Chapter 20: Memory

212 6 0
                                    

"Ken...."


"Wag kang maawa sakin, Bea. Okay lang ako. Wala naman akong sinabi sayo na suklian mo."



Hindi ko alam pero yumuko ako dahil sa sinabi. Alam ko kasi sa sarili kong hindi ko nga masusuklian kasi wala talaga akong nararamdaman para sakanya. Pero nakikita ko sa mga mata niya kanina na nasasaktan siya sa desisyon niya.


"But once Chase hurt you, wala akong pakialam pero aagawin kita sa kanya." Sabi niya.


Hindi ko nga namalayang nandito na siya sa harap ko at niyakap ako.


"I wish I could be that man you always wanted." Bulong niya.


Hindi ko naman namalayang tumulo na pala ang luha ko kaya nung kumalas siya sa yakap ay kinunutan niya muna ako ng noo bago punasan ang mga luha ko sa mata.


"Wag kang umiyak sa harap ko, ako ang nasasaktan eh. Please, Bea." Magmamakaawa niya kaya tumango ako at tumalikod.


Mabilis kong pinunasan ang luha ko tsaka humarap sa kanya na nakangiti. Pinilit ko namang ngumiti kahit nakita kong may nagbabandyang luha sa mata niya.


"Sorry and thank you, Ken." Nakangiting sabi ko.

"Friends?" Tanong niya tsaka nilahad ang kamay niya sakin.

Tiningnan ko iyon bago abutin.


"Best friends." Pagtatama ko kaya natawa siya.


"Tss, I like that." Puri niya kaya inirapan ko siya.


"Rugged." Asik ko.


"Hey, sa iba lang hindi sayo." Bawi niya kaya nagtawanan kami tsaka ko siya niyakap.


Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap, seryoso siyang napatingin sa likod ko kaya taka akong nilingon yun at nakita ko ang kakaibang tingin ni Chase. Shit!


Mabilis siyang lumapit samin at walang pakundangang sinapak si Ken. Nanlaki naman ang mga mata ko kaya umawat agad ako.

"Stop!" Sigaw ko kaya napatingin sakin si Chase. Ang sama ng tingin.


"Tss, kaya pala wala kang balak alalahanin ako kase dahil sa putanginang yan!" Sigaw niya sakin kaya nagulat ako.


"Fvck! Stop yelling at her!" Sigaw naman ni Ken sa kanya at sinapak siya.


Todo awat ako sa dalawa dahil nagsuntukan na sila.

"Anong problema, Chase?" Sigaw ko.


"Damn it! Napaka manhid mo talaga!!" Inis na sigaw niya sakin.


Nakikita ko ang pasa at dugo niya sa muka pero mas nakikita ko ang sakit sa mga mata niya.


"I love you, Bea. Lahat gagawin ko para sakin ka nalang ulit. Pero kapag nakikita kong na kay Ken ka parang winawasak ako. Wala akong pakialam kung nagsabi sakin sina Gavin na gusto ka nila dahil alam kong hindi ka nila aagawin sakin pero siya! Maaagaw ka, Bea. Maaagaw ka!" Sigaw niya at kitang kita ko ang lumabas na luha sa mga mata niya.


Nanahimik kami ni Ken dahil sa sinabi niya. Gusto kong magsalita at sabihing mali ang mga nakita niya pero mismo sa sarili ko hindi magawa. Wala akong magawa.


"Please, Bea. Sabihin mo saking mahal mo ako, na mahal mo ulit ako, na ako nalang ulit, na tayo nalang ulit. Please." Pagmamakaawa ni Chase habang nakaluhod.


"Tumayo ka dyan, please." Sabi ko at nagsimula na namang tumulo ang luha ko.


"No, sabihin mo muna sakin." Maktol niya.



UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now