Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung nagusap kami ni Chase. Alam ko na wala lang yun pero bakit parang ramdam kong may ibig sabihin lang ng yun? Nalilito at naluluka na ata ako eh. Hindi ko naman dapat maramdaman yun eh pero bakit paulit ulit na napasok sa isip ko.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Dale sakin.
Nakalimutan kong kasama ko pala si Dale dito sa gym. Kasalukuyan kaming nanonood ng laro ni Ken.
Dapat nga wala ako dito eh, kaso niyaya ako ni Dale kaya wala akong magawa. Pero nandito nga ako, wala naman dito ang isip ko. Napapansin ko, this past few days parang nagkakaroon ng ilangan sa pagitan ni Ken at Chase pero pinipilit kong wag pansin kasi baka pansin ko lang.
"Ha? Wala ah," simpleng sagot ko at nagtuon ng pansin sa laro ni Ken.
Ngayon ko nga lang nalaman na basket ball pala ang favourite ni Ken eh. Alam ko na yung kay kay Gavin, martial arts at kay Nate, billards. Pano ko hindi malalaman ang kay Gavin eh panay kasi siya kwento na nanalo daw siya. Sa sobrang gwapo daw niya natatalo niya agad ang mga kalaban niya. See, ganyan siya kakapal ang muka.
"Alam mo, wala naman sa game ang atensyon mo eh." Napalingon naman ako kay Dale ng bigla niyang sabihin yun. Nakatingin din pala siya sakin.
"Ha?"
"Ano bang iniisip mo?" Tanong niya pa. Chismoso.
"Wala, chismoso ka lang talaga." Sabi ko.
Tumingin naman ako sa laro at kay Ken. Nagulat pa nga ako ng nakatingin pala siya sakin tapos biglang ngumiti kaya ang mga katabi naming mga babae ay nagsititili. Nakakabingi.
Hanggang sa natapos naman ang laro nila Ken at nanalo naman sila. Ang laki nga ng lamang nila sa kalaban eh. Pagkatapos naming manood ay lumapit si Dale kay Ken pero hinila niya ako kaya nakasama tuloy ako sa paglapit.
"Congrats, pre." Bati ni Dale kaya nginitian siya ni Ken bago tumingin sakin.
"Wala bang congrats?" Tanong niya sakin kaya napataas ako ng kilay.
"Ha? Uh, congrats." Sabi ko at inirapan siya pero tinawanan niya lang ako.
Tumingin naman ako kay Dale. "Uy, una na ako. May gagawin pa ako eh." Sabi ko rito.
"Oh, sige." Sabi niya kaya aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Ken.
"Anong gagawin mo?" Tanong niya pero napadako ako sa kamay niyang nasa braso ko kaya napapahiya naman siyang tinanggal yun at pilit na ngumiti.
"Actully wala, pupunta lang ako sa library." Sagot ko at palihim na tumingin kay Dale na nakatingin kay Ken ng makahulugan.
"Samahan na kita. Just wait for me." Sabi niya at pipigilan ko sana kaso mabilis na pumasok sa players room.
Hindi naman nakaligtas ang kakaibang tingin ni Dale sakin kaya tinaas ko siya ng kilay.
"Bakit naging ganon si Ken?" Deretsong tanong niya kaya nagulat ako.
Nagkibit balikat naman ako. "Ewan ko, tanungin mo siya."
"I'm sure hindi siya magsasabi ng totoo kaya sayo ako nagtatanong. Are you two dating?" Ani niya kaya nabulunan ako ng sarili kong laway.
"What?! Of course not." Tanggi ko agad.
"You look defensive." Pagaakusa niya.
"I don't like him, Dale. So, shut up." Sabi ko at inirapan siya kaya nagkibit balikat nalang ito at nagpaalam ng umalis.
Actually, napapansin ko ding nagiiba si Ken ngayon. Dati, suplado at hindi namamansin pero ngayon nangiti na at natawa na. Nangyare kaya don?
"I'm sorry, natagalan." Napatingin naman ako sa kanya kaya tumango nalang ako at nginitian siya.
"It's okay."
"So, lets go." Sabi niya.
"Wait! Hindi na ako pupunta sa library eh." Pigil ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya.
"So, where? Samahan parin kita."
"Uh, nagugutom kasi ako eh." Sabi ko pa.
"So, tara sa mall." Yaya niya.
"Ayoko sa mall, sorry." Ani ko.
"Saan?"
"Diyan sa turo turo." Sabi ko at ngumiti kaya naguguluhang tumingin siya sakin kaya hinila ko na siya palabas ng gate at dinala sa turo turo.
"Manong, pabili ngang kikiam, yang fish ball pati kwek kwek, padamay na rin ng dalawang palamig. Salamat." Sabi ko kay Manong.
"Sige, miss maganda." Sagot ni Manong.
"What is this?" Nalilitong tanong ni Ken at ang tingin pa ay nandidiri.
"Turo turo, paborito ko to no." Sabi ko kaya tumango tumango siya.
Hindi nagtagal ang paghihintay namin Ken at kumain na agad kami ng binili ko. Ayaw pa niya nung una pero pinilit ko hanggang sa nagustuhan niya na. Marami pa ata siyang nakakain kesa sakin eh. May pangiti ngiti pa habang nakain ng kwek kwek, yun daw kasi ang paborito niya na.
"Are you single?" Tanong niya bigla kaya nabulunan ako. Nainom kasi ako ng palamig.
"H-ha?" Utal na ulit ko.
"I said, are you single?" Ulit niya.
"Bakit gusto mo malaman?" Tanong ko.
"Wala lang."
"Oo." Sagot ko at kumagat ng kwek kwek.
"Aha, that's good." Mahinang bulong niya pero rinig ko naman.
Matagal ko siyang tinitigan dahil doon kaya tiningnan niya ako ng nagtataka.
"Bakit mo natanong?" Tanong ko.
"Wala lang, hindi naman masamang alamin kung single pa ang taong gusto mong ligawan, diba?" Sagot niya kaya naubo ako. Putek! Hindi ko kinakaya ang kaprangkahan nitong lalaking to.
"Anong sinasabi mo? Tss, kalokohan." Sabi ko pa at nirapan siya.
"I'm not kidding, that's true. Well, in future i guess." Sabi niya at nagkibit balikat kaya nagiwas nalang ako ng tingin.
Pero sana hindi nalang ako nagiwas ng tingin dahil nakita ko lang naman ang muka ni Chase na mukang galit na galit. Mas kinabahan pa ako ng lumapit siya at hawakan ang kamay ko tsaka ako hinigit paalis dun. Napalingon naman ako kay Ken na nakatingin lang tsaka bahagyang yumuko na animo'y walang magawa.
"What's your problem?" Tanong ko ng tingnan ko siya at napatigil naman kami sa mismong sasakyan niya ata.
"Get in." Autoridad na utos niya pero tiningnan ko lang ng kunot ang noo.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko kaya pumikit siya ng maraan.
"Damn it! I said get in!" Gulat naman akong napasunod dahil sa sigaw niya. Putek! Bea? Bakit ba siya ganon.
Nagiwas ako ng tingin ng makapasok siya sa driver seat at mabilis na pinakatakbo ang kotse niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan kami pupunta bigla nalang niyang pinatakbo agad agad. Hanggang sa tinigil niya ito sa isang park. Walang nagsalita samin pagkatigil niya pero ako, sasabog na ako sa inis.
"What's wrong with you? Nakita mo lang kami ni Ken nagaalboroto kana. Shit! Naiwan magisa si Ken---" hindi niya na ako pinatapos dahil bigla niyang suntukin ang manibela kaya gulat akong napatingin sakanya.
"Puro Ken, Ken , Ken. Putanginang Ken na yan. Hindi ba pwede kahit ngayon lang ako naman ang tawagin at insipin mo, Bea. Kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang, please."
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanfictionWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.