9

266 8 0
                                    

Tricia's POV


Mag-isa na naman ako ngayon  sa bahay dahil Sunday today, every sunday kasi ay nasa Antipolo sila Tita dahil binibisita nila ang parents ni Tito Ian. Gusto nila akong isama pero ayoko lang talagang sumama dahil ito lang yung araw na mabibisita ko sila Mama at Papa sa cemetery, pero bago ako magtungo sa cemetery ay nagsisimba muna ako dahil nakagawian ko na talaga ito.


Three days na din magmula ng huli kong nakita si Tito Aga at Tita Regine, kapag minemessage ko naman si Tito hindi sya nasagot sa akin at ganon din si Tita Regine. Siguro busy sila parehas kaya hindi nila ako nasasagot.



Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung babaeng nakabanggaan ko sa mall, nagresearch ako tungkol sa kanya. Isa pala syang mahusay na singer sa ibang bansa at pati na din dito.



May nabasa din akong article na tungkol sa kanilang dalawa ni Tito Aga at nabasa ko don na mahal na mahal nila talaga ang isa't isa.



Madami din akong nakitang mga articles na nagsasabing nagka anak daw sila Tito Aga at Ms. Lea, pero kung totoo man ito nasaan ang anak nila? Or siguro hindi totoo yung mga masa article.



Nanghihinayang ako sa relationship ni Tito Aga at Ms.Lea dahil kitang kita ko sa mga dati nilang mga larawan kung gaano nila kamahal ang isa't isa pero syempre ganon naman talaga sa buhay, may mga nakikilala tayo para pasayahin tayo at the same time para iwanan din tayo.



"Ma'am nandito na po tayo." Sabi ni Manong Driver.


"Kuya ito po ang bayad ko." At iniabot ko na sa kanya ang bayad ko.



Sa murang edad natuto akong magcommute dahil sinanay ako nila Tita at Tito, hindi kasi habang buhay may driver kami kaya elementary palang ako maalam na akong sumakay sa mga public transportation.



Pagpasok ko sa simbahan ay agad akong naghanap ng pwedeng maupuan, nakinig ako sa sermon ni Father. "Mga kapatid "Put into the deep" hindi ka matututong lumangoy kung takot ka sa tubig at kung hindi mo susubukang tumalon sa malalim na tubig. This is the same invitation that the lord tells us everyday in our lives, why? because special graces from him are found in the deep waters of our lives if we will just play safe always and will not take the risk because of our own fears and insecurities, we will never grow nor catch essential learning's in life. Ang mga nagtatagumpay  sa buhay ay ang mga hindi natatakot sumugal at tumaya sa buhay kahit pakiramdam natin na parang ang lalim na, na parang nakakalunod na ang mga pinagdaraanan nating pagsubok at hirap sa buhay ang paanyaya sa atin huwag matakot, huwag bitawan ang lambat ng buhay dahil mas gumagalaw ang himala ng Diyos sa mga pagkakataong isinusuko na natin sa kanya ang ating lambat at hinahayaan na sya ang mamahala para sa atin sa bawat lalim, sa bawat pagsubok sa ating buhay. Kung hahayaan lamang natin ang ating panginoon ang gumalaw sa atin limpak limpak na himala ang nakaabang sa ating buhay. "



Napakahalaga talaga na may connection tayo kay lord dahil sya lang ang tanging nakakalam kung ano yung magiging kapalaran natin. Napaka ganda ng sermon ni Father at totoo yung sinabi nya na hindi ka matututong lumangoy kung takot ka sa tubig at kung  hindi mo susubukang tumalon sa malalim na tubig. Minsan kasi kailangan din nating harapin yung mga takot na nararamdaman natin.





The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon