Tricia's POV
Pauwi na ako at naghihintay nalang ako ng masasakyan dito sa tapat ng school namin, akala ko susunduin ako ni Tita Mommy pero may biglaang meeting daw sila sa hospital kaya hindi na nya ako masusundo. Si Althea naman ay nasundo na ni Tito Ian at nasa bahay na sila. Mabuti nalang at marunong akong magcommute.
Maswerte ako dahil si Tita Jodi ang naging guardian ko, bukod sa may marangya akong buhay ngayon mahal na mahal ako nila Tita Jodi, Tito Ian at Althea. Pero kahit na marangya ang buhay namin sinanay ako nila Tita at Tito na maging simple lang. Laging turo sa akin ni Tita kung ano yung nasa harapan ko tanggapin ko ito at wag ng maghangad pa ng iba. Madaming itinuturo sa akin si Tita, sayang lang talaga at wala na sila Mama at Papa.
"Tricia!" Sigaw ng isang lalaki na napaka pamilyar ng boses kaya lumingon ako at tama nga ang aking hinala.
"Tito Aga!" At tumakbo na ako papunta sa kotse nya.
"Pauwi kana?" Tanong ni Tito.
"Yes po." Masayang sabi ko.
"Halika isasabay na kita." Sabi ni Tito.
"Sigurado po kayo?" Tanong ko.
"Oo naman. Halikana sumakay kana mainit jan sa labas." At sumakay na ako sa kotse ni Tito.
"Daan muna tayo sa mall may bibilhin lang ako sandali."
"Sige po, by the way Tito kamusta na po yung proposal mo?" Tanong ko.
"Hindi pa ako nakakapagpropose, medyo madami din kasi akong ginagawa alam mo naman kapag artista madaming ganap." Proud na sabi ni Tito. " Pero hayaan mo bago ako magpropose sasabihan agad kita at isasama kita."
"Pakilala mo muna ako sa girlfriend mo Tito. Baka mamaya akalain nya anak mo ako sa labas." Pabirong sabi ko.
"Kilala ka na nya, naikwento na kita sa kanya one time kaya wag kana mamroblema jan." Sabi ni Tito sabay tawa ng malakas.
Hindi ko alam kung bakit sobrang lapit agad namin ni Tito Aga sa isa't isa kahit ilang weeks palang kaming nagkakakilala.
"Kamusta na nga pala yung pag-aaral mo?" Tanong ni Tito.

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanfictionTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...