo ko ng makita kong napatingin siya sa katawan ko kahit pa to ay nakabalot ng comforter tsaka siya ngumisi ng nakakaloko.
"You freaking idiot---" sigaw ko tsaka siyang pinagbabato ng makita ko.
"Teka!!........teka!!!! Oy! Ano ba?!...... Wag yan?!" Asik niya ng pagbabatuhin ko siya ng unan at dinampot ko din yung lamp sa kanya.
"Trix, wag yan." Pagmamakaawa niya dahil bibit ko na yung lamp.
Matalim ko siyang tiningnan. Gago!
"Joke lang yun! Wala akong ginalaw sayo! Kaya, bitiwan mo na yan?!" Sigaw niya pa.
"Sigurado ka?!" Sigaw po at inambang ibabato ko sa kanya.
"Oo....wag yan! Please."
Napapikit naman ako at binalik sa dating pwesto yung lamp tsaka yumuko.
"Hey, are you okay?" Nagaalalang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
Lumapit siya sa kama para matingnan ako.
"May ginagawa ba ako, kagabi?" Seryosong tanong ko kaya nagulat siya.
"Ha?"
"I said, may ginawa ba ako kagabi? Yung alam mo na," nahihiyang sabi ko.
"Ha?"
"Putangina namang 'ha-ha' na yan! Kung may ginawa ako kagabi? Pakikipaglandian sa iba, ganon?" Sigaw ko pero at the same time, namumula ako sa kapapahiya.
"Aishh, wala siyang natatandaan." Bulong ni Eiram na hindi ko masyadong narinig.
"Ha?"
Gulat naman siyang napatitig sakin bago bahagyang umiling.
"Wala. Nakipagsayawan ka lang sa lalaking hindi mo kilala." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Luh? Seryoso? Pero hindi kami nag-kiss diba? Hindi?" Tarantang tanong ko.
Napasimangot naman ako ng tumawa siya.
"Don't worry, hindi kayo nag-kiss kase hindi ko hahayaan. Mapapatay ko yun!" Deretsong sagot niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
Awkward.
"Uh, maligo kana. Hintayin nalang kita sa labas para sabay tayong kumain. Nandyan na din yung mga damit mo. Sige," sabi niya tsaka lumabas.
Ha? Ligo? Damit? Teka!
Mabilis naman akong pumunta sa banyo at dun ko nakita ang sinasabi niyang damit. Shit! May underwear!
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanficWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.