"Tara, laro!"
Dahil sa yaya ni Gavin at Dale sakin, pumayag ako. Naglalaro tuloy kami ng volleyball ngayon, weekend eh. Wala naman kaming exam kasi kakatapos lang tapos lahat naman requirements ko tapos na kaya masaya.
Sayang nga lang wala dito si Chase ngayon kasi nasa bahay lang niya, taga alaga ni Chin. Matagal na kaming nagkakasama ni Chase magbuhat nung pumunta siya dito ng gabi at kinabukasan nun, hindi niya na ako pinakawalan. Lahat ng lakad ko kasama siya, lahat ng puntahan ko sa school kasama siya, minsan nga nawiwirduhan na ako eh.
"Bea, sayo!"
Nabalik tuloy ako sa wisyo at nakalimutan kong naglalaro pala kami. Nandito kasi si Gavin, Nate at Dale sa bahay pero kami lang tatlo ang naglalaro habang si Nate kasama si Aries na nagbabasa sa gilid namin. Hindi nagtagal natapos din kami at nagyaya si Gavin na magstarbucks.
"Oy libre mo to ha," angas na sabi ko kaya napakamot si Gavin sa ulo niya bago tumango. Nauna silang pumasok sa loob samantalang nagpahuli ako.
Ewan ko sa sarili ko, basta dito muna ako ng mga ilang minuto. Lilinga linga tuloy ako sa paligid pero wala akong makitang kakaiba kaya napagdesisyunan ko ng pumasok. Papasok na sana ako sa loob ng may makasalubong akong babae na palabas na ng starbucks. Busy siya sa pagtitipa ng phone kaya hindi niya ako nakita, hindi ko na siya sana papansin kaso nakita kong nagdulas sa kanya ang hawak niyang milktea kaya natapon ito sa lapag.
"Oh my god!" Bulas niya.
Napatingin naman ako sa sapatos kong natapunan ng konti ng milktea. Buti nung nagdulas sa kamay niya napaiwas na ako pero masyadong malapit yung sapatos ko kaya natapunan ng konti.
"Oh my god, I'm sorry." Natatarantang sabi niya.
Ngumiti naman ako at yumuko para kunin yung nahulog niya. Naramdaman ko namang yumuko din siya para kunin yun..
"Ako na," presinta ko.
"No need, I'm sorry talaga." Sabi niya.
Dahil pinigilan niya ako para ayusin ang natapon niya ay tumingin nalang ako sa sapatos ko. Kakamayin ko sana ng punas pero nakita kong naglahad siya ng tissue. Kinuha ko ito at ngumiti sa kanya.
"Thank you." Ani ko.
Naupo naman ako sa isang upuan sa labas ng starbucks at doon nagpunas ng sapatos. Napansin ko naman siyang nakatingin sakin kaya tiningnan ko siya. Nakangiti siya.
"You're beautiful and kind." Puri niya kaya masyado akong nahiya.
"Salamat."
"I'm Beatrix. Angela Beatrix." Pakilala niya at naglahad ng kamay. Napatitig naman ako sa kanya nang marealize kong kapangalan ko siya.
Tumayo naman ako at tinanggap ang kamay niya.
"I'm Bea, Ahllyna Beatrix." Pakilala ko at nakita ko siyang nagulat.
"Oh god! We have the same name! Hihihi!" Puna niya kaya natawa ako at tumango.
"Just call me Angel even if I'm not used to it because I'm used to Bea, so it's very embarrassing. I'm sorry to it." Sabi niya.
"Ay hehehe," nahihiyang sabi ko. Kasalanan ko bang same Bea kami?
Magsasalita pa sana siya kaso biglang tumunog ang phone tsaka niya to tiningnan. Ngumiti naman siya sakin nang hindi sinasagot ang tawag.
"I have to go, Bea. I'm sorry again but it's nice to see you. My fiancé looking for me now. Bye." Paalam niya kaya kumaway nalang ako.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaalis siya. Para tuloy akong hindi mapakali ng magkausap kami. May nafefeel akong kakaiba. Well, sakin nalang yun.
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
Fiksi PenggemarWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.