Before you read this last update, I just want to send my gratitude to you all. For reading this work of mine. Sana napasaya, napaiyak, napakilig ko kayo sa story na ito.
And to Keith Zoe, hindi Keith Zoe ang nailigay ko'ng real name ni Zoe kasi hindi tayo nakapag-usap, but this is for you. Thank dahil hinayaan mo akong gamitin ang pangalan mo sa istorya ko'ng ito. Sana mahanap mo na ang Maverick Grey Anderson ng buhay mo!
And also to all my readers, kayo rin, sana mahanap niyo na ang Maverick Grey Anderson ng buhay niyo!
Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Mag-secretary na kayo, 'wag lang kayong magiging kabit ah! Joke!
Enjoy!
***
ITO NA! Ito na ang araw na pinaka-hihintay ni Zoe. Ang araw ng kanyang kasal. Hindi na siya makapag-hintay na makita ang lalaking paka-kasalan niya na nasa loob na nang simbahan ngayon
"Ang ganda mo ngayon, bes." napa-ngiti siya nang sabihin iyon ng kanyang maid of honor na si Andrea.
Oo si Andrea. Ang kaibigan niya noon, na ngayon ay maid of honor niya. Nagka-patawaran na sila dahil nung nakaraan lamang ay binisita siya nito at humingi nang tawad. Ramdam niya naman ang sinseryo nito, kaya pinatawad niya ito agad. Pasa-saan pa ang pagka-kaibigan nila nang ilang taon, dapat nga ay magpa-salamat pa siya rito.
Dahil kung hindi siya nang mga ito niloko, malamang ay sila pa rin ni Vincent ngayon at hindi siya ikakasal sa lalaking mahal niya, na ngayon ay nag hihintay sa kanya sa harap ng altar.
"Ikaw din naman! Mas maganda ka pa sa bride e." sagot niya rito.
"Hay naku! Alam ko na iyan, kaya nga patay na patay sa akin si Vincent." napangiti siya sa tinuran nito.
"Kailan ang kasal niyo?" pang-aasar niya rito.
"We already married, bes. You wouldn't able come that time because when we got married you were in Peru." anito.
"Ganun ba? Sorry hindi ako naka-punta." Aniya sa malungkot na tinig.
"Ano ka ba! Okay lang, kami nga ang dapat humingi nang tawad di'ba. Kasi nasaktan ka nam--"
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Dapat nga ay magpa-salamat ako, dahil kung hindi niyo ginawa ang bagay na iyon. Hindi ako ikakasal kay Maverick ngayon." aniya at nginitian ito, nginitian din naman siya nito. At hinawakang ang kamay niya.
"Masaya ako para sayo, bes." anito kasabay niyon ay ang pagyakap nito sa kanya.
"Aray! Yung tiyan ko." daing niya dahil naipit ang tiyan niyang ngayon ay lumo-lobo na.
"Sorry, sorry, bes." Hingi nito ng tawad sa kaniya habang hinihimas himas ang tiyan niya. "Ang laki na ah. Ilang buwan na ito?" anito na tinutukoy ang tiyan niya.
"Anim. Anim na buwan na, hindi na nga kami makapag-hintay na lumabas siya." aniya at hinimas rin ang tiyan.
"Kunin mo akong ninang ah! 'Wag kang mag-alala. Hindi ako nagtatago tuwing pasko." anito kaya napatawa silang dalawa.
"Anak, magsisimula na." biglang sulpot ng ina at ama niya.
Pumwesto na ang mga ito sa magka-bilang gilid niya at si Andrea naman ay nasa likod niya at inaayos ang mahaba niyang wedding gown.
Tumugtog na ang musika kaya naglakad na ang mga taong nasa harap niya. Mathias is their ring bearer and Zarnaih is one of their cute and lovely flower girl.
BINABASA MO ANG
One Night With My Boss (COMPLETED)
Romance|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Too much liquor, can really take out your mind from yourself. That's what happened to Zoe, he got drunk because of her what-so-called lovelife problem. When she woke up in the morning, everything was blu...