35

342 9 2
                                    

Tricia's POV


Five months na ang nakalipas pero sariwa pa din ang lahat sa akin, after kong makarecover iniwanan ulit ako ni Mommy at kaming dalawa lang ni Daddy ang magkasama, si Tita Dawn naman ay ikinasal na kay Tito Richard dahil buntis na si Tita.


Nalulungkot ako dahil akala ko kapag nalaman ko na ang lahat magiging masaya na ako pero mali ako hindi masaya kundi malungkot pa din dahil wala ang Mommy ko umalis sya at hindi lang ako ang iniwan nya kundi pati si Daddy.

Araw araw kong ipinagdadasal na sana makasama ko ulit si Mommy, na sana kapag gumising kami ni Daddy ay sya agad ang sasalubong sa amin.


Wala kaming idea lahat kung saan nagpunta si Mommy basta isang araw nagising nalang kaming lahat na wala sya at nag-iwan lang sya ng letter at pinanghahawakan ko pa din yung salitang binitawan nya sa letter "BABALIK SI MOMMY." Sana totoo yan, sana bumalik na sya dahil miss na miss ko na sya.


Palagi na din akong mag-isa dito sa bahay dahil laging may trabaho si Daddy kung minsan naman ay binibisita ako nila Tita Dawn or Tita Almira. Nakakasawa ng mag-isa at maghintay pero dahil mahal ko si Mommy hindi ako susukong maghintay.


Sila Tito Ian at Althea ay lumipad na papuntang States ni hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanila bago sila lumipad papuntang States. Si Tita Jodi naman ay dinala na sa Muntinlupa at doon na sya ikukulong habang buhay, hanggang ngayon hindi ko pa din sya nadadalaw dahil natatakot ako.


"Anak ang lalim ng iniisip mo." Sabi ni Dad.


"Aalis kana po?" Tanong ko.


"Oo kailangan ko ng umalis dahil malalate ako ngayon sa flight ko papuntang Palawan."



"Po? Palawan? Ilang days ka po doon?" Tanong ko.


"1 week?" 



"Dad ang tagal naman po ng 1 week, sinong kasama ko dito? 1 week din akong mag-isa dito? Dad bakit ka ganyan iiwan mo din ba ako?" Umiiyak na sabi ko.




"Ang prinsesa ko umiiyak na naman, sandali lang ang one week anak tsaka tatawagan naman kita palagi."



Pinunasan ko yung luha ko "Ang daya nyo bakit lagi nalang akong naiiwanan?"




"Pupunta naman ang Tita Dawn at Tita Almira mo dito kaya hindi ka mag-iisa."



Hindi ko na kinausap si Daddy at umakyat na ako sa kwarto ko. Napakadaya talaga palagi nalang akong nag-iisa. Pinanganak nga ata talaga ako para iwanan lang.


Kinuha ko yung phone ko para maglaro nalang dahil wala talaga akong ibang magawa, nauumay na ako dito sa bahay ni Daddy.


*dinggg...dongggg!*

Agad akong napabangon dahil may nagdoorbell.


"Kuya bakit po?" Tanong ko.


"Maam flowers po para kay Ms. Tricia." Sabi ni Kuya.



"Sino pong nagpadala?" Tanong ko.


"Ma'am may letter po sa loob kayo nalang po ang bahalang magbukas, mauna na po ako." Sabi ni Kuya at umalis na ito agad.


Pumasok ako sa loob at binuksan ko yung letter tsaka yung box na maliit na nakaipit sa bouquet. Necklace ang laman nung maliit na box at ang pendant nya ay Heart na may singsing sa loob. "Kanino kaya galing ito?" Tanong ko sa sarili  ko.


After kong titigan ng ilang minuto yung necklace binasa ko naman yung letter,


To my Dearset Amarra,

Hi Anak! pasensya kana kung iniwanan ulit kita duwag kasi si Mommy eh pero hayaan mo sa tamang panahon magkakasama din tayong dalawa. Miss na miss na kita lalo na yung halakhak mo, sana wag kang magalit kay mommy sana kapag bumalik ako matanggap mo pa din ako. Mahal na mahal ka ni Mommy ok? wag mong isiping nag-iisa ka lang palagi, ang isipin mo nasa tabi mo ako palagi kahit magkalayo tayong dalawa. 

Malapit na tayong magkasama anak konting tiis nalang makakasama na ulit kita, basta mangako kang iingatan mo ang sarili mo at hinding hindi mo papabayaan ang sarili mo. Wag kang mag-alala kay Mommy ok? Basta pangako babalikan kita. Mahal na mahal kita! Advance Happy Birthday! Sana magustuhan mo yung regalo ko. I love you so much anak. See you soon!



                                                                                                                -Love Mommy Lea,


Hindi ko na namalayang tumutulo na ang luha ko habang binabasa ko yung letter. Miss na miss ko na si Mommy bakit kasi kailangan nya pang umalis?


Nasaan kana ba talaga Mommy?

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon