Chapter 33

23.2K 443 7
                                    

"MAMA! Where's our birthday gift?" Hindi makapaghintay na tanong ni Zarnaih, malapad na ngiti lamang ang isinagot niya rito.

Kasalukuyan silang papunta sa isang restaurant kung nasaan ang boss niya. Kaarawan ng mga anak niya ngayon, at alam iyon ng kanyang boss. Gusto nito na makita ang mga bata pero hindi nito alam na ipapakilala na niya ito bilang ama nang anak nila.

Kinakabahan siya. Alam niyang tatanggapin sila ng binata ngunit ang mga anak niya? Ilang taon sila nangulila sa ama nila at hindi niya alam kung matatanggap ba ng mga ito ang ama nang ganoon kadali o magdadamdam ang mga ito, dahil ni isang beses ay hindi ito nagpakita. Pero hindi naman kasalanan ng binata iyon, siya ang may kasalanan. Siya!

Nang makarating sila sa restaurant ay agad niyang nakita ang boss niya na balisa. Nagtataka siya kung bakit ganoon ang binata. Bakit parang kinakabahan ito?

Lumapit na sila sa binata. Nang makita sila nito ay agad itong tumayo at sinalubong sila.

"Ahm. Hello, kids." bati ng binata sa anak nila.

"Huh? Is he Mr. No Name Guy again, Kuya?" tanong ni Zarnaih sa kanayang kuya.

"Yeah, you are the one who visit me when I was in the hospital and you are the boss of our Mama, right?" tanong naman ni Mathias sa ama.

"Yeah, I'm that guy. I'm Maverick. Maverick Grey Anderson. Your mother's boss." pagpapakilala nito.

"A-anderson? M-mama? Why is he has the same s-surname a-as ours?" gulat na tanong ni Zarnaih sa kanya. Napalunok muna siya. Ito na ang tamang oras! Bakit naman ang bilis?

Tinignan niya si Maverick, nakita niyang nanigas ito sa kinatatayuan. Nang tignan ang anak ay nginitian niya ito.

"Babies, do you like my birthday gift?" masaya niyang sambit.

"Huh? What are you saying, Mama?" naguguluhang tanong ni Mathias sa kanya at tumingin ng matagal kay Maverick bago ibalik ang tingin sa kaniya "Is he, our real father?" napangiti siya dahil agad nahulaan ni Mathias ang ibig niyang iparating. Para sa limang taong gulang na bata, kakaiba si Mathias.

"Silly, kuya! Our father is on abroad. We will met him soon. Am i right, Mama?" tanong ni Zarnaih sa kanya.

"Babies." Lumuhod siya para makapantay ang dalawang anak. "I have one question."

"What?" sabay na tanong ng anak niya.

"Do you hate your father?" tanong niya at tumingin kay Maverick na halatang gulat na gulat sa ginagawa niya.

"No, i don't! He's my father! I won't hate him! I just want to be with him so i could play with him or put some make-up on his face!" masiglang sambit ni Zarnaih na nakapag-pangiti sa kanya. Inilipat niya ang tingin kay Mathias ang tingin na ngayon ay nakatingin kay Maverick at nagsalita.

"No, i won't. I won't hate him too. He's our father, even though we didn't met each other for my five years of living , i don't care. He's still my father, i know he has his own reason. If my real father is here, all i want to do is to hug him." ani nito habang nakatingin kay Maverick, nakita niyang unti-unting lumapit si Mathias kay Maverick at niyakap ito.

"Kuya--"

"Papa. You're our Father, right? Say it, are you?" napaiyak si Zoe sa nakikita niya.

Umiiyak ang anak niya ngayon at nagmamaka-awa may Maverick na sabihin nito na ito ang ama ng mga bata. Hindi niya lubos maisip na ganito pala siya kamaka-sarili, na ang mga anak niya ay lubos na nangungulila sa ama nila.

"K-kuya? Wh-what are you saying? He's Mr. No Name Guy, he's not our father. Our father is on abro--"

"He's our father, Zarnaih. I knew it! Your Kuya, knew it." kahit naguguluhan si Zarnaih ay lumapit ito kay Maverick at hinila hila ang laylayan ng damit nito.

"Are you o-our real fa-father?" mangiyak-ngiyak nitong tanong kay Maverick.

Nang tignan niya ang binata ay nakatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito at tumango, bilang tanda na magpakilala na ito. Lumuhod si Maverick para makapantay ang dalawang anak.

"Happy Birthday, my twins. Can your father have a hug from his kids?" agad lumapit ang dalawa sa ama at niyakap ito.

Narinig niya ang hikbi nang mga anak dahil sa tuwa, dahil sa wakas ay nakilala na nila ang ama nila.

Masaya si Zoe. Masayang-masaya.







"PAPA! WHERE are we going?" tanong ng anak ni Maverick na si Zarnaih.

"Aren't we going to amusement park? It's our birthday, we should go there, Papa." ani naman ni Mathias.

Parang musika sa pandinig ni Maverick ang pagtawag sa kanya nang kambal na 'Papa'. Hindi maipaliwanag ni Maverick ang saya na nararamdaman dahil sa wakas ay naipakilala niya ang sarili niya sa mga anak sa mismong araw ng kaarawan ng kambal.

"We will, but their is one person that wants to meet you all." sagot niya sa dalawa.

"Huh? Sino?" naguguluhang tanong sa kanya nang kanyang sekretarya.

Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan niya ngayon papunta sa tahanan ng ina.

"Secret."

Gusto niya muna iyon ilihim rito. Ang mahalaga ay maipapakilala niya ang mga ito ngayong araw sa kanyang ina.

-----------------GimmieFries----------------

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon