Chapter 32

25.1K 467 28
                                    

"KAYA ko na nga!" naiinis na sigaw ni Zoe kay Maverick. Ito na nga ang tinutulungan ng binata e siya pa ang galit.

"I'll h--"

"Kasalanan mo to e! Sabi ko tama na di'ba! Anong ginawa mo?!" she shouted at him.

"I'm sorry, okay? Now, let me help you. Kung gusto mo na talagang makita si Mathias, hayaan mong tulungan kita." ani ni Maverick sa malambing na boses.

Laking pasasalamat ni Maverick ng hindi na ito nagreklamo pa at hinayaang alalayan niya ito.

Kasalukuyan silang lumalabas ng apartment building na pagmamay-ari niya. Kanina pa sila rito dahil hindi nga makapaglakad ng maayos any dalaga.

Dahil sa bagal nitong maglakad ay hindi na nakapag-pigil si Maverick na buhatin ito.

"Aray! Aray! Bakit hindi ka magdahan-dahan! Ang sakit!" natawa si Maverick dahil buong akala niya ay sisigawan siya nito para pababain ito ngunit mali pala siya.

Hanggang sa makarating sila sa kotse ay agad niya itong inasikaso. He help her sit at the passenger's seat and put her seat belt on. After that he turn around to go to the driver's seat.

Agad niyang mina-obra ang sasakyan at tinakbo iyon patungong ospital kung nasaan ang anak niya.

'Anak? Sounds good.'

Masaya siya, hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya. Nang malaman niya ang totoo ay kaagad niyang gustong malaman ang rason ng dalaga pero nung sabihin nito kagabi ang katagang 'Yes. You are the real father' ay parang bulang nawala ang interes niyang marinig ang rason nito.

Kaya nga kagabi ay hindi niya ito pinayagang magsalita. Nang makarating sila sa apartment ay gusto na nitong mag-usap pero ayaw niyang marinig ang rason nito dahil hindi niya na iyon kailangan. Agad niya itong inangkin, hanggang sa matapos sila ay gusto pa rin nitong mag-usap kaya nag-isip siya nang idadahilan at iyon ang 'Tomorrow'. Pero nang sumapit ang umaga ay wala na siyang maidahilan, kaya wala siyang nagawa kundi ang pakinggan ang rason nito.

Kung sa tingin man ng iba na parang ang bilis niya namang patawarin ang dalaga ay wala siyang paki-alam. Hindi niya kayang magdamdam ng matagal sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya talaga kaya.

At isa rin sa plano niya ang sunduin ang mga magulang nito dahil plano na niya talaga ang angkinin ang dalaga. Hindi naman siya nabigo.

Hanggang sa makarating sila sa ospital ay tinulungan niya ito. Sinubukan niya pa ngang manghiram ng wheelchair pero pinigilan siya nang dalaga dahil wala naman daw itong sakit, nakakahiya!

"You have! You have laceration, so you need a wheelchair. Wai--"

"Hindi na nga! Kaya ko na-- hindi ko pala kaya. Kaya kargahin mo nalang ako." nakita niya ang pamumula nang pisngi nito kaya napangiti siya ng malapad.

Agad niya itong binuhat at pumasok sa ospital. Ramdam niyang pinagtitinginan sila lang bawat taong nadadaanan nila ngunit wala siyang paki-alam. He enjoying the moment, anyways.

"Ibaba mo na ako." narinig niyang sambit ng dalaga nang malapit na sila sa k'warto ng anak.

"Why?"nagtatakang tanong niya.

"Makikita tayo nila tatay, siguradong tatagain ka nun." dali-dali niyang binaba ang dalaga. Ayaw niyang nataga! May anak pa siyang dapat bawian!

Natawa naman ang dalaga kaya napasimangot siya.

"H'wag kang magpacute, hindi ka cute." pangiinis ng dalaga pero hindi siya nito madadala.

"Hindi ako cute kasi guwapo ako." mahangin niyang sabi.

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon