Wag kang maniwala dyan..
Di ka niya mahal talaga...
Sayang lang ang buhay mo...
Kung mapupunta ka lang sa kanya...
Iiwanan ka lang n'yan
Magingat ka...
Dagdag ka lamang...
Sa milyung milyong babae niya...
Akin ka nalang.....
(Akin ka nalang...)
Iingatan ko ang puso mo...
Akin ka nalang...
(Akin ka nalang....)
Wala ng hihigit pa sayo....
Hindi naman ako bolero...gaya ng ibang tao...
Ang totoo'y pag nandyan----
"Ay puta!"
Napatigil naman ako sa pagkanta ng may biglang humawak ng braso ko. Sa gulat ko, napatalon ako kaya nataggal ang earphone ko sa tenga ko at napasigaw ako. Sinamaan ko naman ng tingin si Ken na nakangisi ngayon sa harap ko.
"Hi," bati niya.
"Kailangan mo?" Inis na tanong ko. Ang ganda ganda ng kanta ko eh.
"Wala naman. Tinawag lang kita para--"
"Tagres naman Ken, ang ganda ganda ng kanta ko eh." Maktol ko.
"Kaya nga sa sobrang wiling wili ka, pinagtitinginan kana." Dagdag niya kaya napatingin ako sa mga tao. Ang nakatingin nga sila. Sucks! Nakakahiya.
"Pfftt.... Tara na nga!" Higit niya sakin.
"Uhmm... May klase ako, Ken." Sabi ko habang higit higit niya ako.
"Kaya nga! Tara na!" Sabi niya.
"Ako na! Mauna kana kung sana ka pupunta." Sabi ko at tinaggal ang pagkakakapit niya sa braso ko.
Tiningnan niya lang ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?" Taray ko sa kanya.
"Tara na!" Yaya niya, umiling naman ako.
"Ayoko ngang ihatid mo!" Sigaw ko sa kanya. Taka naman niya akong tiningnan.
"Same class kaya tayo, tanga!" Sabi niya. Aba! Minura niya ako?
"Tangina mo, hindi kita minumura ha!" Sigaw ko at hinampas siya ng bag ko.
Nauna naman ako sa kanya sa inis ko. Pagpasok ko, umupo ako sa harap ng bintana at nagplay ulit ng music. Bwisit na Ken! Epal!
Habang nagmumusic ako, may naramdaman akong umupo sa tabi ko pero hindi ko siya tiningnan pero nagulantang ako ng kunin niya ang isang earphone sa tenga ko at pinalsak sa kanya.
"Bwisit ka talaga!" Sabi ko kay Ken.
"Pakinig din, nagsesentie ka dyan ng magisa eh." Sabi niya pa.
"Bakit? Kelangan ba groupings?" Pagmamataray ko. Nakakainis kasi tong taong to.
"Suplada ah, meron ka no?" Usisa niya kaya hinampas ko na naman.
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanfictionWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.
