Friday na! Birthday na ni tukmol!! August 6, 2019.
Well, gaya ng sabi niya pumunta kami ni Dale sa venue daw ng party niya kuno. Aaminin kong kinakabahan ako kasi pagpasok ko palang ang dami ng tao. Yung handaan sa may left corner at sobrang dami tapos may mini stage pa sa gitna at puno ng table and chairs. Engrande talaga to. Balita ko kasi kay Dale, spoiled si Gavin sa parents niya kasi only son. Mayaman din si luko dahil nalaman kong kanila palang hotel to.
"Dale, dito!" Napalingon kami sa sumigaw sa bandang kanan at nakita namin dun sina Nate, Ken at Chase.
Pumunta naman kami dun tsaka ako umupo sa gitna nina Chase at Ken. Wala nang bakante eh, inupuan naman ni Dale yung katabing upuan ni Nate.
"Hi, guys." Bati ni Dale.
Tinanguan naman siya nila Nate bago tumingin sakin yung tatlo.
"Hindi ka nagdress?" Tanong ni Ken sakin.
Umirap naman ako. "Kahit ano daw suotin ko eh, edi nagpatalon ako." Pagmamayabang ako.
Sinabi naman ni Gavin na simplehan ko lang kaya nagsuot ako ng denim jeans, white t-shirt pero may denim jacket naman tsaka white shoes. Para lang tuloy akong pupunta ng mall.
"That's okay with me. There are many people right now so, it's okay if that's what you're wearing." Sabat naman ni Chase kaya ngumiti nalang ako.
"Nga pala, nasan na si birthday boy?" Basag ni Dale ng katahimikan. Natahimik kasi kaming lahat sa sinabi ni Chase.
"Still upstairs, getting ready." Sagot ni Nate.
Ilang minuto din kaming naghintay bago magsimula ang party. Ngiting ngiti si Gavin na pumanhik sa mini stage at nagsalita. Pinapasalamatan niya lahat ng nandito at dumalo. Pinayagan niya na ding kumain ang lahat kaya ang mga bisita ay nagsikainan na pero ako nanatiling nakaupo. Hindi ko kasi ugaling makiagaw at makipagunahan kung alam kong may nauna na sakin kaya hihintayin ko nalang mawalan ng tao tsaka ako papanhik don.
"You will not eat?" Tanong ni Chase ng mapansing hindi ako naalis ng upo ko. Kami nalang kasi ang natira dito kasi kumuha ng pagkain sina Nate at Dale samantalang nag-cr si Ken.
"Mamaya na. Madami pa sila don eh." Tipid na sabi ko kaya tumango siya at pumunta na sa kainan.
Hindi naman ako nagisa pagkaalis ni Chase kasi biglang dumating si Gavin.
"Hi, happy birthday!" Nakangiting sabi ko kaya ngumiti siya.
"Thank you. Regalo ko?" Buong galak na tanong niya.
"Wala eh," I lied. Napatawa naman ako ng biglang lumungkot ang muka niya kaya naawa ako at binigay na sa kanya ang regalo ko.
"Oh, wag ka nang malungkot. Napanget ka." Sita ko sabay abot ng regalo kaya nagiiba na naman ang muka niya.
"HAHAHAHA.. Salamat. This is the best I have ever received, the gift from you." Sabi niya kaya napatitig ako sa kanya bago ngumiti. Napaalam naman na siyang aalis muna kaya pumayag ako.
"Here, eat it." Napatingin naman ako sa nilapag na pagkain ni Chase sa harap ko.
"Luh, dapat ako na ang kumuha." Maktol ko.
"Nah, no need." Sabi niya.
"Salamat." Nakangiting sabi ko kaya bahagya din siyang ngumiti.
Nagsimula na kaming kumain ng makarating na sina Nate sa table. Panay naman kami kwentuhan ng kung ano ano hanggang sa napatingin kami kay Gavin na nagsalita sa stage. Niyaya niyang kumanta si Chase sa gitna pero umayaw itong isa.
"Please, para sa birthday ko." Magmamakaawa ni Gavin kaya nagtawanan naman kami.
Napabuntong hininga naman si Chase at tumingin sakin na animo'y ako ang magdedesisyon ng pagkanta niya kaya tumango nalang ako. He went on stage and Gavin greeted him with a laugh. Chase said something to Gavin before he nodded and went down the stage. Chase looked at the crowd and looked directly at my eyes.
"I dedicate my song to the woman I still love." Sabi ni Chase kaya nagsigawan ang mga tao.
Taong mahal niya? Teka! Bakit nasasaktan ako? Wala naman dapat yun ah. Masaya ako para sakanya.
"Trix, no new, still you." Habol pa ni Chase habang nakatingin sakin. Nagiwas naman ako ng tingin.
Hindi naman ako si Trix eh. Beatrix pwede pa.
There I was, an empty piece of a shell
Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all about
Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so inlove you
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
Nakakaiba ang pakiramdam ko ng kinakanta ni Chase ang kantang yan. May nararamdaman akong iba na hindi ko mapaliwagan. Tapos nagwawala pa ang puso ko dahil sa buong pagkanta niyang yun ay nakatingin siya sakin. Ramdam ko din ang titig nina Dale sakin na para bang pinakikiramdaman ako kung anong magiging reaksyon ko. Para bang may alam sila na hindi ko alam. Ano ba yun?
I love the touch of your hair
And when I look in your eyes
I just know, I know I'm on something good
And I'm sure my love for you will endure
Your love will light up my world
And take all my cares away with the aching part of me
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
When I......met you....
Matapos ang kanta niya ay sinalubong siya ng pilit na ngiti ni Gavin. Bumalik naman siya dito at binati siya nina Dale. Ngiti lang ang ginanti niya bago tumingin sakin. Ngumiti siya.
"How was my song? Is it beautiful?" Bungad niya sakin.
"Maganda siya, maganda." Pilit na ngiti ko.
I don't know how I feel. I shouldn't feel that but why do I feel it over and over again? Why does my heart seems to hurt? I don't know him but why in my heart does he seem to have something to do. It seems like I have known him for a long time.
"Who is Trix?" Hindi ko napigilang magtanong sa kanya at nakita ko naman ang gulat nila ng tanungin ko yun lalo na ni Chase.
Matagal niya akong tinitigan bago sumagot.
"My girlfriend. My love. My everything. But that was then because she no longer knew me now. If she remembers me now or not, I hope she at least remembers how much I love her."
_______________
When I met you by Apo Hiking Society
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
Hayran KurguWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.