Chapter 19: Sorry

233 6 0
                                    




"Bea,"

"Bakit?" Malamig na tanong ko kay Gavin.

Nandito ako ngayon sa bench sa may campus ground. Nakita ko naman siyang lumapit sakin pero hindi ko pinansin hanggang sa tawagin niya ko. Ewan ko kung bakit ako sumagot sa kanya, siguro para narin mapakinggan ko ang paliwanag nila. Mahigit isang buwan akong nagbingi bingihan sa kanila eh baka panahon na rin para patawarin ko na sila.

Umupo siya sa tabi ko at nakangusong tumingin sakin.

"Sorry." Mahinang sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya pero hindi ko siya nagawang tingnan.

"Sorry kasi hindi ko sinabi sayo. Sorry kasi pagsinabi ko sayo maguluhan ka at ayaw ko namang mangyare yun. Sinabihan kami ni Eiram--uh, Chase na wag na ngang sabihin sayo. Walang araw na hindi ako nagi-guilty dun kaya lagi kong ginagawa na pasayahin ka pero kasi..."

Tiningnan ko siya dahil sa sinabi niya. Bakit hindi niya tinuloy?

"Kasi, what?"

"Kasi, sa kapapasaya ko na sayo nag-iba na.." sabi niya pa at yumuko. Kinuting ting naman niya ang kuko niya.

Problema? Nagiba? Teka! Wag mong sabihin na--

"Nagiba na ang tingin ko sayo, hindi na kaibigan." Dagdag niya kaya napalunok ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Hindi ako nagsalita kase hinayaan ko siyang magsalita. Wala kasi akong masabe.

"Gusto kita oo, pero ayaw kong mawalan kase alam kong simula't sapol kanya ka. One time, inamin ko kay Chase yun pero hindi siya nagsalita. Ayaw kong mawalan ng kaibigan, Bea. Gusto kita higit pa sa kaibigan pero ayokong sayangin ang pagkakaibigan natin. Mas gugustuhin ko nalang na magkaibigan tayo kase ligawan kita kahit gusto ko. At least ang kaibigan pangmatagalan kesa sa relasyon na wala akong kasiguraduhan."

"Gavin...."

"Oy, okay lang ano kaba? Alam ko namang wala akong pagasa sayo kaya kaibigan nalang at least dun masaya ako at masaya ka. Pipigilan ko naman eh, wag kang magalala." Nakangiting dagdag niya.

Nginitian ko siya bilang paghanga sa kanya. Nakakatuwa kasing makita na kahit may gusto daw siya sakin nakakausap pa din niya ako ng matino at pinipili niyang kaibigan nalang.

"Sorry, Gavin." Nakayukong sabi kaya narinig ko siyang tumawa.

"Wag kang magsorry, ako nga dapat magsorry eh.." pigil niya at malakas na tumawa, dahil doon nakaramdam ako ng ginhawa.

"LUH!"

"Sorry kasi nagsinungaling ako at sorry nagustuhan kita." seryosong aniya.

Tiningnan ko siya kaya nginitian niya ako.

"Ang tapang mo no," puri ko kaya nakita ko ang muka niyang nagyayabang kaya inirapan ko.

"Aba, syempre. Ayoko namang magmukang mahina sa harap mo edi naguilty ka pa." Lokong sagot niya.

Inirapan ko siya tsaka inayakap.

"Thank you." Bulong ko.

"Always welcome ka sakin, alam mo namang malakas ka sakin eh. Pinaubaya na kita kay Chase pero pag niloko ka niya, sakin ka pumunta. Handa akong maging kabet." Biro niya nang maghiwalay kami ng yakap. Hinampas ko naman siya sa braso kaya tumawa na siya ng tumawa kaya natawa na din ako.

"Natural na ngiti mo lang ang makita ko, okay na ako kahit hindi magiging tayo."



*****

"Nate," tawag ko kaya napalingon siya sakin. Nakita ko naman ang gulat sa muka niya ng makitang ako ang tumawag sakanya.

"Pwede ba tayong magusap?" Tanong ko agad ng makalapit ako sa kanya.

Ngumiti naman siya. "Sure. I need to talk to you too."

Pumunta kami ni Nate sa garden at naupo sa bench na inupuan namin noon. Walang nagsalita ng ilang minuto kaya nagbuntong hininga pa ako bago magsalita.


"Sorry/Sorry."

Nagkatinginan naman kami ni Nate nang sabay kaming nagsalita kaya nagtawanan kami na parang bata.

Pagkatapos kasi naming magusap ni Gavin, dumeretso ako kung nasan si Nate para maayos din namin ang gulo.


"You don't need to say sorry, Bea." Sabi niya.

"I'm sorry because I lied to you and didn't say what I know. I know that is wrong but he told us not to tell you. We trust him that's why we didn't tell you. So I can't think about that thing, I accompany you every day, for you not to be alone but I felt something wrong.." dagdag niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Wag mong sabihing pati ikaw, Nate? Ugh, nasakit ang brain cell kooo!!

"I felt that maybe I have feelings for you. In first, I denied it but I can't help it. I told to Chase that I have feelings for you but he didn't say anything to me. I like you but I need to give you to him because in the first place, he owned you.I have strength right now to tell to you my feelings because I want now to be your friend. Just friends." Sabi niya.

Sabi na, kagaya to ni Gavin. Kelan pa? Naiinis na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagi-guilty ako kasi ang manhid ko.


"The person I want is also here."


Tila nagflashback sa utak ko ang sinabi niya sakin noon.

"Nate, I'm sorry." Sincere na paghihingi ko ng tawad.

Nginitian niya lang ako ng pilit.

"Shh, don't be sorry. It was my fault for liking you." Sagot niya pero umiling ako.

"I'm sorry for not being able to love you back." Mahinang sabi ko at nakita ko siyang tumango.

"I understand. Thank you, Bea." Bawi niya.

Nginitian ko siya. "You're my best friend, always remember that."

"Yeah. You're man best friend."

Tumango ako at niyakap siya.

Thank you lord for giving a friend that understands me.


"Let's go, they're waiting for us." Yaya niya.

"Mauna kana. May pupuntahan pa ako." Pigil ko kaya nauna na siya.


I need to go with him. I need to talk with Ken.

Pumunta ako sa rooftop kase alam kong nandito lang siya. Nagpalinga linga ako sa buong rooftop pero hindi ko siya makita, wala ata dito.

"What are you doing here?"

Napatalon naman ako sa gulat at agad na tumingin sa likod ko at doon ko nakita si Ken na nakaupo habang nakasandal sa pader. Tss, may suot na naman siyang bandana.


"I'm here to talk to you." Sagot ko at lumapit sa kanya.


"Kung nandito ka para manghingi ng sorry, wag na." Bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa paglapit sa kanya at tiningnan ko siya ng kakaiba.


Bigla naman siyang pumikit at nagmulat din pagkatapos tsaka tumingin sakin.


"Ako dapat ang magsorry kasi, minahal kita gaya ng magmamahal nilang tatlo sayo. Minahal kita ng sobra kahit alam kong hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko. Wala eh, masyado kitang mahal noon pa kaya wala akong pakialam kung magkagusto man sila kasi gusto ko, ako lang tingnan mo pero masyado ata akong naging kampante kaya ayan tuloy, hindi ako yung pinili mo. Hindi kasi ako yung mahal mo."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now