1

712 10 0
                                    

Lea's POV

Seventeen years ago I got pregnant at ng malaman ko na buntis ako hindi ko alam ang gagawin ko dahil nasa kalagitnaan na ako ng kasikatan ko noon. That day takot na takot ako dahil baka mawala ang career ko. My manager help me to hide my pregnancy, nagdoble ingat ako noon para hindi mawala ang career ko. Nagpahinga ako ng ilang buwan at hindi ako tumanggap ng kahit anong project.



Noong nalaman ko na buntis ako walang ibang nakakalam kundi si Mommy, ang aking Manager at ang aking Doctor lamang ang tanging nakakalam ng pagbubuntis ko. Hindi ko pinaalam kay Aga na buntis ako dahil that time ay hiwalay na kami dahil mas pinili ko ang career ko at ano mang oras noon ay lilipad na ako patungong New York.



Nanatiling sikreto ang aking pagbubuntis at napagkasunduan namin nila Mommy at ng Manager ko na ipamigay nalang ang bata. Masakit sa akin noong una na ipamigay yung sarili kong anak pero mahalaga din ang trabaho ko at hindi ko ito kayang iwanan.




Habang ipinagbubuntis ko ang aming anak ni Aga habang tumatagal mas napapamahal na sa akin yung batang nasa sinapupunan ko at parang ayoko ng gawin yung gusto nila Mommy at ng Manager ko. Parang mas gusto ko nalang alagaaan ang aking anak kesa magtrabaho, pero wala akong ibang nagawa at sinunod ko nalang si Mommy na ipamigay ang anak ko.




Every week napunta ang aking personal doctor dito sa aming bahay at chinecheck nya ang aking baby kung maayos ito at mabuti nalang ay healthy yung baby ko. Inalagaan ako ng mabuti ng aking oby  noong nagbubuntis pa ako. Siya din ang nakahanap ng aampon sa aking anak noon at sinigurado niya na sa mabuting kamay mapupunta ang aking anak.




Madaming buwan ang nakalipas pero hindi pa din nalaman ni Aga ang aking pagbubuntis. Hanggang sa dumating na ang araw ng aking panganganak at hindi pa din alam ni Aga ang tungkol sa akin at sa magiging anak nya. Habang nanganganak ako noon iniisip ko kung ipapamigay ko ba talaga itong anak ko or ano.




Gusto ko sanang lumaki ang anak ko ng may maganda at buong pamilya kaso parang hindi ko ata kayang gawin yon dahil mahal ko ang trabaho ko at ayaw ni Mommy sa anak ko dahil ito daw ang sisira sa career ko.



Pagkalabas ng bata sa aking sinapupunan noon tinanong ako ni Jodi ang aking Oby na kung gusto ko ba daw hagkan ang aking anak sa una't huling pagkakataon pero mas pinili ko nalang na hindi ito makita dahil alam ko mismo sa sarili ko na kapag nahawakan ko iyong batang iyon ay mahihirapan akong ibalik ito kay Jodi. Tanging iyak lang ang nagawa ko noong inilabas ko ang anak ko hanggang sa umalis na ito. Noong mga araw na iyon gusto ko sanang kunin yung baby ko pero wala na, huli na ang lahat at naibigay na ito sa bago nyang pamilya.



Ayon na yung araw na pinaka pinagsisisihan ko sa buong buhay ko, ang ipamigay ang sarili kong anak, napaka walang kwentang ina ko dahil sarili ko mismong anak nagawa kong ipamigay, pinagsisisihan kong nagawa ko yon.



"Psssst! Friend tulaley kana naman jan?" Sabi ni Dawn.




Si Dawn ang naging kasama ko habang nasa kalagitnaan na ako noon ng aking kasikatan, siya din ang naging sandalan ko kapag nagkakaproblema ako at siya din ang kasama ko sa bahay.





"Namimiss ko lang si Mommy." Sabi ko.






"Hayaan mo friend, masaya na ang Mommy mo dahil magkasama na sila ng Daddy mo." 





Nawala si Mommy noong nasa kalagitnaan na ako ng aking kasikatan noon at dahil sa pagkawala ni Mommy nawala na din yung interest ko sa pagkanta at pag arte kaya habang tumatagal  ay nawawala na yung kasikatan ko dahil nababawasan ang aking project kasi tinatanggihan ko ang mga ito.



Ilang taon na ako dito sa New York at ilang months nalang ay babalik na ako sa Pilipinas, susubukan kong humanap ulit ng trabaho doon at nagbabakasakaling bumalik yung dating kasikatan ko doon.



Alam ko sa pagbabalik ko sa Pilipinas ay wala na talaga akong babalikan dahil masaya na si Aga sa bago nyang mahal. Masakit man para sa akin na makitang masaya na ang aking mahal sa piling ng iba pero kailangan ko itong tanggapin dahil ito ang tama at ako din naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.




Siguro kung hindi ko pinili ang career ko edi sana masaya kami ngayon at kasama ko si Aga at ang aking anak. Nanghihinayang ako sa kung ano mang meron ako dati at nagsisisi akong pinili ko ang career ko.



"Siguro kung hindi ko pinili ang career ko may pamilya na sana ako." Sabi ko kay Dawn.




"Siguro nga." Sabi nya.


Hindi pa din alam ni Dawn ang tungkol sa nangyari sa aking nakaraan at pinanatili ko itong sikreto dahil ayoko ng maungkat ito muli, pero alam ni Dawn na naging magkarelasyon kami ni Aga pero hindi nya alam na nagkaanak kami.



"Magkakaanak pa kaya ako?" Tanong ko.




"Oo naman basta may asawa ka ayyyy boyfriend muna pala AHAHHHAAHAHAH." Tumatawang sabi nya kaya naman binigyan ko sya ng isang masamang tingin at tumigil na sya sa pagtawa.  "Pwede kapang magkaanak friend habang may dugong lumalabas jan sa ano mo may pag asa pa. Kaya girl lumandi kana baka mapaglipasan kana jan at tumanda kang dalaga." Pigil tawang sabi nya.







Kung hindi ko lang sinunod si Mommy sana masaya ako ngayon at hindi ako nangungulila. Totoo pala talagang nasa huli palagi ang pagsisisi.















The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon