Chapter 16

23.8K 426 34
                                    

"MAGI-INGAT ka roon, anak. H'wag ka papagutom." napa-ngiti na lamang si Zoe nang sabihin nanaman iyon ng kanyang ina. Hindi niya na mabilang kung maka-ilang ulit na nito sinabi iyon.

"Opo, 'nay. Magi-ingat ho ako roon." sabi niya at niyakap ang ina.

"Anak, bawal ang manliligaw. Ha? Nagkakaintindihan ba tayo? Umuwi o tumawag ka pag may nag-balak, nang mahabol ko nang aking itak." natawa na lamang siya sa sinabi nang kanyang ama.

"Wala nang manliligaw sa akin kung ganyan kayo 'tay." niyakap niya ito para magpaalam.

"Aba'y dapat lang silang matakot. Malaka--aray!" hiyaw nito nang kurutin ng kanyang ina ang tagiliran nito.

"Ang hangin mo nanaman Zencio. Inatake ka nga kanina ng rayuma mo. Aalis na ang anak mo, puro kayabangan pa ang ipapabaon mo." sita ng kanyang ina na ikinatawa niya na lang.

"Hoy! Panot! Magi-ingat ka roon, ha? 'Pag may nanligaw sayo sabihin mo ng makotongan ko." napangisi siya ng sabihin iyon ng kanyang Kuya.

"Si Kuya, ang sweet." tukso niya rito.

"Anong sweet? Sabihin mo sakin dahil kokotongan ko ang lalaking iyon, para matauhan siya. Nagka-gusto siya sa panot na tulad mo." sumama ang mukha niya nang sabihin iyon ng Kuya niya.

"Umalis ka nga!" Pagta-taboy niya rito.

"Ate, mag-ingat ka roon ha? Yung sapatos ko, baka naman." Napatawa ma lamang siya sa sinabi nito.

"Puro ka sapatos. Mukha ka nang sapatos." sabi niya at piningot ang ilong nito.

"Anong sapatos? Ang pogi ko kaya." nag-pogi sign pa ito kaya napatawa na lamang siya.

"Wala na akong masabi."

Babalik na ngayon si Zoe sa Maynila dahil tapos na ang isang linggong pamamalagi niya rito. Sobrang bilis ng mga nangyari hindi niya namalayan na tapos na pala ang isang linggo. Masaya naman siya pero parang kulang ang isang linggo. Gusto niya pa manatili pero hindi na pwede. Nalulungkot siya dahil babalik na siya sa Maynila pero wala naman siyang magawa.

"Zoeng, magi-ingat ka roon. Ha? Susunod ako, hintayin mo ako." ani ni Warren.

"Oo, hihintayin kita ah." niyakap niya ito bago nagpaalam sa kanilang lahat.

Narito sila ngayon sa terminal ng bus, ayaw niyang mag-eroplano dahil malaki ang gastos nun. Isang araw lang naman ang byahe.

Gusto niyang umiyak dahil nakita niyang naluluha ang kanyang ina pero hindi niya pwedeng ipakita iyon sa kanila kaya tumalikod na siya at sumakay sa bus.

Nang maka-upo na siya sa numero nang upuan na nakalaan para sakanya ay naghintay pa sila ng ilang minuto bago ito gumalaw paalis. Madaling-araw pa kaya medyo madilim pa ang kalangitan.

Malungkot siyang napangiti dahil matapos nang mag-away sila nang kanyang boss ay hindi na ito bumalik.

'Galit ba siya? Galit din naman ako. Pero bakit parang kasalanan ko? Kasalanan niya iyon.'

Ayaw niya pa itong makita pero wala siyang magagawa dahil sa oras na maka-baba siya sa Maynila ay siguradong magkikita nanaman sila.

'Hindi man lang ito bumalik para mag-sorry.' Saad niya sa kanyang isipan.

"Bakit naman siya magso-sorry? E wala nga sa kanya ang mga pinag-gagawa namin." nagmukha lang siyang tanga dahil kinakausap niya ang sarili niya.

Umiling na lamang siya at pinilit maka-tulog. Dahil maaga siyang nagising ay agad siyang nilamon ng kadiliman.








ORAS na nang magising si Zoe. Kaka-uwi niya lang kagabi at ngayong araw ay araw na nang kanyang pag-pasok ulit sa kanyang trabaho.

She's late! She immediately take a bath and fix herself. Hindi niya alam kung anong klaseng ligo ang ginawa niya sa sobrang bilis niyang naligo.

Nang ma-siguro niyang maayos na at wala na siyang naka-limutan ay lumabas na siya at bumaba sa kanyang apartment building. Agad siyang pumara nang taxi.

'Argh! Kaba-balik ko lang sa trabaho, late agad ako!'

Nang nakarating siya sa kumpanyang pinagta-trabahuhan ay agad siyang lumabas ng taxi at dumiretso sa papasok ng gusali.

She went to the elevator. Pipindutin niya sana ito upang bukasan ng bigla itong bumukas at iniluwa niyon ang kanyang boss.

"Boss, sorry kung la--"

"Honey." nanigas siya sa kinatatayuan ng makita niya sa gilid ng boss niya si Andrea. Ang taksil niyang kaibigan.

"Andrea.."

Napatingin ito sa kanya. Andrea faked her gasped as if she was shocked to see her.

"Zoe? What are you doing here?" tanong nito pero hindi niya magawang sumagot dahil nasa braso lang nito ang kanyang tingin na naka-kapit sa kanyang boss.

'May namamagitan ba sa kanila?' may bahagi nang puso niya ang kumirot.

"She's my Secretary." mas lalong kumirot ang puso niya.

Kapag pinapakilala kasi siya nito sa iba ay 'Sexytary' ang sinasabi nito at hindi 'Secretary'.

"Oh? Really? What a small world. Anong nangyari sayo? Umitim ka yata." anang nakaka-iritang boses ni Andrea.

Umitim siya dahil ligo lang siya nang ligo sa dagat sa kanilang probinsya! Hindi niya naisip na pwede pala siyang umitim ng ganoon. At saka hindi naman siya gaanong umitim. Papansin lang talaga ito.

"Why are you late?" his voice were cold that gives her an ache to her heart.

"Sorry, boss. Papasok na po ako." bahagya siyang yumukod bago nilagpasan ito at pumasok sa loob ng elevator.

'Bakit ba ako nasasaktan? Nagseselos ba ako? Kung oo, wala akong karapatan! Wala naman kaming label e!'

Buong araw na nasa opisina nila nang kanyang boss si Andrea. Panay ang dikit nito sa kanyang boss. Kulang nalang ay mag-hubad ito. May pagkaka-taon pa nga na siya na ang lumabas dahil siya pa ang nahihiya dahil mukhang nakaka-istorbo siya sa dalawa!

Laking pasasalamat niya nang oras na para umuwi. Kaagad siyang lumabas ng opisina kahit na roon pa ang dalawa.

'Baka kasi nakaka-istorbo ako!'



'IS SHE mad?'tanong ni Maverick sa kanyang isipan.

Hindi kasi siya pinapansin ng kanyang sekretarya kanina at mas lalo siyang nagtaka nang lumabas ito nang hindi nagpa-paalam, padabog pa nitong isinara ang pinto.

Galit rin naman siya! Hinihintay niya lang na kausapin siya nito at pag-usapan ang painag-awayan nila sa probinsya nito, kaso kada may sasabihin at iuutos lang siya doon lamang siya nito kakausapin!

"Hon--"

"What do you want?!" iritang sigaw niya sa babaeng kanina pa dikit ng dikit sa kanya.

"Why are you shouting? I just want to ask you if you want to have din--"

"No, thanks." pagka-sabi niya nun ay agad siyang tumayo at lumabas ng opisina.

Simula nang magka-kita sila ay bumuntot na ito sakanya. Nagti-timpi lang siya pero ngayon hindi na niya kaya!Isa ito sa dahilan kung bakit hindi siya naka-balik sa probinsya nang sekretarya!

'Damn her!'

-----------------GimmieFries----------------

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon