Chapter 15

25.1K 442 54
                                    

"ZOENG! Ayos ka lang?" Natauhan siya sa boses ni Warren.

"Ha?" wala sa sariling tanong niya.

"Natulala ka ata? Tinatanong kita kung may boyfriend ka na ba?" paguulit nito.

'Hindi naman kami ni boss e, hiwalay na rin kami ni Vincent. Kaya wala akong jowa!'

"Wa-wala." sagot niya.

"Huh? Ba't wala? Sa ganda mong yan, wala kang boyfriend? Imposible." pambobola nito sakanya.

"Heh! Binobola mo nanaman ako! Pero amg totoo niyan, kakahiwalay lang namin." pag-amin niya rito.

Tumango lang ito at hindi na ulit nagtanong. Bawat tanong nito iyon lang ang sinasagot niya. Hindi niya kayang sabayan ang pagiging mdaldal nito lalo na't bumabagabag pa rin sa kanya ang katanungang;

'Ano ba talaga kami ni boss?'

Paulit-ulit niyang tinatanong sa kanyang sarili kung ano ba talaga ang namamagitan sa pagitan nila ng kanyang boss, ngunit ni isa ay wala siyang nakuhang sagot.

Hanggang sa maka-uwi siya sa bahay ay kasama niya pa rin ang kaibigan niya. Sa kanila rin ito naki-kain. Sanay naman na sila dahil nung mga bata palang sila ay halos sa kanila na tumira si Warren. Kaya nga panatag ang loob ng mga magulang niya sa binata.

"Punta tayong bukid Zoeng" aya nito sa kanya.

"Tanghaling-tapat aayain mo akong magbukid. Mamaya na." Saad niya na ikinatango na lang nito.

Kung siguro ay mga bata pa sila ay pupunta sila roon para tumambay kahit tirik na tirik anag araw. Sa bukid lagi ang takbuhan nila para makatakas sa magulang niyang, lagi siyang pinapatulog ng hapon.

Hindi namalayan ni Zoe na nakatulog pala siya, nagising na lamang siya nang may yumugyog sa kanya.

"Zoeng, tara na! Hapon na oh! Para maabutan natin ang paglubog ng araw." Hinila siya nito patayo.

Kahit gusto pa pumikit ng mga mata niya ay nagpahila na lamang siya dito. Hindi pa nga siya nakapag-ayos!

Nang makarating sila sa bukid ay dumiretso sila sa kubo.

"Lagi akong nandito 'pag wala akong trabaho, lagi kong inaalala yung ala-ala natin." biglang sabi ni Warren sa kanya.

"Bakit kasi hindi ka sumunod sa akin sa Maynila? Bakit ba kasi mas gusto mong magtrabaho sa Tacloban kaysa sa Maynila?" sagot niya rito.

"Ayaw kasi ako paalisin ni Nanay. Lagi nalang daw tayo magka-dikit. Kulang nalang ay magpalit na ang mukha natin." napatawa siya sa sinabi nito. "Totoo naman ang nanay ko! Bakit ka tumatawa?" tanong nito.

"Ayokong magpalit tayo ng mukha, ang pangit mo e." binuntutan niya pa iyon ng tawa.

"Tsk. Para lang malaman mo, ako ang heartthrob sa pinagtatrabahuhan kong Hotel." buong pagmamalaking saad nito.

"Ang hangin mo." pang-aasar niya.

"Totoo naman ang sinasabi ko!" tinawanan niya na lang ito.

Nang lumubog na ang araw ay napagdisisyunan na nilang umuwi dahil delikado na ang daan kapag madilim na.

Habang naglalakad sila sa talahiban ay may nararamdaman siyang parang sumusunod sa kanila. Alam niyang naramdaman din iyon ni Warren dahil hinawakan nito ang braso niya.

"Kapag sinabi kong takbo, tatakbo tayo." bulong nito.

"Si--"

"Takbo!" biglang sigaw nito.

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon