Chapter 13: Irritation

240 10 0
                                    





"Bea, nakailan kang boyfriend?"

Sinamaan ko naman si Gavin ng tingin dahil sa tanong niya. Tanungin daw ba ako kung nakailan na akong boyfriend. Pakialam niya sa mga boyfriend ko, jojowain niya ga?

"Puta! Wag ka ngang magtanong." Maktol ko at nagiwas ng tingin.

Bakit ba ako sumama sa dalawang to? Naha-hot seat ako eh. Kasama ko kasi sina Nate at Gavin dito sa campus ground. May pablanket pa yan at may papagkain kala mo nagpipick nik HAHHAHAHA...

"Bakit? Bawal magtanong?" Tanong niya.

"Stop asking her, Gavin." Sita ni Nate kaya napanguso si Gavin.

Inirapan ko naman siya. "Dalawa."

Kumunot naman ang noo niya. "Anong dalawa, Bea?"

"Dalawa ang naging boyfriend ko." Sagot ko.

"Ha? Diba dapat tatlo kasi----"

"Kyler Gavin!" Hindi na natapos ni Gavin ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinita ni Nate. Nagtaka naman ako sa kinikilos nila pero sinawalang bahala ko nalang. Bahala na silang magtalo dyan.

"Wait! Where is Chase, by the way?" Pagiiba ni Nate. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sakin siya tumingin.

Aba malay ko! Ako ba kasama? Hindi naman ah. Wala akong makialam dun sa taong yun. Kasama niya ako dito tapos sakin itatanong. Tanga ata siya eh! Baka nambabae! Muka namang chickboy eh.

"Ewan ko!"

"Bakit ka galit?" Natatawang tanong ni Gavin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Edi, tiklop siya. Tanga!

"Tss, tumigil ka nga sa katangahan mo, Gavin." Sita ko.

Nahiga naman ako sa blanket at maraang pumikit. Ayoko ko munang isipin ang mga bagay na napapasakit ng ulo ko gaya nina Chase at Ken. Nakakastress silang dalawa. Pilit kong kinakalimutan yung sagutan nila nung nakaraan pero hindi mawala sa isip ko. Ano bang ibig nilang sabihin? Bakit parang may alam talaga sila? Bakit parang ramdam ko na may tinatago sila sakin? Nakakainis.

"Wake up." Napamulat naman ako ng gisingin ako. Nakita ko ang muka ni Ken na nakatingin sakin.

Bumangon ako para tingnan siya ng seryoso pero hindi niya yun pinansin sa halip kinuha niya ang bag ko at hinigit ako paalis dun. Buong lakas kong hinigit sa kanya ang braso kong hawak niya. Napatingin naman siya sakin ng taka kaya nagsalita na ako.

"Saan tayo pupunta? Bawal ako eh. Sorry." Sabi ko tumingin kina Gavin at Nate na nakatingin lang samin.

"Bakit ka bawal?" Seryosong tanong niya.

"Basta." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin dahil hinigit niya na naman ako at inalis ko na naman ang kamay niya.

"Ken, ayokong sumama. Baka may makakita." Naiilang na sabi ko kasi nakikita kong marami ng nakatingin samin.

"What? Sinong makakakita? Si Chase? Ano naman pakialam ko?" Inis na sabi niya.

"Hindi mo kasi naiintindihan eh, basta. Ken, please."

"Bakit ba iniisip ang nararamdaman ni Chase? Wag mo naring isipin ang mga sasabihin ng mga tao. Hayaan mo sila."

"Ken, ano ba--"

"Look, seryoso akong sinabi ko sayong gusto kita kaya wala akong pakialam sa nararamdaman ng tao lalo na ni Chase." Putol niya sa sasabihin ko.

Tumingin lang ako sa kanya at umiling. Nakita ko naman ang gulat sa muka niya at bahagyang yumuko.

"Tigilan mo na ang mga sinasabi mo, Ken." Yun nalang ang sinabi ko. Naramdaman ko namang lumapit sakin si Gavin at Nate.

Natawa siya ng kunti at muling tumingin sakin.

"Nakakatawang makita na kahit wala kang alam sa mga nangyayare isa naman ang hindi mawawala sayo. Ang mahalin siya ng paulit ulit at ipakita saming siya parin ang pinipili mo."

Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na siya. Naiwan naman kaming tulalang lahat. Walang nagsalita kahit isa. Sumakit naman ang ulo ko sa sinabi niya. Ano ba yun?

"Bea, okay ka lang?" Napansin siguro ni Gavin na nahihilo ako.

"Nahihilo ako Gavin----"


Hindi ko na alam ang sunod na nangyare beacause something went black.





Nagising nalang ako nasa clinic na ako at nakapalibot sakin sina Dale, Kim, Gavin, Danica at Nate.

"Uy, gising na siya!" Sabi ni Kim sa lahat kaya dahil dahil silang tiningnan ako.

"Oy, okay ka lang?" Tanong ni Dale.

"Bakit ka nawalan ng malay?" Tanong naman ni Kim.

"Bea, may kakaiba ka bang nararamdaman? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" OA na tanong ni Gavin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Lalo niyo lang pinapasakit ang ulo ni Bea, tumigil nga kayo." Pagtataray ni Danica.

"Yeah. Easy lang kayo." Sita din ni Nate.


Bumango naman ako sa pagkakahiga at maraang tinginan ang mga taong to. Kakaiba ang nararamdam ko. Kakaiba talaga.

"Are you okay now?" Tanong ni Nate.

"Okay na ako. Nahilo lang." Mahinang sagot ko.

"Bakit ka ba nahilo?" Tanong ni Kim na mukang nagaalala.

"The nurse said, dala lang ng stress ang pagkahilo niya." Sagot ni Gavin.

Yeah, this past few weeks at days madami nga akong iniisip kaya hindi ako nakakatulog sa gabi. Naiinis ako kapag hindi ko masagot sa sarili ko ang mga tanong na sinasabi at pinapakita nila.

"Anong nangyare kanina nung tulog ako?" Hindi ko mapigilang magtanong pero kasi nawiwirduhan ako.

Wala naman ni isang sumagot sa tanong ko hanggang sa napatingin kami sa biglang pumasok. Pumasok si Chase sa loob ng clinic at dali daling lumapit sakin.

"Okay kana?" Tanong niya.

Napatitig naman ako sa kanya dali may napansin ako.

"Anong nangyare sayo?" Tanong ko.

Nakita ko kasi ang sugat niya sa labi, halatang nasapak.

Nagiwas naman siyang ng tingin. "Wala to."



Bakit parang nararamdaman kong kay Ken galing ang sugat niya? Nakipagsuntukan ba siya dito?


"Chase, anong nangyare?" Tanong ni Gavin sa kanya kaya naguluhan kaming mga babae sa tanong ni Gavin.

"Okay na." Tipid na sagot ni Chase.


Nagpaalam naman na silang umalis kaya naiwan kami dito ni Chase. Wala namang nagsalita samin ng mga ilang minuto hanggang sa binasag niya na ang katahimikan.

"I'm sorry, Bea." Mahinang sabi niya kaya gulat akong napatingin sakanya at nakita kong nakayuko siya.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko. Naguguluhan ako sa inaakto niya.

"Basta. I'm sorry." Sabi niya.

"Nakakainis na alam mo yun! Hindi ko alam kung bakit iba ang inaakto niyo na para bang may alam kayo sa lahat habang ako parang tangang nanghuhula sa mga nangyayare. Para tuloy akong napunta sa mundong hindi ko alam kung makakayanan ko. Puta!" Asik ko at palihim na nagpunas ng luha.





"I'm in pain, Bea. Because I see you no one knows so, I hope you let me feel like you are in this world even if you don't remember anything."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now