7

297 9 0
                                    

Aga's POV



Akala ko hindi na muling magtatagpo ang landas namin ni Lea matapos nya akong iwanan. Habang nakatingin ako sa kanya kanina ay kitang kita ko sa mga mata nya ang gulat at panghihinayang. Gusto ko syang lapitan at kausapin kanina pero nasa harapan ko si Regine at ayokong saktan si Regine dahil sa kagaguhan ko.


Gusto kong yakapin kanina si Lea pero alam akong mali iyon. Alam kong nagulat din si Regine ng makita nya si Lea.



"Love dalhin na kaya natin si Tricia sa hospital." Nag aalalang sabi ni Regine.



"No Tita wag na po ayos lang po ako, nalamog lang po siguro yung braso ko kaya masakit."  Sabi ni Tricia.




"Are you sure?" Tanong ko.



"Yes po Tito." Magalang na sabi ni Tricia.




Habang nasa byahe kami papunta sa bahay nila Tricia tahimik lang si Regine. Iniisip nya siguro yung nangyari kanina sa mall.




"Tita, Tito kilala  nyo po ba yung babaeng nabangga ko kanina? Pwede ko po bang malaman yung number nya? Gusto ko po sanang magsorry ulit." Sabi ni Tricia.




"Hindi mo sya kilala?" Nagtatakang tanong ni Regine kay Tricia.



"Hindi po."




"Sya si Lea Salonga. Isa syang singer at naging girlfriend din sya ng Tito Aga mo dati." Sabi ni Regine.



Alam kong may nararamdaman na selos si Regine dahil nakikita ko yon sa mga kinikilos nya.


"Pero si Tita Regine mo na ang mahal ko ngayon." Sabi ko.



Pero totoo nga bang si Regine lang ba ang mahal ko ngayon?




"Kaya po pala pamilyar yung face nya sa akin kasi artista din po pala sya." 



"Love pwede bang ako muna ang ihatid mo sa bahay? nagtext kasi si Mommy sa akin kailangan na nya ako." Sabi ni Regine.



"Ok." Sabi ko.



After 18 miutes ay nakarating na kami sa bahay nila Regine. "Love thank you. Nag-enjoy ako at masaya ako dahil nakabonding ko kayong dalawa ni Trica. Text me kapag naihatid mo na si Trica ok?"



"Yes love, thank you din. I love you." Sabi ko.



"Take care." Sabi ni Regine at isinara na nya ang pintuan ng sasakyan ko.



Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagbago yung mood ni Regine ngayon, ayos pa naman kami kanina nung nasa mall kami.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon