Chapter 5: Arcade

472 7 0
                                        



"The person I want is also here."

E? Nandito din ang gusto niya?

"May gusto kang dito napasok?" Gulat na tanong ko kaya nagiwas siya ng tingin.

"Let's not talk about it." Pagiiwas niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Tumigil lang kami sa paglakad ng tumapat kami sa library. Tiningnan naman niya ako na parang sinasabi niyang doon ang punta niya tumango nalang ako.

"Sige na, pasok kana dyan. Hindi diyan ang punta ko eh." Sabi ko.

"Where are you going?" Tanong naman niya.

"Ewan, wala na akong klase eh. Baka uuwi na." Sabi ko at nagkibit balikat.

"Okay. Bye!" Sabi niya.

"Bye, Nate. Thank you for the time." Sigaw ko habang nakaway.

Yan tayo ngayon, walang kasama. Nakakatamad namang umuwi dahil wala akong mapapala sa paguwi. Pag naman nandito ako, boring din. Teka! Magmall kaya ako? Hmm...

Gaya ng maisip ko, naglakad akong papuntang parking. Nang makapunta ako dun, may nakita akong mga lalaking nakapaligid dun sa lalaki. Hindi ko maaninagan ang malinaw yung kinukumpulan nung mga lalaki pero nakita ko ang kulay ng bonet. Kulay black. Teka! Bonet? Black? Bonet? Ay, shit! Si Gavin.

Dahil sa naisip ko ay mas nilapitan ko sila at hindi nga ako nagkamali ng makita ko si Gavin na nakangisi sa lima- anim palang lalaki.

"May pangisi ngisi ka pa, wala ka ng kawala." Maangas na sabi nung lalaki pero hindi natinag si Gavin sa halip ay tumawa pa siya kaya mas lalong nainis yung mga lalaki.

"Wag kang tumawa?!" Banta nung isa kaya pabirong tinaas ni Gavin ang dalawa niyang mga kamay na para bang sumusuko.

"Why? I can't stop laughing, 'couz you're so ugly!" Sabi pa ni luko kaya nainis na naman ang mga lalaki.

Kaya bago pa siya mabugbog, pumasok na ako sa kotse ko at mabilisang pinindot ang busina kaya sabay sabay sila nagtinginan. Dahil dun mabilis na nakatakbo si Gavin palabas ng parking at bago pa siya mahabol ay hinarang ko na ang kotse ko sa mga lalaking panget.

"Move your car!" Inis na sigaw nila kaya ngingisi ngisi akong umalis.

Nang makarating ako sa gate, nakita ko dun si Gavin na hingal na hingal kaya binuksan ko ang bintana ng front seat para makumustahin siya.

"Hey, you alright?" Tanong ko kaya napalingon siya sakin at agad ngumiti ng makita ako.

"Okay lang ako, Bea." Sabi niya at tumingin sa likod kaya napatingin din ako doon. Nakita kong nagtatakbuhan papunta samin yung mga lalaki.

"Get in!" Mabilis na sabi ko kaya mabilis din siyang pumasok. Pinaharurot ko naman ang kotse ko para hindi na kami, ay siya pala. Para hindi na siya mahabol.

"Ano bang ginawa mo dun sa mga yon?" Curious na tanong ko habang nagmamaneho.

Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga bago natawa.

"Ewan ko, sinulot ko daw yung girlfriend ng leader nila." Napairap naman ako sa walang kwentang sagot niya.

"Tss, para lang dun?" Tanong ko at tumingin sa kanya. "Ang tanong, sinulot mo ba talaga?" Dagdag ko pa.

"Ha?!" Malakas na hingal niya. "Ewan ko, baka." Bawi niya ng mahinang boses.

"Gago, kaya pala eh." Asik ko.

"Yaan mo na yun. Saan nga pala tayo punta?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Sa totoo lang, ewan ko din. Gusto ko lang makaalis ng school.

"Sa mall," maikling sabi ko. Wala eh, yun ang unang pumasok sa isip ko.

"Oo nga, tara sa mall. Kakain ako." Sabi niya pa kaya napairap tuloy ako.

Ang kapal ng muka. May driver ang puta!

Pagkarating namin ng mall, pumunta agad kaming MCDO. Diyan gusto ni Gavin eh.

"Ako na oorder, hanap ka nalang ng upuan." Sabi niya at tumango naman ako at ng aalis na ako, pinigilan niya ako.

"Ano gusto mo pala, treat ko na to." Sabi niya kaya napangisi ako.

Good. Hindi kuripot si loko.

"Burger, fries and coke lang." Tipid na sagot ko kaya tumango siya.

Naghanap naman ako ng table gaya ng sabi niya at nakahanap ako ng bakante sa labas pa ng MCDO. Punuan kasi. Dahil matagal pa ang dating ni Gavin--

"Sorry, natagalan." Gulat naman akong napalingon sa kanya ng magsalita siya. Luh, ang bilis.

"Bakit ang bilis mo?" Tanong ko kaya tumingin siya dun sa counter at ngumiti. Tumingin naman ako dun, at nakita ko ang mga babaeng kinikilig na nakatingin kay Gavin.

"Wala eh, charm ko ginamit." Pagmamayabang niya kaya napairap ako.

Puta! Kung hindi lang kami nasa labas, nasapok ko na to. Nakakahiya na kung dito ko pa gawin, edi naging sikat ako. Ayoko pa naman na maging sikat, dinudumog ka. Ew, I hate showbiz.

Nang matapos kaming kumain ay tumingin ako sa kanya.

"Saan tayo, next?" Tanong ko.

Kunwari naman siyang nagisip bago ngumisi sakin at hinawakan ang braso ko.

"Ta, arcade." Sabi niya sabay hila sakin paakyat ng third floor.

Pagkarating namin dun, dumeretso siya sa counter at bumili ng tokens.

"Tara, one on one tayo. Basket." Yaya niya pero dahil isa akong dakilang mayabang ay pumayag sa gusto niya.

Nagsimula ng magtime in kaya nag simula na din kaming maglaro. Una, hindi ako makashoot hanggang sa umabot ng tatlo ay ayaw parin pero nung tingnan ko siya, sunod sunod ang shoot niya kaya sa kadayaan ko, tinulak ko siya at nagsimula na akong magshoot.

"Nay, madaya." Sabi niya ng makarecover pero nginisian ko lang siya at benilatan.

Kaya nung huli, ako nanalo.

"See, kung magyayaya ka siguraduhin mong mananalo ka." Pagmamayabang ko, syempre panalo eh.

"Pano'y madaya ka." Asik niya at umirap pa tsaka walang animo'y umalis.

Sinundan ko naman siya at nakita kong naghulog siya ng token dun sa sayawan ata yun, basta yung gagayahin mo yung sayaw sa screen.

Tiningnan ko lang siya ng magsimula na siyang sumayaw at nagulat ako ng mapagtantong magaling pala siyang sumayaw. Sa galing niya, lahat ata ng tao dito sa arcade nanonood na sa kanya eh. Karamihan ay yung mga gaya naming teenager na babae ang nonood. Yung iba ay kinikilig at nagtatatalon pa. May naririnig nga akong nagtitilian at sinasabing gwapo daw si Gavin. Nang patapos na ang sayaw, gulat ako napatingin sa kanya ng bigla siyang tumingin sakin at ngumiti. Hindi lang yun, hinigit niya pa ako sa pinagsasayawan niya. Nahihiya naman akong nakatayo dun habang ang dalawang kamay ko'y hawak niya dahil sa tilian ng mga tao.

"Ano ba, nahihiya ako Gavin." Bulong ko.

"Don't be shy, just chill." Bulong niya.

"Anong wag mahiya? Hello, madami nang nakatingin satin oh." Maktol ko pero tinawanan niya ako. God! He's trying to mocking me!

"Why are you shy? You should be proud." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ha?"

"You should be proud because they say, I'm your boyfriend, your handsome boyfriend." Sabi niya sabay kindat.

Holy crap? Boyfriend? Hell no!

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Stories to obsess over. Discover now