Lea's POV
Halos magwa one hour ng wala si Dawn dito sa bahay na nirentahan nya. Kanina ko pa sya tinatawagan pero pinapatay nya ang phone nya kaya naman naisipan kong sa labas na maghintay at wala pa akong five minutes sa labas ay dumating na din sya dala ang pagkaing dala nya.
"Ang tagal mo naman, kanina pa kita hinihintay." Sabi ko.
"Lei tara sa loob may sasabihin akong mahalaga, wag kana sumimangot ang pangit mo." Sabi nya kaya naman pumasok agad kami sa loob.
Pagpasok namin sa loob ay inilapag ni Dawn sa kitchen yung pagkain na binili nya at sabay kaming umupo sa may dining chair. Huminga ng malalim si Dawn bago ito mag-salita.
"Nakita ko na sila." Seryosong sabi ni Dawn.
"Sinong sila?" Tanong ko.
"Si Tricia, nandito sila kasama ang pamilya ni Jodi."
"Puntahan na natin sila." Sabi ko.
"Hindi pwede Lei, madaming guards na kasama ang pamilya ni Tricia kaya imposibleng malapitan natin sila Jodi, nakatakas lang si Tricia kanina kaya nagkausap kami."
"Saan daw sila nakatira? nasabi ba ni Tricia yung address nila?" Tanong ko.
"Sa isang farm sa may Barangay Poblacion Agoncillo daw sila tumutuloy ngayon."
"Yung number ni Tricia nakuha mo ba?" Tanong ko.
"Hindi, wala syang ginagamit na phone ngayon dahil kinuha daw ito ni Jodi."
Ngayon alam ko na kung nasan si Jodi sisiguraduhin kong mahahanap ko na ang anak ko ngayon.
"Anong binabalak mo?" Tanong ni Dawn.
"Gusto kong tulungan mo ako Dawn, kidnapin natin si Tricia." Sabi ko.
"Baliw kaba? Mapapahamak tayo sa gusto mong gawin Lea!" Inis na sabi ni Dawn.
"Diba sabi mo tutulungan mo akong hanapin yung anak ko?" Sabi ko.
"Oo sinabi ko yon pero hindi sa ganitong paraan kita gustong tulungan Lei. Parehas tayong mapapahamak sa gusto mong gawin kay Tricia. Ayokong makulong tayo dahil sa gagawin natin kay Tricia. Madami pang ibang option ang pwede nating gawin Lei." Sabi ni Dawn na halatang nagagalit na sa akin.
Kidnap lang ang tanging sagot para mahanap ko ng tuluyan ang anak ko.
"Kung ayaw mo akong tulungan edi wag." Sabi ko at umakyat na ako sa kwarto.
Gagawa ako ng paraan para lang makita at makasama ko yung anak, kahit sa maling paraan ko gawin para lang makita ang anak ko gagawin ko. Buo na ang desisyon ko, kukunin ko si Tricia kapalit ng anak ko, alam kong mahal na mahal ni Jodi si Tricia kaya ito ang gagamitin kong tulay para magsalita si Jodi tungkol sa anak ko.
"Lei ibahin mo yung plano mo please lang." Sabi ni Dawn.
"Buo na ang desisyon ko Dawn, kukunin ko si Tricia kapalit ng anak ko. Alam kong magsasalita si Jodi dahil hawak ko yung mahal nyang pamangkin."
"Lei baka may iba kapang naiisip na mas magandang plano, yung hindi ka mapapahamak."
"Wala na, ito lang ang magandang plano na alam kong effective." Sabi ko.
"Okay, tutulungan na kita, basta siguraduhin mo lang na hindi mo sasakyltan si Tricia." Sabi ni Dawn.
"Sisiguraduhin kong hindi masasaktan si Tricia dahil para ko na din syang anak, isa pa napaka bait nyang bata. Sya ang magiging tulay para mahanap ko yung anak ko. Pinapangako ko sayo Dawn, walang masasaktan."
"Anong gusto mong gawin natin?" Tanong ni Dawn.
"Puntahan natin sila sa resort kung saan sila naka stay ngayon, pag-aralan natin yung mga kilos ng bawat tao na kasama nila Tricia lalo na si Jodi. Tuso syang babae lahat nakukuha nya." Sabi ko.
Umupo si Dawn sa tabi ko at sinabing "Sana kapag nagawa natin itong plano mo, magtagumpay tayo. Sana walang mapahamak sa ating dalawa at sana walang masaktan sa gagawin natin."
"Magtiwala ka sa akin, walang masasaktan Dawn." Sabi ko.
Pagkatapos naming pagplanuhan ang lahat ay bumalik na kaming dalawa ni Dawn sa kitchen para kumain. Bukas na bukas gagawin namin yung balak namin ni Dawn. Tinawagan na ni Dawn yung mga kakilala nyang tutulong sa amin para kidnapin si Tricia bukas. This time sisiguraduhin kong makikita ko na yung anak ko.

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
Fiksyen PeminatTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...