3

340 9 0
                                    

Lea's POV


Three days na ang nakalipas ng makabalik kami ni Dawn dito sa Pilipinas at ngayon mag isa lang ako dito sa bahay namin ni Mama dahil si Dawn ay pinatawag agad ng president ng company na pinapasukan nya. Mabuti pa si Dawn may Bago ng proyekto samantalang ako eto nakatengga lang sa bahay at naghihintay ng panibagong trabaho. 



Alam kong madami na ang nakakalam na nakabalik na ako dito sa Pilipinas at alam kong alam na din ni Aga na nakabalik na ako. Gusto kong pumunta sa dati naming unit ni Aga kaso baka wala ng nakatira doon.



Gusto kong makipag usap at linawin ang lahat sa amin ni Aga, gusto kong makipagbalikan pero alam kong malabo na mangyari pa yon dahil may mahal ng iba si Aga. 




Mahal ko pa din si Aga at never nawala yon, nagkalayo man kaming dalawa pero yung pagmamahal ko kay Aga hindi nawala yon dahil kailan man ang tunay na pagmamahal ay hindi nawawala kahit na anong mangyari.




Habang nagmumuni muni ako  naisipan kong lumabas ng bahay para na din maarawan ako, matagal na din kasi akong hindi masyadong lumalabas ng bahay kahit noong nasa New York pa kami ni Dawn.




Siguro pupunta muna ako sa simbahan para magdasal, mabuti nalang at pinahiram sa akin ng pinsan ko yung kotse nya kaya mapupuntahan ko ang lahat ng gusto ko.




Ibang iba yung buhay ko ngayon kumpara dati. Kung dati puro trabaho ako at parties, ngayon iba na. Nasa bahay lang ako palagi at doon na ako nag iinom.





Habang nagmamaneho ako may napansin akong kumpol ng mga tao at sa tingin ko ay may nag tetapping, napatigil ako sandali dahil inaalala ko yung dati. Ganyan kadami din yung mga tao dati nung nagawa kami ng pelikula ni Aga, nakakamiss magtrabaho at umarte sa harap ng camera. After five minutes ay umalis na din ako sa location kung saan may nagtetapping.



Pagdating ko sa parking ng simabahan ay nag ayos ako ng sarili ko at nagsuot ako ng mask at shades para hindi ako makilala ng mga tao. After kong mag ayos ay pumasok na din ako sa loob ng simbahan at nagdasal ng taimtim.




Panginoon patawarin mo po ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo at sa mga mahal ko sa buhay. Pinagsisisihan ko po ang lahat ng aking nagawang kasalanan. Lord help me to find my child, kahit sya nalang po yung ibalik nyo sa akin. Gusto kong humingi ng kapatawaran sa nagawa ko sa anak ko. Lord kung nasaan man po ang anak ko ngayon pwede po bang pakibantayan muna sya hanggat di pa kami nagkikita? Sana po ligtas ang aking anak sa kahit anong mga kapahamakan na dumating sa buhay. Amen.




Pagkatapos kong magdasal ay umupo muna ako sa loob ng simbahan, gusto ko munang mamalagi dito sa loob ng simbahan kahit sandali lamang. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdama ang mga hanging humahampas sa aking balat na nanggagaling sa labas ng simbahan at sinamahan pa ito ng halimuyak ng sampaguita.




Habang nakapikit ako ay naramdaman kong may tumabi sa akin kaya idinilat ko ang aking mata. Isang bata na may dalang sampaguita ang tumabi sa akin. "Ate bili kana po ng Sampaguita pangkain ko lang po." Sabi nya.


Kumuha ako ng 100 pesos sa wallet ko at ibinigay ko ito sa bata. "Bumili ka ng pagkain mo ha."



"Ate napaka laki naman po nito."



Ngumiti ako at sinabing "Sayo na yan hindi mo na ako kailangan suklian."



"Ate maraming salamat po, mabibilhan ko na din po ng pagkain yung mga kapatid ko. Napakabuti mo pong tao. Sana po sagutin ni lord yung kahilingan mo. Ate kapit lang wag ka pong mawawalan ng pag asang tumawag sa taas matutupad din po yung kahilingan mo. Sige po mauna na ako. Maraming salamat po dito." At umalis na yung bata.



Sana nga sagutin ni lord yung dasal ko kasi sasagutin nya ako na ata yung pinaka masayang tao sa buong mundo.



After umalis ng bata ay umalis na din ako, nakita ko syang bumibili ng pagkain at nakita nya din ako kaya kumay sya sa akin at kinawayan ko din sya.




Nagpunta ako sa mga tindahan ng santo at rosary, habang tumitingin ako ng mga santo ay biglang may lumapit sa akin na matandang babae."Ma'am Pahula kana." Alok nya sa akin.


"Nako Inay wag na po." Sabi ko.



"Sandali lang to promise, sige na Ma'am" Sabi ng matanda kaya pumayag na din ako, wala namang mawawala kung susubukan ko.



"Sige na nga po." At dinala nya na ako sa pwesto nya.



Pagkadating namin sa pwesto nya ay kinuha nya yung baraha nya at inilahad nya ito sa akin. "Ma'am. Pili ka po ng tatlong baraha." At pumili na ako at ibinigay ko ito sa matanda.



binuklat ng matanda yung unang baraha. " May problema ka po pala sa pag-ibig Ma'am." Sabi ng matanda at binuklat nya yung pangalawang baraha. "Pero gaganda naman po ang iyong trabaho kahit na may problema ka sa pag ibig." Kaya naman napangit ako ng bahagya. "May problema ka din  po pala sa anak mo, pero ganyan naman po talaga ang buhay." Sabi ng matanda kaya naman nagulat ako dahil yung dalawang sinabi nya ay totoo. Kumuha ako ng pero sa bag ko at iniabot ko ito sa matanda.




Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita ulit. "Ma'am kung ano man po ang pinag dadaanan mo lakasan mo lang yung loob mo, alam kong malalampasan mo din yang nararamdaman mo."




"Salamat po." At tuluyan na kong umalis sa pwesto ng matanda.



Sana magkita na kami ng anak ko.


The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon