Chapter 14: Flowers

236 12 0
                                    


"HAHAHAHA.. stop pouting, tss."

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Tss, sa susunod wag ka ng sumama kay Jay ha."

"Uy, nagseselos ka ba?"

"Tss, hindi no."

"We? Yieee nagseselos ka eh."

"Psh, oo na. Basta wag ka ng sasama sa kanya."

"HAHAHAHAHA.. oo na. Tampururot ka pala eh."

"Tss, I love you, Trix not for now but for always."

"I love you, Eiram----"



Hingal na hingal akong napabangon sa kama ko dahil sa panaginip na hindi ko alam kung kanino. Kung sakin ba o sa ibang tao! Sino yung Trix at Eiram? Wala akong kilalang ganon. Eiram? Yun yung bigla kong nasabi sa mismong harap ni Chase. Ano bang kinalaman ko sa dalawang yun? Bakit ba napapaginipan ko lagi? Malabo namang kakilala ko kasi ako mismo hindi ko kilala.

"Bea?" Katok sa pinto ko ni Dade.

"Gising na po ako." Sabi ko kaya binuksan na ni Dade ang pinto at pumasok.

"Good morning, breakfast is ready. Let's go downstairs." Yaya ni Dade at aaktong aalis kaya pinigilan ko.

"Dad!"

"Yes, honey?" Tanong niya habang nakangiti.

"Kent u Trix en Eiram?" (Do you know Trix and Eiram?) Tanong ko kaya nawala ang ngiti ni Dade at napatitig sakin ng ilang segundo.

"Uh, wa-wala eh." Sagot niya kaya tumango nalang ako.

Kung walang kakilala si Dade na Trix and Eiram? Bakit ko napapaginipan ang mga yun? Ano bang koneksyon nila sakin? May kasalanan ba ako? Kung meron, ano yun?

"Why? Do you remember anything? Do you know anyone?" Tanong ni Dad kaya umiling ako.

"Wala po, napaginipan ko po kasi eh. Ewan ko nga po." Sagot ko kaya nagiwas na si Dade ng tingin tsaka nagpaalam na lalabas na.

When Dad came out of my room, I went straight to Cr to take a bath and get organized. After that, I immediately went down and went to the dining area where Dad was. I greeted Aries and Dad before eating. After I ate, I stayed in the living room for minute and decided to go out to go to Dale since we're neighbors. Today is a weekend, that's why I don't have class.

Niyaya ko siyang maglaro ng volleyball at pumayag naman siya agad kaya naglaro kami for freaking three hours. Habang nagpapahinga kami, biglang may dumating na delivery. Hindi siya sa pagkain kundi delivery para sa bagay. Nagtaka naman kaming tatlo nila Aries kasi may biglang nagdeliver ng bulaklak.

"Kayo po si Ahllyna Beatrix Lee?" Tanong ni Kuya kaya tumango ako.

"Uh, kuya hindi po ako umorder ng flowers." Sabi ko agad kaya natawa si Kuya.

"May nagpadeliver lang po niyan." Sabi niya at may pinapermahan pa sakin bago siya umalis.

"Kanino daw yan galing?" Tanong ni Dale ng makapasok kami sa loob.

Hindi ko siya pinansin dahil matagal akong nakatitig sa bulaklak. Pink tulips. Paborito ko to. Sino kayang nagpadala nito at alam ang paborito ko.

"Ate, favourite mo yan diba?" Tanong ni Aries kaya tumango ako.

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now