22

252 9 1
                                    

Dawn's POV


Nandito na kami ni Lea sa resort kung saan kami magistay ng ilang araw, hindi ko pa din ginigising si Lea dahil alam kong pagod sya sa trabaho nya. Pinagmasdan ko lang ang kanyang maamong mukha na tila ba ay wala itong iniinda na problema.



Hinaplos ang pisngi ni Lea at gumalaw ito ng bahagya kaya tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang pisngi.



Sa loob ng mahabang panahon na magksama kami madami akong natuklasan sa pagkatao ni Lea at pati na din sa aking tunay na pagkatao. Magmula ng mamatay ang Mommy ni Lea ay sa akin na ito inihabilin ni Tita at bago pa man pumanaw si Tita ang Mommy ni Lea ay may ibinigay itong box sa akin at naglalaman ito ng sulat na galing kay Papa na Daddy ni Lea, Oo magkapatid kaming dalawa ni Lea sa Ama at hindi ito alam ni Lea.


Magmula ng malaman ko na magkapatid kaming dalawa ay mas lalo kong minahal at pinrotektahan si Lea. Hindi pa alam ni Lea ang tungkol sa relasyon naming dalawa, wala syang kaalam alam na magkapatid talaga kaming dalwa. Hindi pa ako handa na sabihin ang katotohanan kay Lea.



"Hmmm nandito na ba tayo?" Naguunat na sabi ni Lea.



Ngumiti ako at sinabing "Oo nandito na tayo, baba na tayo?"



"Sure." Sabi nya.


Sabay kaming dalawa ni Lea na pumasok sa bahay na nirentahan ko, mabuti nalang at hindi masyadong matao ngayon, maeenjoy naming dalawa ni Lea ang bakasyon naming dalawa.



Inilapag ko sa kama yung gamit ko at nagpunta ako sa pintuan ng terrace para buksan ito, pagkabukas ko sakto naman sinalubong ako ng sariwang hangin at rinig na rinig ko yung hampas ng alon.


"Ang sarap ng hangin." Mahinang sabi ko.



"The best ka talagang pumili ng bahay Dawn, nasa mataas na lugar tayo kaya kitang kita natin ang ilang mga kalapit na isla." Sabi ni Lea.



"Gusto mo bang kumain muna tayo sa labas?" Tanong ko kay Lea.




"Pwede bang mamaya nalang tayo kumain sa labas? Padeliver nalang muna tayo dito may tatapusin din kasi akong trabaho ngayon, pero promise mamaya talaga sa labas tayo kakain. Malapit ko na din kasing matapos itong ginagawa ko." Sabi ni Lea.




"Sige ako na muna ang bibili sa labas, ano bang gusto mong kainin?" Tanong ko.




"Chicken Barbeque at Buko Juice lang." 

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon