11

245 8 0
                                    

Tricia's POV

Nalulungkot ako dahil umalis na si Tita Lea at hindi ko man lang sya nayakap at nakuha ang number nya. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari kay Tita Jodi at ganon nalang ang inasta nya ng makita nya si Tita Lea. Hanggang ngayon nandito pa din ako sa kwarto ni Althea at hinihintay ko nalang na tawagin ako ni Tita Jodi.

Gusto kong magsorry kay Tita Lea pero hindi ko alam kung paano ko gagawin yon dahil wala naman akong contact number ni Tita Lea even yung Facebook Account nya ay hindi ko din alam. Sana makasalubong ko ulit sya or sana mahanap ko ang facebook account nya. Nahihiya talaga ako kay Tita Lea dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Tita Jodi.



"Ate sino pala yung girl kanina na kasama mo?" Tanong ni Althea.



"Baby si Tita Lea yon." Sabi ko.



"Magkakilala sila ni Mommy?"



"Siguro."



 After ilang minutes ay kumatok si Tita sa kwarto ni Althea at tinawag nya ako, nagtungo kaming dalawa sa mini office nya. Kinakabahan ako dahil mukhang galit si Tita at first time kong makita si Tita na ganon ang itsura.

"Patricia hindi ba't kabilinbilinan ko sayo noon na wag na wag kang makikipag-usap ibang tao lalo na sa mga artista." Inis na sabi ni Tita.



"Tita mabait naman po si Tita Lea tsaka mali po yung sinasabi nyo na masama sila." Mahinang sabi ko.



"Ayon ang akala mo Patricia! Gagamitin kalang ng mga yan tapos iiwanan ka din kapag wala na silang napapala sayo! Ilang beses ko bang uulitin na wag kang makikipag-usap sa mga yan? Kay Lea kapa nakipag-usap hindi mo kilala yang babaeng yan Patricia."



"Bakit po ba galit na galit kayo?" Umiiyak na sabi ko.



"Dahil sinuway mo yung gusto ko!"

"Wala naman pong masama sa pakikipagkaibigan ko kay Tita Lea ah. Gaano po ba kalaki ang atraso sayo ni Tita Lea at nagkakaganyan ka po Tita?"  Umiiyak kong sabi.



"Ayan sumasagot kana Patricia! Kanino mo natutunan yan kay Lea ba? Napaka galing talaga ng babaeng yan kahit kailan! Napaka laki ng atraso sa akin ng babaeng yan at hindi lang sa akin Patricia!" Sigaw ni Tita kaya mas lalo akong umiyak dahil sa takot. Habang papalakas ng papalakas ang iyak ko ay nakita ko naman sa labas si Tito Ian na tumatakbo papunta dito sa office.



"Jodi ano ba tinatakot mo si Tricia!" Inis na sabi ni Tito.



"Ang kulit kasi ng batang yan eh, kailan pa kayo nagkakilala ha Patricia? Matagal naba?" Tanong ni Tita pero hindi ko sya sinagot dahil hindi na ako makahinga sa sobrang iyak ko.





"Tricia punta kana sa room mo, ako na ang bahala sa Tita mo." Sabi ni Tito Ian kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo ako papunta sa kwarto ko sabay lock ng pintuan. Pagpasok ko ay humiga agad ako sa kama at umiyak nalang ako ng umiyak. Hindi ko maintindihan si Tita Jodi, masama ba talagang tao si Tita Lea kaya nagkakaganon si Tita Jodi. Kung ano man ang atraso ni Tita Lea kay Tita Jodi sana ay maayos nila ito.

Habang umiiyak ako ay bigla nalang tumunog ang phone ko sign na merong bagong message kaya inabot ko agad ang phone ko at binuksan ko ito. Laking gulat ko nalng ng makita ko kung sino yung nagmessage sa akin si Tita Lea, nahanap nya ang account ko.



"Hi sweetheart! Sorry nga pala kanina ha." Ayan ang sabi sa akin ni Tita kaya naman nagreply agad ako.





"Hello Tita! Ako po yung dapat magsorry sayo dahil sa inasta ni Tita kanina, sana po kung ano man o ang meron sainyong dalawa ay maayos nyo po iyon." At sinend ko na ito. Ilang minuto lang ang nakalipas ay biglang tumawag si Tita Lea pero bago ko ito sagutin ay nagplay ako ng music at nagtalukbong ako ng kumot para hindi ako marinig sa hallway na may kausap ako sa phone.



Sabi ni Tita iopen ko daw yung camera ko kaya naman inopen ko na. "Bakit ka umiyak?" Tanong nya.



"No Tita hindi po ako umiyak napuwing lang po ako." Pagsisinungaling ko.



"Alam kong hindi dahil magkaiba ang napuwing sa umiyak. Pinagalitan kaba ng Tita mo?"



"Yes Tita." Mahinang sabi ko at may luha na namang lumabas sa mga mata ko.



"Shhh baby don't cry na. Sorry kasi ako yung dahilan kung bakit ka pinagalitan ng Tita mo." Sabi ni Tita Lea.





"Hindi ko po maintindihan si Tita Jodi kung bakit ganon sya, na kung bakit kailangan nya pa akong sigawsigawan at kung bakit galit na galit sya sayo. Ano po bang nagawa mo Tita?" Tanong ko.



"Sorry Tricia pero hindi mo kailangan malaman pa kung bakit." Sagot ni Tita Lea.



"Naiintindihan po kita Tita Lea, sana maayos nyo po ni Tita Jodi yung problema nyo."



Nagkwentuhan muna kami sandali ni Tita Lea pero habang tumatagal yung kwentuhan namin mas lalo ko syang nagugustuhan, iba yung sinasabi ni Tita Jodi kay Tita Lea at iba yung nakikita ko kay Tita Lea. Pakiramdam ko mabait syang tao at mali yung mga paratang ni Tita Jodi sakanya. 

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon