20

265 8 0
                                    

Aga's POV


Nandito ako ngayon sa bahay namin at pinapunta ko si Regine, ngayong araw ako magpropose sa kanya dahil matagal tagal na din magmula ng binili ko ang ring na para sa kanya. Sayang lang talaga at wala si Tricia ngayon dito, ito pa naman ang pinaka hinihintay nya sa lahat, ang masaksihan ang pagpopropose ko kay Regine.


Sa loob ng ilang buwan mas lalong nagiging maayos ang relasyong namin ni Regine at sa tingin ko ngayong araw na yung tamang oras ng pagpopropose ko sa kanya. Desidido na ako at handa na akong magpakasal kay Regine.


Madami man kaming pinagdaanang hindi magaganda, alam kong mas pinagtibay pa non ang pagmamahalan namin ni Regine. Handa na akong bumuo ng pamilya kasama si Regine at gusto kong sya na ang magiging ina ng mga magiging anak namin.



"Kuya nandito na si Ate Regine." Sabi ni Almira.



"Papasukin mo na sya dito sa movie room." Sabi ko kay Almira.




"Okay, aalis na kami ng mga bata. Goodluck kuya!" 




"Thank you." Sabi ko at lumabas na ng tuluyan si Almira.



Ilang sandali lang ay pumasok na din si Regine sa movie room.



"Hi love!" Masayang bati ko.




"Hello!" Masayang bati nya din sa akin.



"Love upo na tayo, panoodin natin yung paborito nating movie." Sabi ko at hinawakan ko sya sa wrist at sabay kaming umupo.



Habang nanonood kaming dalawa ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Regine. Sya na talaga siguro ang para sa akin.


Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ko ito ng ilang beses. Nginingitian lang ako ni Regine sa tuwing hinahalikan ko ang kamay nya.



Nang matapos na ang pinapanood namin ay inaya ko na sya garden kung saan nakaset up na ang lahat.




Kitang kita ko sa mga mata ni Regine ang gulat, lumuhod ako sa harapan nya at sinabing "Matagal kong pinagplanuhan ang lahat ng ito, mag mula ng dumating ka sa buhay ko madaming nagbago. Binago mo ako Regine, hindi mo ako iniwanan at sinukuan, nanatili ka sa tabi ko at pinasaya mo ako ng maraming beses. Ngayon ako naman ang magpapasaya sayo, I know matagal mo na din gustong lumugar sa tahimik and I think this is the right time na hingin ko ang kamay mo. Gusto kong makasama ka hanggang sa pagtanda ko at sa huli kong hininga, Regina Encarnacion Ansong Velasquez will you marry me?"



Nakatingin lang sa akin si Regine habang umiiyak, hawak hawak ko naman ang kanyang kamay at naghihintay ako ng sagot nya.


"Love, will you marry me?" Ulit ko.



Umiiling lang si Regine habang umiiyak. "I'm sorry." Mahinang sabi nya habang umiiyak. "Tumayo ka jan Aga please."




"Love, will you marry me?" Tanong ko ulit habang nakaluhod ako.




Pumantay sa akin si Regine at sinabing"I'm so sorry Aga, hindi kita kayang pakasalan."




"But why? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Tell me aayusin ko." Umiiyak ko na din na sabi.




"Hindi tayo para sa isa't isa Aga, kayo ni Lea ang dapat, kay Lea mo dapat ibigay ang ring na yan hindi sa akin." Madiin na sabi ni Regine.



"Pero ikaw na yung mahal ko, ikaw yung nandito sa tabi ko Regine ano bang di mo maintindihan don? IKAW ANG MAHAL KO! IKAW AT HINDI YONG BABAENG YON!" Sigaw ko.




"Listen to me okay? Alam kong mahirap paniwalaan pero mahal nyo pa din ni Lea ang isa't isa at ayon ang nakikita ko. Remember nung nasa mall tayo dati nila Tricia? Magmula ng magkita kayong dalawa ni Lea sa Mall napatunayan ko na gusto at mahal mo pa din sya. Kaya please Aga tama na, balikan mo na si Lea." Nagmamakaawang sabi ni Regine habang umiiyak.





"Kinausap kaba ni Lea?" Tanong ko.




"No, never kaming nag-usap."




"Ikaw na yung mahal ko Regine, please naman. Ikaw na yung gusto kong makasama habang buhay."



Tumayo si Regine at aalis na sana pero hinabol ko sya.




"Love please pag-usapan natin to." Pagmamakaawa ko.




"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Aga. Salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin." Sabi nya at tinanggal nnya ang kamay ko na nakahawak sa wrist nya. Naglakad na sya papalayo sa akin pero bago pa man sya makalayo ng tuluyan ay nagsalita ako.




"Bago ka umalis may gusto sana akong itanong, just tell me the truth." Matapang na sabi ko kahit umiiyak ako.


Tumigil si Regine sa paglalakad sign na makikinig sya sa sasabihin ko.



"Did you ever loved me?" Tanong ko.




"Yes."  Maiksing sagot nya.



"Thank you for loving me, sorry kung nasaktan kita ng sobra."



"Mahalin mo si Lea kagaya ng pagmamahal mo sa akin, wag mo syang sasaktan. Salamat din sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Pasensya kana hindi ko kayang suklian ang ibinigay mo sa aking pagmamahal. Pinapalaya na kita Aga." At tuluyan na syang lumabas sa garden namin.




Sobrang sakit, akala ko ayos kaming dalawa ni Regine, akala ko lang pala ang lahat.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon