Chapter 7: Confused

348 11 0
                                    



"Hoy, okay ka lang ba talaga?"

Nagpilit naman ako ng ngiti kay Dale ng pang walong beses niya ng tinanong sakin ang tanong kung okay lang ba ako..

"Dale, pang eight times mo ng tanong yan at pang eight times ko din sasabihin sayo ayos lang ako." Bara ko at inirapan siya.

"Okay, sabi mo eh. Teka! Order lang ako, dyan ka lang. Treat kita." Sabi niya nagmamadaling umalis.

Pero sa totoo lang, hindi talaga ako okay. Simula kasi ng insidente doon sa stock room parang iniwasan ako ni Chase at hindi ko alam kung bakit pero kapag kasama ko si Gavin, Ken at Nate palagi ko siyang nakikitang nakatingin samin. Nawiwirduhan ako pero at the same time, naguguluhan. Parati nalang niya akong binibigyan ng isiping malabong masagot ko kaagad.

"Bea, si Dale?" Napaangat naman ang tingin ko sa nagtanong. Nakita ko si Gavin kasama niya si Nate, Ken at Chase.

Umupo sa tabi ko si Ken at Gavin habang sa tapat ko si Nate at Chase. Nginitian ko si Nate at Gavin habang tiningnan ko lang si Chase at Ken. Ewan, nalilito ako sa porma nilang dalawa.

"Nasa counter, naorder." Tipid na sagot ko.

"Teka! Sundan ko lang, Kade samahan mo ako." Yaya ni Gavin kay Nate kaya tumayo na si Nate. In the end, naiwan kaming tatlo.

Puta! Ako lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness saming tatlo. Bukod sa walang nagsasalita, wala ring nakibo.

"How's exam?" Napalingon naman kami ni Chase kay Ken ng tanungin niya yun at nasisigurado kong ako ang tinanong niya dahil sakin na siya nakatingin.

"O-okay lang, mahirap pero kaya." Simpleng sagot ko.

"Hindi ka kasi nagre-review." Asar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong hindi? Ulol." Sabi ko at benilatan siya.

"Panget mo." Asar niya at natawa tawa.

"Panget ka rin." Sabi ko at inirapan pero natawa na din ako ng makita kong nagpipigil siya ng tawa.

Habang nakikipagasaran ako kay Ken, napatingin ako kay Chase na nakatitig lang sa lamesa habang nagtatangis ang mga bagang. Luh? Galit?

"Hay nako, haba ng pila." Reklamo ni Gavin at umupo sa tabi ko.

"Oy, ayos ka lang?" Tanong ni Dale ng mapansin ang kakaiba kay Chase. Napatingin naman kaming lahat kay Chase ng bigla itong tumayo at maraang tumingin sakin.

"I lost my appetite." Madiing sabi niya habang nakakatitig tsaka umalis.

"Problema nu'n?" Tanong ni Gavin tsaka kinagat ang burger niya.

"May nakita kasing kakaiba." Makahulugang sabi ni Dale at malihim na tumingin sakin. Naglihis naman ako ng tingin tsaka mahagyang kumain ng burger.

"Ano yun?" Chismosong tanong ni Gavin pero nagkibit balikat nalang si Dale.

Napalingon naman sila sakin ng tumayo ako. I need to follow him.

"Where are you going?" Tanong ni Ken sakin.

"Punta lang akong faculty, naalala kong pinapatawag pala ako ni Miss Zamora." I lied. Pero ang totoo, susundan ko lang si Chase.

Wala na naman silang nagawa ng mabilis akong umalis doon. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero alam kong kailangan ko siyang sundan. Naiinis ako sa nararamdaman ko sa kampon ng demonyong yun eh.

Saan ba pwedeng pumunta yun? Campus ground? Hindi, masyadong maingay dun. Tahimik yun e. Sa field? Hindi naman ata mahilig yun dun. Sa gym? May naglalaro naman doon eh. Sa rooftop? Mukang hindi, si Ken lang ang laging nandon e. Saan ba pwedeng pumunta yung lalaking yun? Sa garden? Teka! Kung hindi ako nagkakamali, nakita ko siya dun sa ilalim ng puno. Baka dun! Dun nga!

Nagmamadali naman akong pumunta ng garden para malaman kung tama ba ako at hindi naman ako nagkamali ng makita ko siya doong nakahiga sa damuhan habang nakapikit. Dahan dahan akong tumabi sa kanya pero nakaupo lang ako. Matagal din kaming nanahimik ng dahil doon. Ewan ko, alam kong boring ang ganitong setup pero nafi-feel ko ang masarap na pakiramdam.

Ikaw lang ang aking mahal

Napalingon naman ako sa kanya ng bigla siyang kumanta kasi nakapikit.

Ang pagibig mo'y aking kailangan

Pagibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman

Napalihim naman akong napangiti ng kinanta niya. Puta! Bea? Nangiti ka sa isang lalaking kumanta lang?

Ang nais ko sana'y inyong malaman

Sa hilaga o sa timog o kanluran

Kahit san ka man, ay aking isisigaw

Ikaw ang aking mahal


"Kelan ka pa natutong kumanta?" Bigla kong tanong habang nakangiti sa kanya at nakita ko naman siyang napamulat dahil doon. Matagal niya akong tinitigan bago nagiwas ng tingin.

"Since two years old, my Mom taught me." Sagot niya kaya tumango ako.

"Kelan mo nadiskubreng magaling ka?" Tanong ko ulit sabay tingin sa kanya.

Nakatingin naman siya sa langin bago sumagot. "When I sing a song for my Mom."

"Saan na siya?"

"In heaven." Simpleng sagot niya kaya nagulat ako.

"I'm sorry, I didn't know." Sabi ko.

"It's okay, it's not your fault."

Napatingin naman ako sa kanya nun, sa unang tingin mo palang sa kanya para na siyang masungit pero kapag pala kinausap mo ng masinsinan eh, para palang anghel.

"What are you doing here?" Biglang niyang tanong without looking at me.

"To tell you the truth, I don't know. Sadyang dito ako dinala ng paa kasi inisip kong dito kita makikita." Simpleng sagot ko at maraang natawa. Nakita ko naman kung pano siya napatingin sakin.

"Bakit mo ko sinusundan?" Tanong niya.

"Nalilito kasi ako sayo. Nalilito ako sa mga pinapakita mo. Kung may dapat ba akong ikabahala o wala. Kung may dapat ba akong malaman o wala. Ewan ko sayo!" Sagot ko at naramdaman ko naman ang titig niya.

"I'm sorry." Sabi niya.

Nilingon ko siyang at nginitian ng pilit. "Bakit naman?"

"Hindi mo dapat yan nararamdaman." Sagot niya at yumuko.

"Ha?"

"Wala." Sagot niya. Yan na naman siya, nagbibigay na naman ng isipin.

"Ah, okay?"

"You know what...."

"Alam ko ang ano?" Takang tanong ko.

"You know what, I'm happy right now because you're here. You're here beside me, listening to my song and my damn story. You know what the happiest right now?" Ani niya na nagpakaba sakin.

"What?"

"Seeing you smile because of me."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now