KANINA pa nababahala si Zoe, dahil kanina niya pa nireplyan ang boss niya pero hindi pa rin ito sumasagot.
"Anak, kakain na." imporma nang kanyang ina.
Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo sa sofa at pumunta na sa kusina nila. Nang maka-upo siya ay nagdasal muna sula bago magsimulang kumain.
"Ikaw ba ay may nobyo na, anak?" nasamid si Zoe sa biglaang tanong ng kanyang ama. "Nagta-tanong lang naman ako. Ang batang ito talaga." sabi ng ama niya at binigyan siya ng tubig.
"Ano ba 'yan, 'tay! Bakit ka ba nanggugulat?"
tanong niya rito ng matapos uminom."Aba'y, bakit parang gulat na gulat ka? Mayroon na ba?" biglang sumeryoso ang boses nito.
"Wala ah!"
'Wala ba? Wala kaming label!' sabi niya sa kanyang isipan.
Hanggang sa matapos sila kumain ng hapunan ay puro tanong ang kanyang ama at ina tungkol sa mga bagay na pinagga-gawa niya sa Maynila.
She took a half bath first before going to her bed.
"Panot!" sigaw ng kanyang Kuya mula sa labas ng pintuan ng k'warto niya.
"Ano?" hindi siya tumayo para pagbuksan ito dahil alam niyang bastos ang ugali nito at ito na pa mismo ang papasok.
"Bukas, ikaw ang sumama kila nanay at tatay na pumunta sa bukid. May pasok ako bukas e." sabi nito nang makapasok sa k'warto niya.
"Sige."
"Bait talaga ni panot." pangaasar nito sa kanya.
"Hindi na ako panot! H'wag mo akong tawagin ng ganoon!" bulyaw niya rito.
"Panot! Panot! Panot!" naiinis na binato niya ito ng unan kaya tumakbo ito palabas ng k'warto niya habang tumatawa.
Panot ang tawag nito sa kanya dahil nung mga bata pa sila ay nagpakalbo siya, dahil nagkaroon ng maraming sugat ang ulo niya. Dahil sila ay nasa probinsya kaya naniniwala sila na siya ay na-engkanto kaya pumunta sila sa albularyo para magpatingin.
Sabi nito ay kailangan niyang magpa-kalbo at h'wag na ulit pahahabain ang buhok niya. Kaya hanggang balikat nalang ang kanyang buhok magmula nun. Simula din nun ay tinawag na siya ng kuya niya ng panot!
Hindi na siya kalbo pero panot pa rin ang tawag nito sakanya! Naiinis na kinuha niya ang telepono niya para tignan kung nag-reply na ba ang boss niya. Wala parin itong tugon sa mensahe niya.
'Bahala ka dyan! Nag-sorry na nga ako e! Pwe!'
MAAGANG nagising si Zoe dahil pupunta sila ngayon sa bukid. Kasalukuyan silang naglalakad ngayon papuntang bukid na pagmamay-ari nila.
"Wala parin pinagbago ang daanan dito. Lubak-lubak pa rin." pansin niya sa dinadaanan nila.
"E wala naman kasing kwenta ang na-upo na Mayor sating lugar." anang ama niya.
"'Tay! Ang sama mo talaga!" sabi niya at hinampas ito kunwari.
"Bakit? Totoo naman ang aking sinasabi. Wala pa siyang nagagawa rito sa lugar natin." walang prenong ani nito.
"'Tay, wag ka ngang ganyan. Masama iyan." pagbabawal niya rito.
"Kung tumakbo ako ulit, malamang ay itong Leyte ang pinaka nasa itaas sa buong Visayas." buong pagmamalaking saad nito.
"Binu-buhat mo nanaman ang sarili mong bangko, Zencio." anang ina niya na ikinatawa nilang dalawa ng bunso niyang kapatid.
"Aba'y, Zenny! Pinagtatawanan ako ng dalawa mong anak!" pagsusumbong nito sa ina niya.
"Pagtawanan niyo lang ang tatay niyo." natawa sila lalo ng kapatid niya at napasimangot naman ang tatay niya.
Nang makarating sila sa bukiran ay nakita niyang naghahanda ang ama niya.
"Anong gagawin mo 'tay?" tanong niya rito.
"Maga-araro ako, anak." saad nito habang itinataas ang dulo nang manggas ng damit nito.
"Kami na ni Zico 'tay. Di'ba Zico?" sabi niya at tinignan ang kapatid na nakaupo sa tabi niya.
"Kaka-araro ko lang kahapon, At--"
"Di'ba?" pinandilatan niya ito ng mata.
"Oo nalang." napipilitang saad nito.
Nagumpisa na silang mag-ayos. Habang naga-ayos siya ay biglang may sumbrerong pumatong sa ulo niya.
"Mag-sapin ka sa iyong ulo. Baka mangitim ka at mawala ang ganda mo." anang ina niya.
"Sweet naman ni nanay." saad niya.
"Naku! H'wag mo akong ganyanin, ihahanda ko pa ang kakainin natin mamaya. Dito na tayo kumain ng tanghalian." saad nito.
Tumango na lamang siya at hinila na ang kapatid niya papuntang sakahan para mag-araro.
"Ayusin mo! Para kang hindi lalaki!" sigaw niya sa kapatid niya.
"Ate! Pagod na ako!" saad nito.
"Akin na nga! Ang kupad mo!" saad niya at pumalit sa paga-araro nito.
Sanay na siya sa ganitong gawain dahil ito ang bumuhay sa kanila. Dahil sa trabahong ito nakapag-tapos sila nang Kuya niya at ang bunsong kapatid naman ay dalawang taon nalang at matatapos na ito.
Nag-araro lamang siya habang ang kapatid niya naman ay tinulungan ang ibang magsasaka na mag-ani ng saka. Hanggang sa tinawag siya ng ina niya para kumain ng tanghalian.
"Anong ulam?" agad niyang tanong ng makapunta siya sa kubo nila.
Nakita niya ang tinapa, itlog maalat na may kamatis at ilang mga gulay na talaga namang nagpatubig sa bagang niya. Agad siyang kumuha nang dahon ng saging at nagsandok ng kakainin. Nang matapos magsandok ay kumain na siya.
Pag sila ay nasa bukid, dahon ng saging ang kanilang ginagawang plato para itapon na lamang iyon pagkatapos nila gamitin.
"Namiss ko talaga ang ganito ulam." saad niya.
"Hindi ka ba kumakain ng ganyan sa Maynila?" tanong ng kapatid niya.
"Kumakain. Pero iba talaga 'pag luto na nanay." saad niya at itinaas-baba ang kilay niya sa kanyang ina.
"Naku ang batang ito! Pinapalaki mo ang ulo ko!" saad ng kanyang ina na ikinatawa niya.
Buong maghapon sila sa bukid dahil napakasariwa ng hangin doon. Nakatulog pa nga siya sa kubo. Sanay na siya sa buhay probinsya, ang totoo lang ay namiss niya ang buhay probinsya. Ibang-iba kasi sa Maynila.
Pagka-uwi nila ay agad siyang naligo dahil amoy araw na siya. Busog pa siya dahil kumain muna sila nang kamote sa bukid bago umuwi. Balak niyang matulog ng maaga ngayong gabi.
Matutulog na sana siya ng biglang pumasok sa isipan niya ang boss niya. Namimiss niya na ito dahil mahigit tatlong araw na niya itong hindi nakikita.
May narinig siyang ingay mula sa bintana ng kwarto niya. Pumunta siya roon at binuksan ang bintana.
May tao roon sa baba pero hindi niya makita ng maigi kung sino dahil medyo madilim na. Sinubukan niyang aninagin ang taong nasa ibaba. Nanlaki ang mata niya ng maaninag niya ang taong iyon. Ekspertong tumaas ito papunta sa bintana ng k'warto niya at pumasok.
"Boss?"
"I told you, if you won't answer my messages, I'll punish you." sabi nito at agad siyang siniil ng halik.
-----------------GimmieFries----------------
BINABASA MO ANG
One Night With My Boss (COMPLETED)
Romance|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Too much liquor, can really take out your mind from yourself. That's what happened to Zoe, he got drunk because of her what-so-called lovelife problem. When she woke up in the morning, everything was blu...