Chapter 29

22.3K 418 17
                                    

ISANG LINGGO.

Isang linggo na simula nang pumasok si Zoe sa kumpanya nang dating boss bilang sekretarya ulit.

Sa isang linggo na iyon ay naging mailap siya. Iniiwasan niya ito, sumasagot lamang siya kapag tinatanong siya nito o may inuutos ito. Alam ni Zoe na napapansin iyon ng boss niya pero hindi niya maiwasang mailang.

Lalo na nang ibulong nito nung nakaraan ang paghihinala nito. Nagsisimula na itong maghinala! Hindi na niya alam kung ano gagawin!

Makailang beses niyang sinubukang sabihin ang totoo ngunit sadya talagang pinangungunahan siya nang kaba. Kapag naman may lakas na siya nang loob ay bigla itong aalis kaya hindi na naman niya masabi! Hindi na niya alam ang gagawin.

Natauhan si Zoe nang may marinig siyang tunog ng telepono. Tinignan niya ang telepono niya, wala namang tawag doon. Nang tignan niya ang boss niya ay may kausap na ito sa telepono.

Napatulala na lamang ulit si Zoe, napaigtad siya nang biglang tumunog ang telepono niya. Ang nanay niya ang tumatawag. Napakunot ang noo niya.

'Ba't napatawag si Nanay?'

Sinagot niya ang telepono, bumungad sa kanya ang hingal na hingal na boses ng ina at ang hikbi nito.

"Anak..." agad siyang nilukob ng kaba kaya napatayo siya dahilan para mapatingin sa gawi niya ang boss niyang may kausap sa telepono.

"A-anong nang-nagyari 'nay?" kinakabahan niyang tanong dito.

"Anak, si Mathias." nanlumo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Kusang tumulo ang luha sa mata niya kahit hindi niya pa naririnig ang balita.

"Anong nangyari sa anak ko 'nay?" nanghihina niyang tanong rito.

"Anak, naglalaro lang kasi ang mga bata kanina. Naghahabulan sila nang biglang sumigaw ang mga bata, si Mathias kasi nahulog sa hagdan." nanghihinang napaupo si Zoe sa upuan. Ang anak niya... " Narito na kami sa ospital ngayon anak. Pero hindi pa siya inaasikaso hanggang ngayon dahil maraming pasyente. Kailangan ka niya, anak." wala sa sariling napabitaw si Zoe sa telepono dahilan para mahulog ito sa sahig.

"Mathias...."






"WHAT'S UP, bro!" anang boses ni Matt sa kabilang linya.

"Yow, why did you call?" tanong niya nang agaran.

"So, about the DNA Result." biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Sabik siya na malaman ang katotohanan pero may halong kaba ang puso niya!

"What's the result?" hindi makapaghintay niyang tanong.

"Well, it's--"

Hindi niya naintindihan ang sumunod nitong sinabi dahil nakita niyang tumayo ang sekretarya kaya napunta rito ang atensyon niya.

"A-anong nang-nagyari 'nay?" nakita niya ang kaba sa tinig nito kaya napakunot ang noo niya. "Anong nangyari sa anak ko 'nay?" agad siyang naalerto nang marinig niya iyon. Binabaan niya nang tawag agad si Matt at pinagmasdan ang sekretarya.

Hindi niya maintindihan ang sarili! Dinumog agad siya nang kaba nang marinig niyang parang may nangyaring masama sa anak nito!

Nakinig lamang ang sekretarya sa kabilang linya hanggang sa tumulo ang luha nito at nabitawan ang telepono dahilan para maalarma siya at agad na lumapit dito.

"Mathias...." wala sa sariling sambit nito.

"What happened?" tanong niya nang makalapit siya rito.

"Ang anak ko...." patuloy lamang ito sa pagluha. "Kailangan ko puntahan ang anak ko. Pupuntahan ko ang anak ko. Mathias. Mathias. Anak ko..." tuloy tuloy nitong saad at para bang wala sa sariling naglakad palabas ngunit pinigilan niya ito.

One Night With My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon