After Angel told me all about Eiram's plan, I ignored him for a long time. He really lied, no one could remove that. I thought everything was fine but will I know that? Tangina lang talaga. Naaawa ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa mga sinasabi niya. Tss.
"Trix,"
Dere-deretso lang akong naglakad kahit nasa harapan ko siya. Pero pinigilan niya ako ng magkasalubong kami.
"Do we have a problem?" Tanong niya kaya tumingin ako sa kanya ng seryoso habang nakataas ang kilay.
"Meron nga ba, Chase?" Madiing tanong ko din.
"Oh 'common, I don't know." Suko niya.
Umiling nalang ako pero pinigilan niya din ako kaya marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya.
"Hindi ako nakikipag-usap sa sinungaling." Madilim na aurang sabi ko kaya naguluhan siya.
"Wait! Teka? When did I lied to you?"
"Kelan nga ba?" Balik ko.
"Trix, I didn't lied to you." Pigil niya kaya sacrastic akong natawa sa kanya kaya sumeryoso ang mukha niya.
"Ano nga ulit yung sabi mo nung nakaraan? Yung hindi kana aalis dito? Pero, bakit sabi ni Angel, may inaasikaso kalang dito tapos babalik na kayo?"sacrastic kong sabi kaya napayuko siya.
So, tama nga! Ang tanga ko! Umasa akong dito na siya.
"Diba, nagsinungaling ka? Tss, walang pagbabago!" Sabi ko at iniwan siya dun.
Apat na araw simula nung encounter namin ni Eiram at hindi na siya nagpakita. Mula sa unit ko, trabaho, mall, park, wala siya. Ano pa bang aasahan ko doon?
"Oy, tama na nga yan!" Suway ni Gavin ng makita iinom pa ako ng alak.
Nandito kami sa isang bar na pagmamay ari ni Ken at birthday din niya. Dito niya gusto ganapin kaya nandito din yung mga workmate namin at madami talagang tao. Kanina pang nagsimula yung party kaya medyo may tama na ako.
"Ano na naman ba?" Inis na bulyaw ko kay Gavin ng pigilan niya na naman ako.
"Tama na yan!" Agaw niya ng baso sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ang dami mo ng nainom."
"Pake mo ba?!" Sigaw ko at kumuha ng panibago at dere-deretso ilag-ok ang alak.
"Yung totoo, may problema ka ba?" Tanong niya.
Tiningnan ko naman siya at nakita ko ang pagaalala. Yumuko naman ako para pigilan ang luha ko.
Tangina naman eh. Akala ko wala na eh, akala nabura na pero bakit meron parin? Bakit siya parin? Hindi ba pwede akong magmahal ulit? Ayoko na na siya lagi! Gusto ko na ng bago pero bakit ayaw ibigay sakin! Ayoko ng masaktan! Sawa na akong masaktan! Hirap na hirap na ako!
Tatlong taon na ang nakalipas eh, wala na dapat. Hindi dapat ako mabahala kung magsinungaling siya kasi wala na pero bakit nasasaktan ako? Umaasa ako? Nananatili pa din ako? Ayoko na ng ganito! Pagod na ako sa ganito.
"Wala! Wag mo akong pakialaman!" Sagot ko at umalis sa table namin para pumuntang restroom. Pagpasok ko, dumiretso agad akong sink at naghilamos! Ilang segundo na akong nakatitig sa muka ko at talagang masasabi kong may tama na ako.
Nang matapos ako, dumiretso akong gitna para makipagsayawan. Nagtatawanan pa kami doon kasi yung iba kakilala ko pa, napatingin pa ako sa lalaking humawak sa braso ko.
"Hey," bati niya habang nasayaw.
"Hi," sagot ko.
"I'm Steve and you are?" Tanong niya.
"I don't care." Sagot ko tsaka siya inirapan. Wala akong panahon para makipaglandian ngayon.
Nang umalis ako sa unahan, sinundan parin ako nung lalaki at tinatanong kung saan ako nakatira para mahatid niya ako.
"Wala akong bahay," sabi ko at aalis sana pero pumunta siya harap ko.
"Maybe, you want a drink." Nakangiti niya sabi. Tatanggi sana ako pero napapunta ang tingin ko sa lalaking kakapasok lang ng bar at nagulat pa ako ng magtagpo ang mga mata niya.
Palihim naman akong napangisi tsaka dahan dahang lumapit sa lalaki at hinawakan siya tenga tsaka bumulong.
"I don't want but let's dance." Bulong ko.
"Sure." Nakangiting sagot nung lalaki kaya napangiti ako.
Hindi naman nakaligtas sakin ang galit na muka ni Chase, nagtatangis ang bagang eh.
Gaya ng sabi ko, sumayaw kami nung lalaki at paminsan minsan ay nainom kami pero alam ko ang sarili ko kasi dumidistansya ako. Hindi ako flirt.
Pero habang nasayaw kami, alam kong may tama na talaga ako kasi nahihilo ako. Ang alam ko nalang, lumapit yung lalaki at tatangkain akong halikan pero may humigit sa bewan ko sa likod tsaka mabilisang sinuntok yung lalaki. Nagsigawan naman dun kaya napatingin ako, si Chase, sinuntok yung lalaki.
Umawat naman si Ken at Nate sa kanya.
"Alisin niyo yan, baka mapatay ko yan!" Banta ni Chase tsaka masamang tumingin sakin.
"What? Hindi mo dapat ginawa yun! Tss, kita mong kasama ko siya!" Sigaw ko pero umiling nalang siya at hinigit ako papuntang parking lot.
"Bitiwan mo nga ako?! Ayokong sumama sayo!" Sigaw ko kaya napabitiw siya.
Tiningnan ko siya ng masama pero blangko niya lang akong tiningnan.
"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka dapat nandito, bawal ang sinungaling dito! Umalis ka dito! Hindi ako sasama sayo. Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling!" Sigaw ko pero hindi ko na alam ang sinasabi ko.
"I'm here to pick you up!" Sabi niya at hinawakan ang wrist ko pero agad ko tong tinanggal.
"Ano bang pake-alam mo sakin? Dun kana sa fiancé mo! Wala kang dapat ipagalala sakin! Hindi mo to buhay at hindi kita pinapakialaman!" Sigaw ko sabay tulo ng luha ko.
"Trix, I'm here now and I told that I still love you." Pagmamakaawa niya. Napasuklay naman ako ng buhok sa sinabi niya.
"Putang ina! 'Yan ka na naman eh! Ilang beses mo ng sinabi yan pero bakit nagawa mo parin akong saktan? Ba-bakit nagawa mo parin akong pagsinungalingan? B-bakit nagawa mo parin akong iwan ha, Eiram? Lagi mong sinabi yan pero bakit hindi ko pa din ramdam! Ayoko ng masaktan, Eiram! Pagod na pagod na ako! Pagod na ako, intindihin ka. Pagod na ako, intayin ka kung uuwi ka pa ba at pagod na akong mahalin ka. Tangina! Tatlong taon na eh! Pero bakit ikaw pa din? Bakit gusto pa din kita? Bakit mahal pa din kita? Iniwan mo ako eh, iniwan mo ako ng hindi ko alam. Iniwan mo ako ng walang dahilan at simpleng sabi mo lang na may aasikasuhin ka! Ayokong maging pangalawa!" Gigil na sabi ko habang naiyak sa harap niya.
"Hindi ka pangalawa!" Sabi niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin, he tried to hold my hands but I refused.
"Eh, bakit may Angel?!" Sigaw ko kaya napatahimik siyang yumuko. "Bakit may Angel kung hindi ako pangalawa? Bakit may isa? Alam mo, sa kakatahimik mo hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung hindi mo talaga ako mahal, pwede bang wag mong sabihing mahal mo ko kasi naasa ako eh! Naasa akong mababalik sa dati yung lahat. Naasa akong mamahalin mo din ako ng tunay at ipaglalaban mo ko sa lahat! At sana...." Nagca-crack ang boses kong putol.
Pinunasan ko muna ang luha ko. Putek! Lasing na nga ako! Nasasabi ko na eh.
"At sana......kung aalis ko ulit....pwede bang wag ka ng bumalik." Tuluyan ko ng nasabi ang hirap na hirap kong nasabi pero biglang naging black.....lahat.
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
Fiksi PenggemarWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.