Chapter 15: Pictures

276 8 0
                                        



Magiliw akong naglalakad papasok ng school habang nakangiti dahil maganda ang gising ko ngayon. According kasi kay Dade, uuwi muna dito pansalamantala si Mame kaya ang puso ko nagdidiwang HAHAHAHA...

"Ang saya natin ngayon ah." Puna ni Gavin ng makasalubong ko siya.

Ayoko ko namang masira ang maganda kong aura kaya nginitian ko siya. Nagulat naman siya dahil sa ginagawa ko. Aba! Talagang dapat magulat siya kasi hindi ko siya binara.

"Bakit ang saya mo?" Tanong niya. Tawa naman ako ng ako tawa ng makita kong takang taka na siya..

"Well, ganyang talaga pagmaganda ang gising." Sagot ko pa tsaka siya kinindatan. Gulat ko naman siyang iniwan dahil may klase ko.

Sa tatlo kong klase ay ganon parin ang mood ko. Walang makakatanggal ng mood kong masaya kapag si Mame ang pinaguusapan. Mas close ko kasi si Mame kesa kay Dade, kasi matagal kong nakasama si Mame sa Netherlands. Apat na taon akong nasa Netherlands eh, buti nga nakauwi pa ako dito ngayong taon.

Deretso akong pumunta sa canteen at hinanap kung saan nakapwesto si Dale. Nakita ko naman siyang nakaupo sa di kalayuang tinatayuan ko. Pero kasama niya sina Gavin, Nate, Kim at ..... Ken.

Hindi ko nalang pinansin ang pagaalala ko kasi nga walang makakatanggal ng mood ko. Umupo ako sa tabi ni Gavin at inagaw ang burger na hindi niya pa kinakain.

"Luh! Pagkain ko yun eh." Sabi niya pero binelatan ko siya at kinain ang burger niya.

"Bakit parang ang saya mo?" Takang tanong ni Kim.

Si Dale naman ang sumagot dahil ngumiti lang ako kay Kim habang lamon lamon ang burger.

"Dadating kasi si Tita, kaya ang saya niya." Sagot ni Dale.

Nagulat naman si Kim. "We? Seryoso?"

Tumango ako at malapad na ngumiti.

"Yeah, right." Sabi ko.

"So, dadalhin ka ulit sa Netherlands gaya noon?" Tanong ni Kim at ramdam ko namang napatigil ang boys sa pagkain.

"HAHAHAHA... Hindi ah." Tanggi ko agad.

"Uh, kala ko dadalhin ka ulit gaya ng dati nung naaksidente ka." Natatawang sabi niya.

"Tangek! Ayoko na nun, nakaaksidente ako kasi may nakabunggo ako. Ayan tuloy. HAHAHAHAHA.." sagot ko agad.

"Yan tuloy, drive pa ng naulan." Asar ni Kim.

"Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta nun HAHAHA.. wag na yun. Wala lang naman sakin yun. Katangahan ko lang yun." Sagot ko.

Napatingin naman ako sa apat na lalaking tahimik sa harap ko.

"Bakit ang tahimik niyo, Gavin?" Tanong ko sa kanya.

Umiling ito at pilit na ngumiti.

"Wala lang."

"Saan nga pala si Chase?" Tanong ko ng mapansing wala siya. Hindi naman nakaligtas ang tingin ni Ken sakin kaya nagiwas nalang ako ng tingin.

"Uh, kasi..."

"Saan?" Ulit ko.

"He's in the hospital." Sagot ni Nate kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Nagkasakit kasi siya nung nakaraan, lumala lang kahapon." Sagot ni Gavin.

So, nung pumunta siya samin talagang may sakit siya at lumala lang kahapon. Tss, kahit kelan talaga.

"Saang hospital?" Tanong ko kaya napalingon silang lahat sakin.

Putangina! Kakasabi ko pa naman kanina, walang makakatanggal ng mood ko pero bakit biglaang nagtanggal ito?

"Pupunta ka?" Tanong ni Ken.

Napalunok naman ako at dahan dahang tumango.

Matagal siyang napatitig sakin bago niya sabihin ang hospital. Agad akong tumakbo papuntang parking lot at agad na umalis. After 15 minutes na pagmamaneho, nakarating na ako sa hospital. Tinanong ko naman sa lobby kung saan ang kwarto ni Chase. Pagkasabi pa lang nung nurse, tumakbo na ako sa elevator at pinindot ang 8 floor. Pagkarating ko ng 8floor,

"508......509.......510......511........512! Ayun!"

Dahan dahan naman akong pumasok sa loob. Nadatnan ko naman ang isang babaeng maganda! Luh! Ang ganda naman nito! Sino kaya ito?

Napatingin naman ito sakin na nasa pinto. Muka siyang nagulat ng makita ako. Hindi pa siya nagrereact makita ako. Naka tayo lang siyang parang naninigas.

"Uh, hello po.." yun nalang ang nasabi ko kasi naiilang na ako.

Napatingin naman ako kay Chase na nakahiga sa kama habang natutulog.

"Uh, h-hi." Bati nung babae. Ngumiti naman ako. "Pasok ka." Yaya niya kaya pumasok ako.

"Uh, kamusta na po si Chase?" Tanong ko tsaka tumingin sa kanya pero naiilang ako sa paraan ng pagkakatitig niya.

Ano ba to? Para naman akong multo eh.

"Uh, o-okay naman na siya." Bawi niya pero hindi inaalis ang tingin sakin.

Ngumiti naman ako. "Ah, ganon po ba."

"Ako nga pala si Chantal, Eira---uh, Chase's, sister." Pakilala niya napa'o' ako. Sister niya pala. Akala ko, girlfriend. Ang ganda e.

"Uh, ako naman po si Ahllyna Beatrix, Bea nalang po." Pakilala ko kaya ngumiti siya.

"Nice meeting you, Bea."

"Same here, uh," nahihiyang sabi ko. Hindi ko kasi alam kung tatawagin ko siyang Ate o hindi eh.

"Don't be shy, just call me Ate Chantal." Natatawang sabi niya kaya maraan akong tumawa din.

"Uh, pwede po bang Ate Tal nalang? Ang haba kasi ng Chantal eh." Bawi ko kaya nagulat siya. Luh! Baka ayaw niya.

"Oh, okay lang okay lang." Sabi niya pa.

Nakwento naman sakin ni Ate Tal ang kalagayan ni Chase. Nagkasakit pala ito dahil naambunan nung nakaraang araw. Hindi din daw nainom ng gamot si Chase at umalis pa daw nung weekend. Napaiwas naman ako ng tingin ng banggitin niya kung saan ba daw galing si Chase nung weekend. Mamukatan mukatan ko nalang sabihin kay Ate Tal na samin galing pero baka kung anong isipin.

"Girlfriend kaba ni Chase, Trix--uh, Bea pala?" Tanong ni Ate Tal. Nagulat naman ako at agad na umiling.

"Nako! Hindi pa po ah," tanggi ko kaya natawa naman si Ate Tal.

Nagpaalam saglit si Ate na bibili lang daw siya ng pagkain. Binigay pa nga niya sakin yung phone ni Chase, maglaro daw muna ako para daw di boring. Magpoprotesta sana ako na sa cellphone ko nalang kaso umalis na siya. Napangiwi naman ako ng tingnan ko ang wallpaper ni Chase. Isang babaeng nakatalikod sa kanya na nakatingin sa sunrise.

Pumunta naman ako kay Chase at naupo sa upuan sa tabi niya. Kinalikot ko ang gallery ng phone niya pero iilan lang ang picture pero hindi yun ang napukaw ng atensyon ko kundi dun sa album na ang pangalan ay Trix.

Binuksan ko yun at nakita ko ang mga pictures nung Trix na nakatalikod. Lahat ng pictures ay nakatalikod pwera nalang sa isang picture na nasa pinaka ibaba. Ang picture na magkasama silang nakangiti at masayang masaya pero bakit?




Bakit ako ang nasa picture?

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Stories to obsess over. Discover now