Lea's POV
Hinabol namin ni Dawn si Tricia at Jodi dahil alam ko na ang totoo, alam ko na na si Tricia ang anak ko. Gusto kong bawiin yung anak ko, gusto kong makasama habang buhay ang anak ko at mabigyan ng isang buong pamilya.
"Lei bumibilis yung takbo ng sasakyan nila Jodi baka maaksidente sila, wag na kaya natin silang habulin."
"Pero paano kung hindi na natin sila makita? Paano kung itakas nya si Tricia at ilayo sa akin habang buhay. Dawn sapat na ang ilang taong pagkakawalay namin ni Tricia sa isa't isa ayoko ng madagdagan pa ulit yon. Tama na ang 17 years na nahiwalay sya sa akin." Umiiyak na sabi ko.
"Kapag ipinagpatuloy natin ang paghahabol sa kanila baka maaksidente sila." Sabi ni Dawn pero hindi ko na ito pinansinat nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho.
Nakarating kami sa liblib na lugar at nakita namin ang sasakyan ni Jodi kaya bumaba kami ni Dawn at hinanap namin sila.
"Tricia!" Sigaw ko.
"Tita help me!" Sigaw ni Tricia.
"Tricia nasaan ka?" Sigaw ni Dawn.
"Tita tulungan nyo ako please! Nandito ako sa punong malaki!"
Tumakbo kami ni Dawn papunta sa may malaking puno kung saan nakatali si Tricia. Kinalagan namin si Tricia at napansin kong may pasa sya sa labi. "Bakit may pasa ka sa labi?" Tanong ko.
"Sinampal ako ni Tita Jodi." Umiiyak na sabi ni Tricia.
"Lei tara na baka maabutan pa tayo ni Jodi." Sabi ni Dawn kaya itinayo ko agad si Tricia at tumakbo kami papalayo pero nakasalubong namin si Jodi na may hawak na baril.
"At saan kayo pupunta?" Galit na tanong ni Jodi.
"Jodi hayaan mo na kaming makaalis please." Sabi ko.
"Teka alam na ba ni Tricia ang totoo?" Tanong ni Jodi habang nakangisi.
"Anong totoo?" Tanong ni Tricia.
"Alam mo Tricia pinalaki kitang matalino pero ganito lang igaganti mo sa akin? pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo iiwanan mo lang din kami, sana pala hindi nalang kita kinupkop."
"Tita ibaba mo yang baril please!" Sigaw ni Tricia.
"Bakit ko ibababa? tatakasan mo na naman ako?"

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanficTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...