2

524 10 0
                                    

Aga's POV



Kakatapos lang ng tapping namin kaya naisipan ko na din na dumaan sa mall para bumili ng isang bagay na napakahalaga. Habang nagmamaneho ako ay naalala ko na naman si Lea dahil sa isang kanta nya na ngayon ay tumutugtog sa radio. Matagal tagal na din magmula ng huli ko syang nakita.



Matagal din akong nangulila kay Lea dahil mas pinili niya ang career nya kesa sa akin. Mas minahal ni Lea ang kasikatan nya kaya iniwanan nya ako. Ngayon panahon na siguro para ako naman ang maging masaya. Panahon na siguro para palayain ko na talaga si Lea. Matagal na din naman since nung iniwan nya ako.



 Magpopropose na ako sa aking minamahal na si Regine, matagal na din naman kaming magkasintahan kaya panahon na din siguro para lumugar kaming dalawa sa tahimik at bumuo na ng bagong pamilya.



Ito na siguro yung tamang oras para piliin ko naman yung sarili ko. Siguro nga madaming oras ang nasayang ko sa paghihintay na babalik si Lea pero ayos lang iyon dahil madami naman akong natutunan sa paghihintay kong iyon.



Pagdating ko sa mall ay agad akong dumiretso sa isang jewelry shop dahil doon ko bibilhin ang singsing na para kay Regine. Habang pumipili ako may napansin naman akong mag-ina na pumipili ng relo at sa tingin ko ay 17 to 20 years old na ang dalagita. Pumukaw sa atensyon ko ang kanyang mga mata na kagaya ng kay Lea.



"Bwisit naman bakit ngayon ko pa naaalala yung babaeng yon." Bulong ko sa sarili ko.



Habang pumipili ako ng singsing naririnig ko naman na nag uusap sila ng Mommy nya. "Tita Mommy this one nalang kaya?" Maarteng sabi ng dalaga.  "Sigurado naman akong magugustuhan ni Tito Dad yan dahil ikaw ang nagbigay." Sabi ng dalaga.



Siguro kung nagtagal kami ni Lea at hindi nya pinili ang career nya  ay may kasing gandang anak kami na kagaya ng dalagang nasa harapan ko ngayon. Napaka swerte siguro ng magulang ng batang ito dahil malambing sya sa parents nya.




"Sir may problema po ba?" Tanong sa akin ng dalaga dahil nahuli nya akong nakatingin ako sa kanya.




"Ahhm wala naman, may itatanong sana ako if ever na ikaw yung bibigyan ng ring ano ang pipiliin mo dito?" Tanong ko.



"Ah ganon po ba, siguro po yung simpleng ring lang po, pero depende naman po sayo yon eh. Wala naman po kasi sa itsura yon ang mahalaga po mahal mo yung pagbibigyan mo." Sabi ng dalaga.





The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon