Putang ina talagaaaaaaa!
Gusto kong magmura ng malakas ngayon eh kundi dahil lang nandito si Ma'am kaya hindi ko ginawa. Nakakainis kasi 'tong apat na 'to eh. Bakit ba dito sila umupo sa tabi ko? Well hindi technically silang apat kundi si Chase at Ken lang kasi nasa harap si Nathan at Gavin. Napatingin naman ako sa gawi kong kaliwa ng makita kong inaasar ako ng mga lalaki sa kabilang row kaya inis ko silang tiningnan.
"Can you please stop staring me, it's rude." Inis na sabi nung Chase kaya nagulat ako ng makita kong napatingin siya sa'kin kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Pinagsasabi mo?" Gulo kong tanong sa kanya kaya kinunutan niya ako ng noo.
"Tss, nagdadahilan pa," rinig kong bulong niya.
"Baka kasi sa iba ako nakatingin, psh feelingero." Irip ko sa kanya.
Nang matapos ang klase ay uundok undok akong pumunta ng canteen at umupo sa harap ni Dale na nakain.
Nabuluan naman siya ng makita akong nakasimangot sa harap niya.
"Pftt, problema mo?" Tanong niya, natatawa.
"Sila ba?" Matamlay na sabi ko. Inaantok ako.
"Ha? Anong sila?" Naguguluhang tanong niya sabay lantak ng pagkain niya. Ang siba naman nito, kadiri pa!
"Yung sinasabi mong kaibigan, sina Chase ba 'yun? Ewan!" Sabi ko at sumubsob sa lamesa.
Putek! Bakit kasi nagbasa pa ako kagabi, 'yan tuloy alas dos na ako nakatulog.
"Nakilala mo na pala sila!" Sabi niya at ngingiti ngiti sa'kin.
"Tumigil ka! Nasusura ako sa mukha mo. Para kang tanga!" Puna ko kaya sinamangutan niya ako.
Sumubsob naman ako pagkatapos niyang ipakita ang nakakasura niyang muka. Psh, gwapo nga, tanga naman. Pipikit pikit akong umubob sa lamesa habang tuloy tuloy ang pagkain ni Dale.
"Hey bro,"
Hindi ko naman pinansin ang pagbati nu'ng lalaki ata kay Dale, ewan.
"Who's this?" Tanong nung isa. Teka! Parang kilala ko 'yun ah.
"Ah, si Bea 'yan! Hayaan niyo siya. Puyat 'yan eh." Rinig kong sagot ni Dale.
"She's sleeping pala," sabi naman nung isa.
"Tss, hindi siya tulog." Sabi naman nung isa.
Aba't pano nito nalaman? Tss.
"Pano mo nalaman?"
"Hula ko lang."
"Eh ano naman kung hindi ako tulog? May masama ba 'dun?" Agad kong pagsusungit 'dun sa tukmol na pink ang buhok.
Kinunutan naman niya ako ng noo bago magsalita. "Tss, don't sleep here, this is not your house."
Agad naman akong nag-init ang ulo sa sinabi niya. Anong pakialam niya kung matutulog ako dito? Sino ba siya? Ah, transferee.
"Hoy, tukmol na kulay pink ang buhok. Wala kang pakialam kung matulog ako dito dahil hindi naman sayo 'tong canteen! Tse, makaalis na nga! Epaaaaal!" Inis na bulyaw ko 'dun sa Chase.
Naririnig ko naman ang mga tawag ni Dale sa'kin pero dere-deretso akong naglakad hanggang sa nakapunta ako ng rooftop.
"Aaaaaaahhhhhhh!" Sigaw ko.
Nakakainis kasi, putangina. Ngayon lang ako nainis ng ganito, hindi naman ako ganito dati.
"Ang ingay mo."
Gulat naman akong napatingin sa likuran ko dahil biglang may nagsalita. Nakita ko 'dun si Kendric na parang kagigising lang at mukang nagising ko sa sigaw ko.
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
Fiksi PenggemarWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.
