14

266 6 0
                                    

Aga's POV

Everytime na magkikita kami ni Tricia ay naeexcite ako, hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Ngayon susunduin ko na sya sa school nya  dahil maglulunch kaming dalawa, kailangan kong bumawi kay Tricia dahil hindi ko nasagot yung mga text nya sa akin noong nakaraan.

Habang naghihintay ako dito sa tapat ng school ni Tricia ay napansin ko yung kotse ni Lea, "Anong ginagawa nya dito?" Tanong ko sa sarili ko.

Tinawagan ko si Tricia upang sabihin na nandito na ako sa tapat ng school nya at sinabi nyang pababa na sya  ng building nila. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Tricia at sinalubong ito ni Lea. Hindi muna ako lumabas ng kotse ko baka kasi may kailangan silang pag-usapan ni Lea.

Kitang kita ko kung paano tinanggal ni Tricia ang kamay ni Lea sa kamay nya at mukhang galit si Tricia kaya naman bumaba na ako sa kotse ko para lapitan silang dalawa.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Kasi Tito pinipilit nya akong makipag-usap sa kanya." Inis na sabi ni Tricia.


"Lei bakit mo naman pinipilit yung bata?"


"Wala kang kinalaman dito Aga kaya wag kang makisali!" Madiin na sabi ni Lea.

"May karapatan ako dahil parang anak ko na si Tricia." Madiin din na sabi ko. Akala nya siguro magpapasindak ako sa kanya.


"Pwede ba Tita, umalis kana po at wag na wag mo na po akong lalapitan. Isususmbong kita sa Tita ko kapag ginulo mo pa ulit ako." Matapang na sabi ni Tricia.


"Pero Tricia gusto kong mag-explain sayo." Maamong sabi ni Lea.


"Explain what Tita? Kitang kita ko Tita, kitang kita ko na gusto mong saktan ang Tita Jodi ko. Kaya kaba nakipagkaibigan sa akin dahil gusto mong gumanti sa Tita Jodi ko?"


"No!" Matapang na sabi ni Lea.


"Tito let's go na po." Sabi ni Tricia pero hinabol pa din kami ni Lea.


"Ano ba!" SIgaw ni Tricia dahil hinila ni Lea ang kamay nito.


"Lea ano ba nasasaktan mo na si Tricia." Inis na sabi ko. "Tricia mauna kana sa sasakyan kakausapin ko lang si Lea." At tumakbo si Tricia papunta sa sasakyan ko, hahabulin sana ito ni Lea pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya.

"Ano ba Aga bitawan mo ako!" Sigaw nya sa akin.




"Ano Lei? mananakit ka nalang ba palagi? Hindi mo ba nakikita na ayaw ka ng kausapin ni Tricia? Tigilan mo na si Tricia kung ayaw mong ipakulong ka ng guardian nya." Sabi ko at binitawan ko na sya at nagpunta na ako sa kotse ko.


Pagpasok ko sa kotse ko nakita ko namang hawak hawak ni Tricia ang wrist nya na hinila kanina ni Lea. "What's wrong?" Tanong ko.


"Masakit po yung wrist ko dahil sa pagkakahila ni Tita Lea."


"Dadalhin nalang muna kita sa bahay namin para maicold compress yang wrist mo." Sabi ko at nagtungo na kaming dalawa sa bahay. Mabuti nalang at nandito sa bahay si Almira kaya sya ang nag-asikaso kay Tricia.


"See Kuya? Kahit bata sinasaktan ni Lea." Inis na sabi ni Almira.


Tumabi ako kay Tricia at tinanong ko sya. "Tricia bakit mo ba iniiwasan si Lea?" 


"Dahil nakita ko pong sasaktan nya yung Tita Jodi ko."

"Bakit?" Tanong ni Almira.


"Hindi ko po alam yung reason." Sabi ni Tricia.


"Alam mo Kuya yang si Lea walang pinipili kahit bata pinapatulan nya." Sabi ni Almira pero binigyan ko lang sya ng masamang tingin. "Why Kuya? Totoo naman ang sinasabi ko ah."


"Tumahimik kana, hindi ka nakakatulong Almira." Sabi ko.

"Wag mong sabihing mahal mo pa din yong babaeng yon sa kabila ng ginawa nya sayo."


"Sinabing tumahimik kana!" Sigaw ko na ikinagulat nila.

"Okay chill, natatakot si Tricia." Sabi ni Almira.



"No Tita Almira, ayos lang po."



"Alam nyo ipagluluto ko nalang kayo, malapit na din namang mag lunch." Sabi ni Almira.

"Wag na Almira, may pupuntahan pa kami ni Tricia." Sabi ko.



"Okay, sige maiwan ko na kayo jan." At umalis na si Almira.




"Pasensya na Tricia, maldita talaga yang kapatid ko at ayaw na ayaw nya na pinag-uusapan si Lea."


"Masamang tao po ba talaga si Tita Lea?" Tanong sa akin ni Tricia.


"Hindi naman siguro, may hindi lang siguro tayo nagustuhan sa ugali ni Lea kaya nasasabi naying masama ito. Ikaw ba ano sa tingin mo masama ba sya or hindi?" Tanong ko.


"I think mabait naman sya Tito kaso nga lang nahuli ko sya sa akto na sasaktan nya si Tita Jodi kaya din po nasabi ko na masama syang tao."



"Bakit hindi kayo mag-usap ni Lea, malay mo naman may dahilan sya kaya nya muntikang saktan ang Tita mo."


"Ayoko na po syang makausap Tito isa pa nagpromise na ako kay Tita Jodi na hindi na ako lalapit kay Tita Lea." Sabi ni Tricia.


"Kung ayan ang gusto then go. Basta kapag gusto mong kausapin si Lea isama mo ako para naman mabantayan kita." Sabi ko.



"Yes po Tito, thank you po."




Gusto ko sanang kausapin si Lea pero naalala ko pinagtabuyan na nya ako dati.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon