39

335 9 0
                                    

Aga's POV 


After kaming iwanan ni Lea ay agad itong tinawagan ni Tricia pero ang sinabi lang daw sa kanya ng mommy nya ay "MAGSAMA KAYO NG DADDY MO! GOODBYE!" Kahit kailan talaga pikon sya, pero I admit parang sobra ata yung biro ko kanina pati anak ko nadala ko na din.


"Tita please dito kana dumiretso masakit tyan ko Tita please." Rinig kong sabi ni Tricia, feeling ko ay si Dawn ang kausap nya dahil si Dawn lang naman talaga ang tinatawag nyang Tita.


Tumayo si Tricia sa sofa at tumakbo sa akin na may malaking ngiti sa mukha nya. "Dad go na! sundan mo na si Mommy nasa lumang bahay sya!" Tulak sa akin ni Tricia.


"What? paano mo nalaman?" Tanong ko.


"Kinausap ko si Tita Dawn, nasa bahay daw si Mommy. Oh wait kunin ko yung spare key ko para madali kang makapasok." Tumakbo si Tricia sa kwarto nya at pagbalik nya dala na nya yung spare key ng bahay nila Lea.


"Paano ka?" Tanong ko.


"Anong paano ako? Dito muna si Tita Dawn, basta go na daddy umalis kana." Sabi ni Tricia habang tulak tulak ako.


"Maglock ka ng pinto ok?"



"Yes Dad I will! basta pagbalik nyo dito make sure na my twins na sa tummy ni Mommy." Nakangiting sabi ni Tricia at nagkiss na sya sa akin. "Bye Dad! Ingat."


Napapailing nalang ako sa sinasabi ng anak ko manang mana talaga sa akin ang anak ko parang lahat ng kapilyahan ay sa akin nya nakuha.


After 30 minutes ay nakarating na din ako sa bahay nila Lea mabuti nalng at kilala ako ng mga guards kaya mabilis akong nakapasok sa village nila. 



Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay at sa tingin ko ay nasa kwarto sya dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa CR ng kwarto ni Lea.



"Ate?" Tawag ni Lea kaya naman agad akong nagtago sa gilid ng cabinet nya.


Maya maya pa ay lumabas ito sa banyo na nakatapis lang ng twalya, makalaglag panga ang ganda ng kutis ng asawa ko.



"Ate!" Tawag ulit nya kay Dawn pero wala namang nasagot dahil wala naman dito si Dawn at magkasama silang dalawa ni Tricia.



Tinanggal ni Lea ang twalyang bumabalot sa katawan nya at nagulat ako dahil wala syamg suot na kahit ano, akala ko ay may underware sya pero wala kaya napapikit nalamang ako.


Hinintay kong isara nya ang pintuan ng cabinet hudyat na tapos na syang magbihis. Kalaunan ay natapos din sya at umupo na sya sa kama nya at nagsuklay ito ng buhok.



Hindi ako makalabas sa gilid ng cabinet dahil baka kung anong ibato nito sa akin kapag nakita nya ako kaya hinintay ko ulit syang lumabas ng kwarto, pagkalabas nya ng kwarto ay lumabas din ako at sumunod ako sa kanya sa kitchen.


Bawat galaw ko ay dahan dahan lamang dahil baka mahuli nya ako malilintikan ako kapag nagkataon na nahuli nya ako.


"Muhlach lumabas kana jan kanina pa kita nakikita!" Sigaw nya.



"What!? Paano mo nalaman?" Tanong ko.


"Hello sa tingin mo ba makakaligtas ka sa CCTV?" Sabi nya sabay irap. "Talagang kinontsaba nyo pa ang kapatid ko no." Sabi nya habang nagtitimpla ng gatas.


"Yung anak mo ang may pakana ng lahat."  Sabi ko.



"Paano binigyan mo ng Idea." Sabi nya.



"Babes wag kana magalit please." Sabi ko at niyakap ko sya.



"Tse! Kayong dalawa ng anak mo lagi nyo akong binibiro." Sabi nya habang nakanguso.



"Alam halika sa kwarto at magpahinga kana, pagod lang yan." Sabi ko habang natawa.



"Ayan jan ka magaling Muhlach!" Sabi nya sabay pitik sa tenga ko.



"Aray naman babes, ano ba kasing natakbo sa isip mo sabi ko lang naman tara na sa kwarto at magpahinga kana, yun lang unless may iba kapang gustong gawin." Mapang-asar na sabi ko.



"Alam mo ikaw bwisit ka talaga!"



"Babes sinadya mo talagang ipakita yung katawan mo sa akin no?"


"What?! Anong sinasabi mo?" Tanong nya.



"Diba sabi mo dahil sa cctv kaya mo ako nakita it means alam mo na kanina pa ako nandito."



"Ngayon ko lang nakita dahil nasa CR ako at naliligo ako kaya anong sinasabi mong sinad.... O...M....G!!!!!! BASTOS KA TALAGA KAHIT KAILAN!" Sigaw nya kaya tawang tawa ako.



"Hayaan mo na Babes hindi naman ito yung first time na nakita ko ang maganda mong katawan. In fairness ang laki ng...." hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil tinutukan nya ako ng knife.



"Subukan mong ituloy itutusok ko ito sa tyan mong malaki." Sabi nya habang nagpipigil ng tawa.


"Woah ang wild, gusto mo ikaw ang tusukin ko?" Sabi ko at inihagis na nya ang knife sa lababo sabay takbo sa kwarto nya.



Napailing nalang ako sa inasal ni Lea,wala pa din talaga syang pinagbago, sya pa din yung nakilala kong Lea na pikunin noon.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon