EPILOGUE

565 18 1
                                        

"She's here." Yun lang ang tanging nasabi sakin pero bumilis na ang tibok ng puso ko.

My love is here.

Trix is here.

"But, she doesn't know everything even you. She doesn't know you."

Parang bumagsak ang puso ko sa sinabi ni Dale sakin. Hindi niya ako kilala?

"Paano?"

Four years na eh! Matagal siyang nawala.

"She had an amnesia, four years ago habang papunta sa birthday mo. Naaksidente siya. Dinala siya sa Netherlands para gamutin at para narin makapagpahinga muna siya kahit konti."

Nanahimik ako. Dahil don? Kaya ba hindi siya nakapunta sa birthday ko? Kaya ba pagkatapos nun, hindi ko na siya nakita?

"Where is she?" Tanong ko agad.

"Napasok sa school ko, wala siyang alam kaya please, kung pupuntahan mo siya. Wag mo munang sabihin sa kanya." Paalala ni Dale.

Nang malaman ko na nandito na si Trix, sobrang tuwang tuwa ako. I want to her even if she doesn't know me now, I don't care. Sinabi ko kina Nathan, Gavin at Ken na lilipat kami ng school kahit hindi pa ako sigurado kung papayagan ako. I asked Dad about it and he agreed but Lolo wasn't. I tried to asked him again and finally he agreed but in one condition.

"What is it?" Tanong ko.

Ngumiti nalang siya. "We'll see."

Linggo palang ng gabi, excited na akong pumasok o magtranfer kasi makikita ko na siya. Nung nag-umaga, sabay kaming apat pumasok sa bagong school. Nang makapasok kami sa room, halos mairita ako ng magtilian sila. Pero nawala yun ng makita ko siya.

"Syanggalang yan! Manahimik nga kayo!" Sigaw niya at napatayo pa. Palihim naman akong natawa ng manlaki ang mga mata niya dahil siguro narealize niya na nandito si Ma'am. Walang pinagbago, maganda parin.

Tinanong siya ni Ma'am kung anong problem kaya umiling siya at napapahiyang umupo. Isa isa kaming nagpakilala sa lahat pero nakikita ko siyang nagsasalita mag-isa. Napangisi naman ako ng tanungin kami ni Ma'am kung saan kami pwedeng umupo kaya tumingin ako sa kanya.

"Beside her." Tanging nasabi ko.

Gusto ko siyang makatabi, yun lang talaga. Aaminin kong hagom ako sa atensyon niya lalo na nung hindi naman talaga ako ang tinitingnan niya pero sinuway ko. Wala lang, gusto ko lang siyang kausap. Namimiss ko na kasi ang mga salita niya.

Naalala ko nung pumunta kaming canteen kasi pinapunta kami ni Dale. Nakita ko siyang kaubob sa lamesa pero nag-kuwari akong hindi ko yun kilala kaya tinanong ko kung sino yun, sinabi ko naman na hindi siya tulog kina Gavin kasi nakikita kong gumagalaw ang mga paa niya sa baba, aba'y sinigawan ako at tinawag akong lalaking pink na buhok. Tss, nakakatawa siya. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.

Nung kinahapunan nun, nakita ko siyang kausap si Dale sa passageway. Muka namang pinapagalitan niya tong si Dale at natawa ako kung pano magiba ang muka niya nung lagpasan siya ni Dale. Sigaw siya ng sigaw doon kaya nilapitan ko at tinakpan ang bibig niya. Nataranta naman siya kaya kinausap ko ng French pero hindi niya na naiintindihan kaya tinuloy ko na hanggang sa sinabi kong gusto ko siya.

Sa campus ground, naglalakad ako papuntang klase ko pero nakita ko siyang doon kasama si Ken. Agad naginit ang ulo ko ng makita kong humiga si Ken sa lap ni Trix. Pinagmasdan pa nito ang muka ni Ken tapos iginuhit niya pa ito. Pumikit ako at binalewala ang nakita ko kasi alam kong kapag nakaalala siya, ako na ang iguguhit niya. Nakita ko naman siyang papasok sa loob ng garden kaya hinarang ko at binantaan kong wag siyang sasama kay Ken pero nagalit siya at nagsalita siya ng Dutch pero dahil marunong ako, sinagot ko siya bago iniwan. Alam kong nagtataka na siya sa kilos ko.

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Stories to obsess over. Discover now