Chapter 24

22.2K 434 6
                                    

"MAMA! Tito Zach said they have mall here! I want to go there Mama!" makulit sa sambit nang anak niyang babae.

"Baby, kakauwi lang natin kahapon. Kailangan natin muna magpahinga. Nabawi mo na ba ang lakas mo?" malambing na saad niya rito. Nakaka-intindi naman ng tagalog ang mga anak niya. Hindi lang marunong ang mga itong managalog.

"I'm already strong, Mama. I have strength and energy to go to the mall. I want to visit their mall here. I heard it's a little big compare to the mal in Peru." pagdadahilan nito.

"Your Tito is wrong. Big Malls are in the city but we're not in the city, baby. Malls here in our province, are just a normal malls. Not a big one." she said.

"Still Mama, i want to go to the mall." her daughter pouted.

"Zarnaih. You can't--"

"Payagan mo na. Ako nalang ang sasama sa kaniya." agad sumama ang tingin niya kay Warren.

"Yehey! Thank you Dada! You're my savior!" hinalikan pa nito sa pisngi ang kaibigan bago tumakbo pataas para siguro mag-ayos.

Hindi niya alam, limang taon palang naman ang mga anak niya pero kung umakto ang mga ito ay parang siyam na taon na! They easily learn how to speak fluently. Ni hindi nga ang mga ito nabu-bulol.

"Ini-spoil mo talaga ang mga batang iyon. Hindi ko nga sila sina-sanay ng ganoon." inis na sambit niya kay Warren.

"Kakarating lang nila dito sa probinsya. Kaya hayaan natin silang masanay sa buhay dito, Zoeng." napataas ang kilay niya sa sinabi nito.

"Paano sila masasanay sa buhay dito. E ganoon pa rin naman ang ginagawa mo. Ini-spoil mo pa rin sila. Naku! Pag ang mga anak ko talaga lumaking spoiled brat. Susuntukin talaga kita." inambahan niya pa ito nang kamao.

"Oh! Natakot ako! Nakakatakot ka naman!" sambit nito na hinawakan pa kunwari ang sariling puso nito.

"Ang drama mo talaga." sabi niya at inirapan ito.

"Mama! Mama! Mama!" Tawag sa kanya nang lalaki niyang anak na bumababa ng hagdan na para bang nagmamadali.

"Mathias! Walk down slowly! Baka mahulog ka!" saway niya rito.

"Mama! Naih is changing her clothes. Is she leaving? Where is she going?" tanong nito agad ng makababa. Sasagutin sana niya ito nang maunahan siya ni Warren.

"We're going to mall, Zahir. Aren't you coming with us?" sabi nito sa anak.

"Mall? You have malls here? I thought you don't have one. Only in Peru." malalaking-matang saad nito. " I'm coming, Dada! I want to see their mall here!" saad nito at tumakbo ulit pataas para siguro magbihis.

Tumayo siya para sundan ang dalawa niyang anak nang magsalita si Warren.

"Saan ka pupunta?"

"Saan pa? Edi sasama sa inyo. Ano pa bang magagawa ko. Alangan namang iwan ko sayo ang mga anak ko. Baka iwan mo sila kapag nakakita ka ng chixx mo." Saad niya.

"Aray! Hindi naman ako ganoong klaseng tito! Sumusobra ka na ah!" Sigaw nito sa kanya na inirapan niya lang at naglakad para sundan ang mga bata.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Panahon na siguro para mag-relax siya, stress na stress na siya simula pa kagabi!





"COPY that, Sir." iyon lamang ang sinabi nang sekretarya ni Maverick bago lumabas ng kanyang opisina.

Napa-hilot na lamang sa sintido si Maverick. Buong araw niyang sinusundan ang dati niyang sekretarya. Umuwi rin siya nang araw na iyon dahil wala na siyang gagawin sa bansang iyon. Pero may nakasabay siya sa eroplano! Ang pamilya nang sekretarya niya. Uuwi rin ito nang pilipinas.

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon