"Eiram..."
Parang nagka-crack na yung boses ko ng tawagin ko siya. God! I missed him! God knows how much I missed him! Ngayon nakita ko na siya ulit na walang nagbabago sa nararamdaman ko. Nawala ang alaala ko pero nandito padin siya sa puso ko. Ang tanga ko nung mga araw na hindi ko siya natandaan, yung pagkakakulong namin sa stock room. Kaya pala niya sinabi yun kasi ganon ang nangyare samin noon. Naaalala ko na lahat. Lahat.
Napatingin siya sakin kaya naiyak na ako ng tuluyan. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nakikita ko ang gulat sa muka niya. Parang hindi siya makapaniwala na nakita ako at natawag ko siya sa real name niya.
"Eiram..." Ulit ko kaya bahagya na siyang ngumiti at tumakbo papalapit sakin.
Mahigpit ko siyang niyakap ng makarating siya sakin at tsaka na ako humagulgol sakanya.
"I missed you.." bulong ko at umiyak ng umiyak.
"Ikaw na bayan, Bea?" Bulong niya sakin. Naririnig ko din ang hikbi niya kaya napangiti ako.
"Ako na to, si Trix mo." Sabi ko kaya humiwalay siya sa pagkakayakap ko.
"Natatandaan mo na ako?" Gulat na tanong niya kaya ngumiti ako bago tumango.
Nanlaki naman ang mga mata niya pero agad din niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"I love you. I love you, Trix." Tarantang sabi niya.
Natawa naman ako. "I love you too."
"Thank you lord!" Sigaw niya habang magkayakap kami.
Pagkatapos naming magdrama, umupo kami sa ilalim ng puno at dun nagpahinga. Walang nagsasalita samin at tanging hangin at huni ng ibon lang ang naririnig naming ingay. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit tsaka niya nilalaro laro.
"Kamusta ka?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Ang tingin naman niya ay nasa kamay ko ko lang at mukang nahihiya.
"Okay lang, tatlong araw tulog sa hospital sabi nina Dale. Hindi ka nga daw dumalaw eh." Sagot ko at natawa.
"Akala ko kasi hindi mo na ako mahal, na si Ken na ang mahal mo." Paliwanag niya dahilan para kumunot ang noo ko.
"Luh! Wala akong sinabing si Ken ang mahal ko non." Sagot ko at inirapan siya. Tss, pinagselosan na naman si Ken.
"Tss, nagyakapan nga kayo." Asar niya pa at kunot ang noong tumingin sakin.
"Tanga! Baka kasi nagusap kami at nilinaw na ang lahat. Nagsabi din siya na nagpapaubaya na siya." Inis na sagot ko. Tanga kahit kelan.
"Oh ano, gulat ka no? Tanga!" Asik ko ng makita kong nagulat siya.
Agad namang nagbago ang muka at marahang umiling tsaka ngumiti.
"Tss, that man." Bulong niya pero rinig ko.
"Pero sabi niya pagdaw niloko mo ko, aagawin niya ako sayo kahit anong mangyare." Bawi ko at naramdaman kong namang hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko.
"Tsaka sabi din ni Gavin sakin." Habol ko pa at tumawa.
"Tss, tuwang tuwa ka naman na may reserba ka!" Simangot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ulol!" Sabi ko at walang pakundangang umalis sa tabi niya.
Naglakad ako palayo sa kanya dala ng inis. Ang puta! Ang kapal ng mukang magselos! Sasampalin ko siya eh.
Habang naglalakad ako, nagitla ako ng may biglang yumakap sa likod ko.
"Don't mad, please." Bulong niya. Tiningnan ko naman siya sa tabi ko kasi ang muka niya nakapatong sa balikat ko.
"Tss, pinagsasabi mo?" Maang maangan ko at natawa naman siya. Ang puta, tawa pa!
"Nagagalet ang girlfriend ko." Parinig niya.
Tinanggal ko ang pagkakakapit ng kamay niya sa bewang ko at hinarap ko siya ng nagtataka.
"Girlfriend? I'm not your girlfriend." Tanggi ko at nakita ko ang gulat sa muka niya.
"What?!"
"Are you deaf? I said, I'm not your girlfriend." Ulit ko.
"Pero, ano tayo?!" Naguguluhang tanong.
Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinipigilan ko. Nakakagante din ako.
"We're nothing, Eiram." Sagot ko kaya gulat na gulat sa harap ko. Hindi mabiro, tch..
"B-but you said that you love me?" Tanong niya habang nauutal kaya tumango ako.
"Yes, I do love you but we're not couples." Tanggi ko. Palihim naman akong natawa nung yumuko siya.
"Nagbreak ba tayo?" Mahinang tanong niya.
"Yeah, simula nung magka-amnesia ako. Break na tayo nun." Sagot ko at tumalikod kasi hindi ko na nakayanan kaya tahimik ka akong tumawa pero humarap din ako sa kanya pagkatapos nun.
"Liligawan ulit kita." Sabi niya sabay tingin sakin.
"Edi manligaw ka." Sabi ko at tumalikod tsaka ngumiti.
"Wait! Where are you going?" Pigil niya sakin.
"Uuwi, napapagod din ako Eiram." Sagot ko.
"Hatid na kita." Yaya niya pero umiling ako.
"May kotse akong dala." Tanggi ko.
"Ako wala, kaya tara." Sabi niya at nauna pa sakin. Umiling naman ako tsaka natawa dahil mukang pursigido si luko.
Pagkarating namin sa bahay, naabutan ko sina Mame, Dade at Aries. Niyakap ko si Mame pagkakita ko palang sa kanya. Nalaman ko kasing kadarating lang niya kahapon. Ngumiti naman ako kay Dade ng makita niyang kasama ko si Eiram.
"Good afternoon ho," bati ni Chase o ni Eiram.
"Good afternoon din, long time no see, Eiram." Bati ni Mame.
Ngumiti naman si Eiram tsaka tumingin sakin.
"Uh, Mame, Dade, Aries, manliligaw ko yan." Sabi ko at kumindat sa kanila at mukang nagets naman nila kaya nagtawanan.
Ngumiti ako kay Eiram kaya ngumiti din siya sakin.
Niyaya ni Mameng dito maghapunan si Eiram at pumayag naman itong isa. Inaasar asar pa siya ni Aries dahil kulay pink ang buhok nito kaya binatukan ko si Aries. Nagkwentuhan din kaming lahat habang nasa hapagkainan kung anong nangyare this past four years. Nagulat pa nga ako ng malaman kong kaya pala sila nagtransfer sa school ko ngayon ay dahil sinabi ni Mame kay Eiram na nandito ako. Kahit kelan talaga si Mame, gustong gusto si Eiram. Mas mukang anak pa nga ni Mame si Eiram kesa sakin. Nakakabanas.
Nang matapos kumain, nagusap muna sina Dade at Eiram sa office nito kaya naiwan kami ni Mame sa hapag kasi umalis na din si Aries, pumuntang kwarto niya.
"Bakit mo naman niloloko si Eiram, Beatrix?" Tanong ni Mame kaya humagalpak ako ng tawa.
"Pursigido naman siya Mame, kaya hinayaan ko nalang." Sagot ko at nagkibit balikat nalang siya.
Hindi nagtagal ay natapos na din sila ni Dadeng magusap kaya hinatid ko na si Eiram sa labas.
"Bye," paalam ko.
"See you tomorrow," sabi din niya at hinalikan ang noo ko. "I love you." Dagdag niya kaya ngumiti ako.
"Hmmm... I love you too." Sagot ko.
"Tss, mahal nga ako hindi naman ako boyfriend." Bulong niya na rinig na rinig ko kaya binatukan ko.
Tatawa tawa naman akong pumasok sa bahay. Hay nako Eiram, kahit kelan talaga under ka!
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanficWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.