Dawn's POV
After namin kumain ay naiwanan ako dito sa kwarto ni Lea, kumuha ako ng zip lock bag para paglagyan ng gamit na ginamit ni Lea at Tricia. Bago ko gawin itong pagkuha ng mga sample ay sinigurado ko muna na nasa labas sila Lea at Tricia. Nasa garden silang dalawa at nagdidilig sila. Tumawag ako sa DNA testing center na kukuha ng mga sample na hawak ko. Mabuti nalang at mabilis makuha yung result 3 to 5 days bago namin makuha ang resulta unlike sa ibang DNA testing center 3 to 12 weeks bago malaman yung result.
Hindi na ako nagpalit ng damit at nagmadali na akong lumabas dahil malapit ng dumating yung pinadalang staff ni Dr. Lopez. Iniabot ko lang yung mga sample at bumalik din ako sa bahay, naabutan ko pa din sila Lea at Tricia sa garden na nagdidilig kaya naman sinamahan ko na din sila.
"Tita's swimming tayo later." Aya sa amin ni Tricia.
"Kayong dalawa nalang ng Tita Lea mo, papanoodin ko nalang kayo." Sabi ko.
"Si Tita talaga ang kj." Nakapout na sabi ni Tricia.
"Ipagluluto ko nalang kayong dalawa, ano bang gusto nyong kainin? gusto nyo bang maggrilled tayo?" Tanong ko.
"Good Idea!" Sabi ni Lea
Kumuha ako ng mga sangkap sa kusina, si Lea at Tricia ay hinayaan ko nalang sila na magswimming. Habang inaayos ko yung mga lulutuin ko rinig na rinig ko yung halakhak ni Tricia, siguro may kinukwento na naman si Lea na nakakatuwa kaya ganon nalang ang tawa ni Tricia.
After kong maayos ang mga lulutuin ko ay lumabas na din ako sa may swimming pool area, "Lei patulong naman akong buhatin yung ihawan dito." Sabi ko at umahon din naman si Lea sa pool at tinulungan nya akong buhatin ang ihawan sa may malilim na bahagi.
"Ano na naman yung kinukwento mo kay Tricia? rinig na rinig ko yung halakhak ni Tricia sa loob." Mahinang sabi ko.
"Naikwento ko lang sa kanya yung nangyari sa atin nung bata pa tayo." Sabi nya.
"Ok, wag kang masyadong magbabad sa tubig, yung sugat mo hindi pa masyadong humihilom yan." Sabi ko.
"Noted Ma'am!" Nakangiting sabi nya.
Iniwanan na ako ni Lea sa pwesto ko dahil binalikan nya si Tricia, ang ganda nilang pagmasdan para talaga silang mag-ina.
Nagsimula na akong magluto dahil alam ko na mamaya magugutom yung dalawa kong alaga, habang nagluluto ako ay sakto namang tumawag sa akin si Richard, matagal na din kaming hindi nagkakausap kaya naman sinagot ko na yung tawag nya.
"Hello love?" Sabi nya.
"Hi love! kamusta?" Masiglang bati ko.
"Love pwede ba tayong magkita?" Tanong nya sa akin.
"Sorry love pero nagpapahinga ako next time nalang." Sabi ko.
"Okay lang love naiintindihan kita." Sabi nya.
Nagkwentuhan kaming dalawa ni Richard at hindi ko na namalayan na si Trica at Lea na pala yung tumapos ng mga niluluto ko.
"Wow miss na miss ang isa't isa!" Tumatawang sabi ni Lea.
"Syempre naman." Sabi ko.
"Kailan ba kayo magpapakasal?" Tanong nya.
"Wala pa sa isip namin yon Lei." Sabi ko. pero kailan nga ba talaga kami magpapakasal? matagal na kaming magpartner ni Richard pero never naming napag-usapan ang kasal.
"Tita kain na tayo." Sabi ni Tricia.
"Wait lang kukuha lang ako ng mga plates, spoon and fork sa loob." Sabi ni Lea.
Kaming dalawa lang ni Tricia ang naiwanan dito sa labas at napansin kong may peklat sya sa may binti.
"Tricia anong nangyari jan?" Turo ko sa may peklat nya.
"Eto po ba? noong bata po kasi ako napalo ako ni Tita gawa po ng lumabas kami ni Althea, mahigit 3 hours po kaming nawala ni Althea noon at dahil sa sobrang galit ni Tita pinalo nya po ako ng sobra."
"What? ganon nalang kagrabe yung palo nya para magkapeklat ka jan." Inis na sabi ko.
"Pero ayos lang po yon Tita, alam kong dinidisiplina lang ako ni Tita kaya nya nagawa yon, nadala din po siguro sya ng pag-aalala sa amin kaya nya din ako napalo."
"Kamusta naman yung pag-aalaga sayo ng Tita mo?"Tanong ko.
"Maayos naman po, tinuring nya akong tunay nyang anak."
"Wala ba syang nababanggit sayo na tungkol kay Lea?" Tanong ko ulit.
"Wala naman po." Sabi nya.
Tumigil na ako sa pagtatanong kay Tricia dahil dumating na si Lea. Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami hindi pa din ako tumigil sa pagtatanong kay Tricia ng kung ano ano.
"Alam nyo bang dalawa na para kayong mag-ina?" Sabi ko habang nakangisi, inaantay ko yung reaksyon ni Tricia pero di sya nagrereact.
Sinipa naman ako ni Lea pero hindi pa din ako tumitigil.
"Alam mo Tricia akala ko talaga anak ka ni Lea."
"Imposible yon Tita, Hello tignan mo naman po ang beauty ni Tita Lea ibang iba sa akin." Tumatawang sabi ni Tricia. "Tsaka wala namang anak si Tita Lea, diba Tita Lea?"
Tumingin ng masama sa akin si Lei at sumagot sya kay Tricia. "Yes, wala akong anak."
Tinignan ko ng masama si Lea pero inirapan nya lang ako,mukhang mali na ginawa ko itong kalokohan kong ito.
BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanficTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...