Hindi ko talaga siya maintindihan, bakit siya nagsasalita ng lenggwaheng hindi ko alam? May iba ba siyang nasabe dun sa sinabi niya? Insulto ba yun?
"Putek!" Asik ko sabay tadyak ng makita kong bato sa daan.
"Ouch," napatingin naman ako sa harap ko dahil baka may natamaan ako. Luh, meron nga.
Dali dali kong nilapitan yung lalaking natamaan ko, hindi ko pa nakikita ang muka niya dahil nakayuko pa siya sakin.
"Uhmm, I'm sorry.." yun nalang nasabi ko.
Nang inangat naman niya ang tingin niya dun ko nakita ang nakakaasar niyang ngiti na agad nagpaiba ng itsura ko. Kitang kita ko ang ngising aso ni Gavin.
"It's okay, it's not masakit naman na eh," sabi niya nangingisi ngisi.
"I'm sorry again," sabi ko at nagtangka ng umalis pero ang damuhong to, pinigilan ako. Aba, umakbay pa.
"Where are you going?" Tanong niya habang akbay akbay ako kaya inis kong tinanggal yun.
"Bakit? Sasama ka?" Pangbabara ko kaya tinawanan niya lang ako.
"Bakit?" Tila inosenteng hirit niya.
"Panget ka rin." Sabi ko kaya lalo na siyang tumawa.
"You're cool, huh."
"At ikaw hindi."
"You're pretty too."
"Ikaw hindi!"
"Hmmm, mukang nakikita ko na kung bakit ka niya nagustuhan." Sabi niya kaya natigilan ako. Ano?
"Teka! Ano?" Walang habas na tanong ko.
"Wala... Ang sabi ko ang ingay mo, Bea." Luh? Pano niya nalaman ang name ko?
"Pano mo nalaman ang name ko?" Bulyaw ko sa kanya.
"Easy....easy.." sabi niya na animoy pinapahinahon ako.
"Kanino nga?!"
"Kay Dale, oh okay na?"
Tumango tango nalang ako bago umalis pero pinigilan niya ulit ako kaya masama ko siyang tiningnan pero ang tukmol nginitian at kinindatan lang ako.
"Psh, bakit ba?" Inis na bulyaw ko.
"Saan ka nga pupunta?" Ulit niyang tanong.
"Tagres na, sa library!"
"Oh, sige ingat!" Sabi niya tsaka kumaripas ng takbo ng may tingnan sa likuran.
Tss, tanga!
Pumunta naman ako sa library gaya ng maisip ko, hindi para magaral kundi hanapin yung librong ni-recommend sakin ng kaklase ko pero dahil sa tamad akong maghanap ay umupo nalang ako sa pinakadulong table at dun sumubsob para matulog. Okay na dito! Tago sa librarian at walang maingay.
Pero nakakailang minuto palang ako ng pagkakaubob ay biglang may nagsalita.
"Can I sit here?" Tanong nung lalaki.
"Sige lang." Sagot ko without looking at him.
Wala naman kasi akong pakialam kung sino yun dahil ganto naman ako sa library, nagpapaupo sa kung kani kanino basta wag lang maingay.
Nagvibrate naman ang phone ko inis akong kinuha yun sa bulsa ko at tinunghay ang ulo.
From: Dade
Uwi maaga, wag ng magakwatsa. Nandito si Dale kaya bawal ka. Kuha?
Iiling iling ko namang nireplayan si Dade ng 'okay po' pero deep inside, naiinis ako.
"Who's that? Your dad?" Tanong nung lalaki sa harap ko.
"Oo, uwi daw akong maaga.." sabi ko at nanatiling nakatingin sa phone gawa ng reply ni Dade.
From: Dade
Okay, Kuya Mario will fetch you.
"That's nice." Komento nung lalaki.
"Anong nice dun ehh----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang lalaki.
"Nathan?" Gulat sabi ko kaya tinakpan niya ang bibig ko kaya dahil dun narinig ko yung sita ng librarian.
"Shhh, you're too loud." Sabi niya tsaka tinanggal ang pagkakabusal ng kamay niya sa bunganga ko.
"Tss, nakakagulat ka kaya." Sabi ko din kaya iiling iling siyang tiningnan ulit yung libro.
"Ano yan?" Tanong ko ng makita kong French book yung binabasa niya.
"French book." Tipid na sabi niya.
Inirapan ko naman siya. "Oo nga, alam kong French book, anong mapapala mo diyan?"
"Nagaaral ng salita ng French." Sagot niya without looking at me.
"Uh, alam mo yung je t'aime?" Bigla kong tanong kaya nakita ko siyang nagulat. Yun lang kasi ang natandaan ko sa sinabi ni pinky hair.
"Oo," sagot niya ng makabawi siya sa pagkagulat.
"Ano ibig sabihin non?" Curious na sabi ko.
"I love you."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. A-ano daw? I-I love you? Ano yun? Ang tinatanong ko lang naman ay je t'aime ah, bakit siya nag-i love you.
"Ha-ha?"
"Je t'aime means I love you."
Haaaaaa? I love you? Nag-I love you sakin si Chase? Yung pink ang buhok?
"Se-seryoso ka dyan?" Utal na sabi ko at taka naman niya akong tinitigan bago tumango.
"Luh!" Mahinang bulong ko.
"Why?"
Luh? Sasabihin ko ba? Wag na! Nakakahiya, baka sabihan akong assuming.
"Uh, wala wala." Sabi ko at nagpilit ng ngiti kaya binalik niya na ang tingin sa libro.
Nang dahil sa balisa ako, hindi ko namalayan na nalaglag ko na pala yung mga librong dala niya na nakalagay sa table. Sisimutin ko sana kaso, pinigilan niya ako.
"No, let me." Sabi niya kaya tiningnan ko nalang siyang kunin yung mga nalaglag.
"What's wrong? You look upset?" Tanong niya.
"Ha?"
"Tss."
"Uh, wala, may inisip lang." Bawi ko.
"It's that all about Je t'aime?" Bigla niyang tanong kaya nagulat ako.
"H-ha? Hindi ah, h-hindi." Tanggi ko. Napakagat naman ako ng labi ng marealize kong parang guilty naman ako.
Eh, tanga naman kasing Chase yun.
"Kung yung ang iniintindi mo, hindi lang naman I love you ang meaning non, I like you din." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ah, okay." Sagot ko nalang.
Ngumiti nalang ako sa kanya bago dinampot ang bag ko tsaka umalis pero napatigil ako ng magsalita siya.
"Don't believe if someone's tell that they like you. The real question is, until when? Because just like seasons, people change." Sabi niya kaya tulala akong lumabas ng library.
Ano daw sabi niya?
Kalalakad ko ng nakatulala ay hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng music room. Napatigil naman ako ng konti dahil natanggal ang sintas ko at nang makabit ko na ito ay aalis na sana ako kaso may naririnig akong kumakanta sa loob. Sa curious na nararamdaman ko, tumingin ako sa salamin at nakita ko dun si Chase na nakanta. Ang ganda pala ng boses niya, nakakagwapo tingnan sa kanya.
Pero naalala ko yung kanina kaya aalis nasa ako ng marinig ko yung kinakanta niya.
'Let me be the one.'
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanficWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.