Chapter 23

22.5K 424 20
                                    

"MAMA, where are we going?" kanina pa tanong ng tanong ang anak niyang si Zarnaih ngunit hindi niya ito sinasagot.

"Baby, just packed all your things. If you want to see your Mamala and Papalo, packed your things." paliwanag niya rito.

"Really, Mama? We will met Mamala and Papalo in personal?" gulat na tanong nito.

"Yes, so packed your things." agad itong tumakbo at inayos ang sariling gamit.

Napabuntong-hininga na lamang si Zoe. Alam na nang mga magulang niya na may anak siya. Nang dalawang taon siyang hindi nakikita nang mga ito ay nagtanong ang mga magulang niya kaya napilitan siyang sabihin sa magulang ang lahat.

Sa limang taong pamamalagi sa bansang ito, ngayon lamang siya ulit uuwi nang Pilipinas. Malaki na siguro ang ipinag-bago 'nun.

Sa limang taon na iyon, sa Video Call lamang sila nakakapag-usap ng magulang niya. Doon lang din nakikita nang mga ito ang dalawang apo kaya siguro excited ang dalawa niyang anak dahil makikita na nang mga ito ang lolo't-lola nila.

Bumalik sa pagi-impake si Zoe. Na-alala niya ang nangyari kanina. Pag-kasabi kasi nang kaniyang boss na isa 'raw' silang buong pamilya ay tumalikod agad ito at umalis. Balak sana niya itong kausapin ngunit para saan pa? Wala naman sigurong patutunguhan ang pagu-usap na iyon.

Nasisiguro niyang sa mga panahon na ito ay kasal na ang binata. Sa limang taon niyang nawalay dito ay wala na siyang naging balita. Kaya nasisiguro niyang kasal na ito kay Andrea. Baka nga ay may anak na ang dalawa!

Sasabihin niya naman dito e. Hindi lang siya handa! Marami siyang iniisip na 'baka'. Baka kasi hindi sila tanggapin. Baka masira sila ni Andrea. Baka maka-apekto sa anak ni Andrea at Maverick kapag nalaman nitong may ibang anak ang tatay niya at marami pang 'Baka' pero isang 'Baka' ang natatakot siyang mangyari.

Baka 'pag umamin siya rito ay hindi sila nito tanggapin dahil mas mahalaga na rito si Andrea at ang Anak nila.

Kung dati ay lumaban sana siya at hindi sumuko, may laban siya kay Andrea dahil buntis siya! Pero ngayon, 'pag ipinag-laban niya. Magmu-mukhang siya ang kabit at si Andrea ang legal. Dahil kasal sila, siya? Echapwera na siya!

"Sigurado ka bang aalis na tayo ngayon?" boses iyon ng kaibigan niya.

"Kailangan. Gusto ko na lumayo."

Pag-kasabi niyon ay tumango na lamang ang kaibigan at tinulungan siya sa pagi-impake. Nang matapos na ang lahat ay in-ayusan niya na ang dalawa niyang anak bago siya nag-ayos.

Nang handa na ang lahat ay umalis na sila. Warren booked their flight earlier. Hindi man lang niya napansin. Ang laking tulong na talaga ang nagagawa nang kaibigan niya. Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon kung wala ito.

When they arrived at the airport, they wait for an hour before they go to the boarding area to go to their designated plane. Nang makasakay sila sa eroplano at maka-upo sa upuang nakalaan para sa kanila ay inayos niya muna ang mga anak bago siya umupo.

Tumingin siya sa bintana kung saan makikita ang ibang pasahero na sumasakay nang eroplano.

'Bye, Peru. Salamat sa limang taon. Pero ngayon, kailangan ko na mag-paalam.'






"ANG Kambal!" iyon agad ang sigaw ng ina niya nang makarating sila sa probinsya nila.

"Mamala! Papalo!" sigaw ng kambal at tumakbo sa lola't-lolo nito.

Sabik talaga ang mga ito kahit sa Video Call lang sila magka-usap. Lalo na siguro ngayon na sa Personal na sila nagkita-kita.

"Naku! Ang mga apo ko, napaka-laki na! Zarnaih, Apo. Napaka-gandang bata. Ikaw naman Mathias napaka-gwapo mo naman." sunod-sunod na sabi nang ina niya habang pisil ng pisil sa pisngi nang mga bata.

"Anak, kamusta na?" naiyak siya nang tawagin siya nang Ama. Naka-bukas pa ang dalawa nitong kamay na para bang niyaya siya nitong yakapin ito.

"Tatay..." naiiyak niya sambit bago tumakbo sa kanyanh ama at niyakap.

"Anak, ang laki nang ipinag-bago mo. Bakit ka pumayat? Hindi ka ba pina-pakain nang maayos ni Warren sa lugar na iyon? Pumayat ang Prinsesa namin." parang batang umiiyak siya sa bisig ng ama.

Namiss niya ito. Tinatanong niya ang sarii.

'Bakit hindi galit si tatay? Dapat ay magalit siya sakin!'

Dapat magalit ang tatay niya sa kaniya, dahil nasaktan niya ito. Nasaktan niya ang nanay niya sa pagbubuntis niya, pero alam niyang mas nasaktan niya ang tatay niya. Dahil nag-lihim siya rito. Hindi niya natupad ang gusto nitong, habulin ng itak ang sinumang mapangahas na galawib siya. Pero ito, ito ngayon. Kinakamusya siya na para bang wala siyang ginawang masama.

Namiss niya rin ang buong pamilya niya. Buong akala niya ay galit ang mga ito sa kaniya dahil naglihim siya. Hindi pala. Kahit nagka-mali siya ay tinaggap pa rin siya nang mga ito.

"Tatay, S-sorry. Sorry 'tay." umiiyak niyang sambit.

"H'wag mo nang isipin iyon, Anak." Ani nang ama niya at hinimas pa ang kaniyang buhok. "Papatawarin kita kapag nag-pataba ka ulit. Hindi ako sanay na ganyan ka, tignan mo oh. Ang payat-payat mo." sambit nito bago tumingin kay Warren nasa likod niya. "Warren! Bakit pumayat ang Anak ko? Hindi mo ba ito pinapakain roon? Iitakin talaga kita!"

"Naku! Zencio! May rayuma ka na! Hindi mo na mahahabol ng itak si Warren." panga-asar ng ina niya.

Agad namang sumama ang mukha nang ama niya na ikinatawa nila. Inaya na sila pumasok ng ina sa kabahayan. Habang pumapasok siya ay tumabi sa kanya ang Kuya niya at ang bunso nilang kapatid. Balita niya ay may anak na ang Kuya Zach niya at tapos na naman ng pag-aaral ang bunso nila na si Zico.

"Ate! Namiss kita! Ilang taon kang hindi nagpakita!" maluhang sambit ni Zico kaya maisipan niyang asarin ito.

"Kalalaki mong tao, Zico. Tapos iiyak ka nang parang bata. Bakla ka ba?" agad sumama ang mukha nito na ikinatawa nila nang Kuya Zach niya.

"Hoy! Panot! Kung si Tatay hindi na kayang itakin iyang gagong boss mo na naka-buntis sa'yo. Kami ni Zico ang hahabol ng itak diyan sa taong iyan. Di'ba, Zico." saad ng Kuya niya.

"Oo! Bagong hasa pa ang ipinamanang itak ng ninuno natin." natawa siya sa dalawa bago umupo sa may sofa.

Nakita niya ang dalawa niyang anak na nakikipag-laro sa anak ng Kuya Zach niya. Napa-ngiti na lamang siya, narinig niyang nagsalita ang ina kaya nabaling rito ang atensyon niya.

"Bakit bigla 'ata ang pag-uwi niyo, Anak?" tanong nito.

"Nag-kita kasi kami nang Ama nang kambal. Kaya lumayo ulit kami." pag-amin niya sa mababang tinig. Napayuko siya sa hiya, naramdaman niyang lumipat ng upo ang ina sa tabi niya bago siya yakapin.

"Anak, hindi mo pwedeng itago sa ama nang mga bata ang anak niya habang buhay. May karapatan siyang malaman. Siya ang Ama." sambit ito na ikinatango niya.

"Sasabihin ko naman. 'Nay. Hindi lang ako handa." niyakap siya nito kaya ganun rin ang ginawa niya.

'Hindi ko alam kailan, pero darating din ako roon. Kailangan ko lang mag-handa.'

-----------------GimmieFries----------------

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon