Chapter 25

22.7K 436 19
                                    

NAKA-TULALA lamang si Maverick hanggang sa maka-balik siya sa kanyang opisina. Kanina niya pa iniisip ang sinabi nito. Hindi iyon mawala at paulit-ulit siyang binabagabag!

'What are doing? You shouldn't have doing this! You have your own family! So leave me alone!'

'You have your own family!'

'You have your own family!'

'You have your own family!'

Parang sirang-plaka na paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isipan ang sinabi nito. May sarili na siyang pamilya? Siya pa talaga! E ito nga ang may anak na sa ibang lalaki!

'Akala niya ba ay may pamilya na ako? How dare her, turn the table on me!?'

Malalim ang kanyang isipan na hindi niya namalayang nakapasok na pala ang sekretarya niya at paulit-ulit siyang tinatawag.

"Ahm. Sir."

"Sir."

"Sir, okay ka lang?" natauhan siya bigla at napalingon sa sekretarya.

"Oh, sorry. I'm just thinking of something." ani niya. "What is it?" tanong niya rito.

"Ahm. Sir, sorry po talaga. Kun--"

"It's okay." pagpu-putol niya rito. Puro nalang kasi ito hingi nang tawad.

"Thank you, Sir." akmang lalabas na ito nang mag-salita siya.

"By the way, ano na ang nangyari sa pinapa-gawa ko?" tanong niya rito. Ang tinutukoy niya ay ang inutos niya rito kanina bago siya pumunta ng mall.

"Tapos na po, Sir. I'm just waiting for them to approach." tumango na lamang siya at tuluyan nang umalis ang lalaki niyang sekretarya.

Oo. Lalaki ang kanyang sekretarya. Simula kasi nang iwan ng dating sekretarya ang pwesto ay kailangan niyang kumuha nang bago. Pero lalaki ang kinuha niya, 'Sir' lang din ang tawag nito sa kaniya. Ayaw niya nang 'Boss' dahil isa lang ang pwedeng maging babaeng sekretarya niya at tumawag sa kaniya nang boss.

Yun ay walang iba kundi si Zoe.






NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Zoe. Wala siyang nagawa rito sa kanilang bahay. Aasikasuhin niya ang mga anak niya para maligo at kumain. Pagkatapos nun ay iiwan na siya nang mga ito dahil lagi nitong kasama ang Nanay at Tatay niya.

Siya lang mag-isa ngayon dito sa bahay nila dahil pagka-tapos niyang paliguan ang mga anak ay sinama ito nang magulang niya sa bukid.

Kinuha niya na lamang ang laptop niya. Gusto niyang umalis pero tinatamad siya.

She enjoyed scrolling through the website, when something caught her attention.

' ATTENTION!!

M.G.A Company is now hiring for a New Secretary.

Read the requirements below.'

Iyon lamang ang nabasa niya at ang mga requirements. Isa lamang iyong article dapat baliwalain niya nalang iyon ngunit may naguudyok sa kanya na subukan iyon!

Namalayan niya na lamang ang sariling nagfi-fill up ng form. Hindi niya alam pero parang may sariling isip ang kamay niya at nagtitipa sa keyboard ng laptop niya para mafill up-an ang mga kailangan bilang sekretarya.

Ni hindi niya nga muna kinunsulta ang mga magulang niya!

Nang masend niya ang kailangan ng kumpanya ay tinitigan niya muna ito. Bago naisipang isara. Tatayo na sana siya nang biglang tumunog ang telepono niya. Kinuha niya iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. It's unregistered number. Even though she's doubting, she still answer the call.

"Hello. Who's this?" agad niyang bungad.

"Hello, Ma'am. This is Mr.Gonzales, from M.G.A Company, we received your application letter. We, M.G.A Company wants to meet you tomorrow for an interview. Are you free?" Anang boses lalaki sa kabilang linya. Gulat siyang magsalita.

"Oh, why so fast? I just sent my application letter, then you call that fast." Hindi makapaniwala niyang sambit.

"Yes, Ma'am. Our Company really need a New Secretary. Urgently."

"Oh, okay. I'm free tomorrow."

"Okay, Ma'am. I will send our location. Thank you." nagpasalamat rin siya bago patayin ang tawag.

Hindi niya alam pero mabilis ang tibok ng puso niya! Parang may kakaiba sa ginawa niya. Maganda ba iyon? O hindi? Hindi niya alam ang sagot!


MAAGANG nagising si Zoe. Alam na nang mga magulang niya ang plano niyang mag-trabaho ulit. Akala niya ay hindi siya papayagan ng nga ito ngunit nagulat siya nang halos palayasin na siya ng mga ito sa pamamahay nila.Para daw masolo nila ang apo nila. Kaya gusto nila siya na magtrabaho!

At ngayon ay nasa tapat na nang M.G.A Company si Zoe. Malakas ang tibok nang puso niya pero isina-walang bahala niya lamang iyon dahil sa isip-isip niya ay baka kinakabahan lang siya.

Pumasok na siya sa loob ng building at agad dumiretso sa HR Department. Nang makarating siya roon ay may nakita siyang lalaking nakasalamin at abala sa ginagawa.

"Hello. I'm looking for Mr. Gonzales." bungad niya nang makapasok sa k'warto na iyon.

"Oh, Hello Ma'am. That would be me." ani nito habang may ngiti sa labi. Inimwersa nito ang kamay sa visitor's seat. "Have a seat Ma'am."

Naka-ngiti siyang tumango at umupo sa visitor's seat. Inabot niya rito ang resumé niya.

"So, Ma'am. Let's start the interview. Are you ready?" may paninigurado sa boses nito.

"I'm a little nervous though, but I'm ready." nakangiti niyang sambit.

"Don't be nervous, i won't eat you" natawa silang dalawa bago ito tumikhim at sumeryoso. Magsasalita na sana ito nang tumunog ang telepono nito sa gilid. "Wait a minute, Ma'am. I will just take this." Tumango na lamang siya.

Nakatingin siya rito habang sinasagot nito ang tawag.

"Hello, Sir." bati nito sa kabilang linya. Nakita niya ang pagkakunot ng noo nito at dahan dahan tumingin sa kanya.

Tinaasan pa siya nito nang kilay na ikinataka niya.

"Okay, Sir." binaba na nito ang telepono at may pinirmahan sa resumé niya. May ibinigay itong papeles sa kanya at pinapirma niya iyon kahit hindi niya pa nababasa. Nang ibalik niya iyon ay tumingin ito sa kanya at nagsalita. "Let's go, Ma'am." nagtaka siya rito.

"Where? Hindi mo pa ako naiinter--"

"You're hired, Ma'am. You can start today." Mas lalong kumunot ang noo niya.

Kahit may pagtataka at sumunod siya rito. Magpa-salamat na lamang siya at may trabaho siya! Ang arte! Sumunod siya kay Mr.Gonzales hanggang sa makarating sila sa isang malaking pinto.

"You may enter, Ma'am. This is the office of your new boss." nakangiti nitong saad.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Mas mabilis pa kumpara kanina! Nanginginig siya na naglakad papuntang pinto. Hindi naka-takas sa paningin iyon ng binata.

"Don't worry, Ma'am. Your new boss won't eat you. Just be nice." ani nito at binuksan ang pinto.

Huminga muna siyang ng malalim bago pumasok. Nakita niya ang lalaking nakatayo sa may glass window habang nakatalikod sa kanya. Para bang pinagmamsadan nito ang mga sasakyan na dumadaan sa baba.

Tumikhim muna siya at nagpaskil ng malapad na ngiti bago nagsalita.

"Hello. I'm your ne--" naputol ang sasabihin niya at nawala ang ngiti sa labi niya nang unti unting humarap ang bago niyang boss.

Para siyang napako sa kinatatayuan. Hindi siya makapagsalita! Ngumisi ang lalaking nasa harap niya at nagsalita.

"Nice to meet you again, Sexytary. I'm very excited to work with you." Panandalian itong huminto at pinasadahan ng tingin ang buong katawan niya bago nagsalita muli. "Again."

"B-boss..."

-----------------GimmieFries----------------

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon