Chapter 25: Untitled

245 6 0
                                    

"Bakit ka nakabusangot?"


Tanong ko ng makita kong nakabusangot si Gavin. Tiningnan niya lang naman ako pero hindi ako pinansin.

"Uy....anong nangyare sayo?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.


"May tanong ako." Bigla niyang sabi kaya nagulat ako. Himala, seryoso siya.


"Ano yun?"



"Anong mararamdaman mo kapag may nakita kang kasama ni Chase na ibang babae?" Tanong niya.

Napatingin muna ako sa kanya ng sandali bago ako sumagot.


"Magseselos, syempre. Boyfriend ko yun eh." Sagot ko at kinunutan siya ng noo.


"Eh pano yung selos mo? Ano ba ang iba't ibang klase mong ginagawa kapag nagseselos ka?" Dugtong pa niya kaya takang taka na ako.


"Nyare sayo?" Hindi ko na napigilan magtanong. Ang weird niya ngayon.


"Sagutin mo nalang!" Asik niya pa. Tss.


"Hindi ko siya papansin. Magtataray ako. Sasamaan ko lagi ng tingin pero minsan, tahimik lang ako at iiwasan ko siya.....puta! Bakit mo natanong?"

Tumango lang naman siya at hindi na tumingin sakin. May iniisip to.

"Edi ibig sabihin, nagselos siya?" Bulong niya sa sarili pero rinig na rinig ko.


"Nagselos yun!" Sabi ko agad kaya gulat siyang tumingin sakin.


"Ha?"


"Kung yan ang binabagabag ng dibdib mo, sasabihin ko na sayo na....nagselos yun." Sabi ko.

Nagiwas naman ng tingin si Gavin.

"Sinasabi mo? S-sino magseselos?" Maang maangan niya. Tsk..tsk...

"Wow. Womanizer ka diba? Pero bakit nagaalala ka sa babaeng nagselos? Diba, dapat hindi! Teka! Wag mo sabihing may gusto ka sa babaeng yun? Sino siya?" Ani ko.

Gulat naman siyang tumingin sakin kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko.

Yung muka niya! Priceless amp! Dagdag mo pa ang palunok lunok niya tsaka yung pula ng tenga niya! Naariba din yung bonet niya, nagalaw galaw.

"Ako? May gusto sa ibang babae? Ha! Asa ka pa!" Tanggi niya na may palunok lunok pa.

"Ey, sige lang tanggi mo pa. Kawawa ka pagdating ng araw." Pangungunsensya ko sa kanya at halata namang natakot siya.

"Wala nga akong gusto kay Kai!" Sigaw ni Gavin.

"So, Kai ang name niya?" Pangeentriga ko. Oppss.. pikon!

"Uy.... Bakit ka pikon?" Asar ko at natawa tawa pa.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Sinong pikon?"


Tiningnan ko siya ng seryoso.

"Hindi masamang magsabi ng nararamdaman sa isang tao. Malay mo makatulong sila sayo pero ang iniisip mo, mangaasar lang sila. Walang nakakatawa pagdating sa nararamdaman, Gavin. Lahat seryoso diyan kaya kung ako sayo, seryusohin mo yan kasi panandalian lang yan. Ano naman kung may gusto sayo ata yung tao? Dapat ba gustuhin mo din siya? Hayaan mong gawin at sabihin niya para hindi ka mabahala." Seryosong sabi ko sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok niya pagkatapos nun.


Kinuwento ni Gavin sakin ang lahat. Nakita daw kasi sila nung Kai sa may mall. Una, nagtaka pa daw siya nun kasi kakaiba daw ang tingin nung Kai sa kanila. May nakikita daw siyang sakit sa mga mata nito. He tried to talk to Kai but she refused him. Iniiwasan daw siya nung mga nakaraang araw kaya naguguluhan si Gavin. Tapos one time daw, nakita daw niya yung Kai kasama si Nate, agad naman daw nagiba ang mood niya ng hindi daw niya alam. According to him, nagiging malapit daw sina Kai at Nate, samantalang siya daw ang nagpakilala sa dalawa. Natawa pa nga ako ng palihim kasi parang ako ang nakakakita ng kakaiba.

"I don't know what to do. She's avoiding me now and then she is always with Nate. She was always smiling when Nate was with her. After all, I just don't seem to have her every time I'm with her." Naguguluhang sabi niya kaya napangiti ako.

Wow, ang galing lang kasi may bago na siyang gusto at hindi na ako. Hindi ako nasasaktan kase hindi na ako ang gusto niya, sa katunayan nga masaya ako kasi nakahanap na siya ng katapat.


Magsasalita na sana ako sa kanya pero nakita ko siyang may tinitingnan na iba kaya tumingin ako dun. Then, I saw Nate laughing with another girl. So, siya yung Kai. Matangkad siya, maganda, maputi, at nakapony tail ang buhok niya.

Nagulat ako sa nakikita ko kasi si Nate? Totoo ba to? Si Nate nakikipagtawanan sa ibang babae? Si Nate? Tawanan? Luh, himala talaga! Mukang nakakaramdam ako ng something fishy sa pagitan nilang tatlo.


Pero dahil sa tarantado ako, tinawag ko si Nate. Napatingin naman sila samin kaya sinenyasan kong lumapit sila. Una, ayaw pa nung babae pero napilit ni Nate kaya nagpunta na din sa gawi namin. Nahihiya pa yung babaeng tumingin kay Gavin kaya tiningnan ko ang reaksyon ni Gavin, aba! Ang puta, titig na titig kay Kai.

"Hey!" Bati ni Nate sakin.

"Hi." Bati ko.

"Wait. Bea, this is Kai and Kai, this is Bea, friend ko." Pakilala ni Nate kay Kai.

Naglahad naman ako ng kamay kaya tinanggap niya yun. Medyo nahihiya pa siya kaya natawa ako.

"So, you must be Kai, huh?" Madiing tanong ko at pasimpleng tingin kay Gavin na nakatitig pa din kay Kai.

"Uh, opo pero Kai nalang po tawag niyo." Nahihiyang sabi niya kaya ngumiti ako. Kai nga tawag ko haha.

"Kai? Nice name!" Sabi ko at patagong siniko si Gavin dahil kitang kita ko ang ilang na muka ni Kai samin.

"Shit!" Bulong ni Gavin.


Nagkwentuhan naman kami nina Kai at Nate habang si Gavin ay nananahimik lang. Natanong ko din pala ki Nate kung nasaan sina Ken at Dale pero hindi daw niya alam. Naiisip ko tuloy na wala nga din pala si Chase kasi absent gawa ng may pupuntahan silang family gathering.

So, nagkwentuhan nga kami ni Kai. Nung una hiyang hiya pa siya pero nawala yung hiya niya ng magkwentuhan na kami tungkol sa mga bagay bagay hanggang sa napunta ang topic namin sa love. Napansin ko naman siyang natigilan at sandaling tumingin kay Gavin pero nagiwas din siya ng tingin kasi nakatingin sa kanya tong isa. Habang si Nate naman, nakikinig lang samin at natatawa din minsan.


"So, may gusto nga kang iba Kai?" Tanong ko. Nagbabakasali nga diba.

Yumuko naman siya.

"Uh, opo...pero.....kasi....ano.....mahirap po eh pero matagal na naman po yun kasi nawala na po yun. Ngayon po, okay na ako. Tsaka nandyan na naman po si Nate na kaibigang lalaki ko." Nakangiting sagot niya kaya tumango tango ako.


Shet! Sakit nun kay Gavin.

Kaya lang bago pa ako makasagot, tumayo na si Gavin kaya napalingon kami sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin kay Kai kaya itong isa, nagiwas ng tingin.



"I will not let you lose interest in me. I will not let you go because from now on, you are mine." Seryosong sabi ni Gavin habang nakatingin kay Kai. Nagulantang naman kaming tatlo sa sinabi niya. Geez!


"And I don't care who else I can fight when it comes to you. Remember, I only like someone once so expect it to be true. I also don't care if my opponent is still a friend or not, Kai. You are mine, remember that." Dagdag ni Gavin tsaka umalis.


Naiwan naman kaming tulala at hindi nakapagsalita pero bago pa magreact si Kai, tiningnan ko na siya.


"Mukang, mahihirapan ka sa isang yun. Totoo kasi ang sinabi niya, minsan lang siya magkagusto at asahan mo talagang totoo. Good luck, Kai." Magiliw na sabi ko at tinapik siya sa braso tsaka umalis.




Gavin.... you're the man. HAHAHAHAHAHA.

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now