Regine's POV
Nandito ako ngayon sa building ng ABS CBN dahil may shooting ako today, habang naglalakad ako dito sa hallway may natanaw akong babaeng napaka pamilyar. Napaka laki ng pinagbago nya, kung dati ay napakahaba ng buhok nya ngayon ay napaka iksi na ng buhok nya at mas bumagay ito sa kanya.
Kaya patay na patay si Aga sa kanya kasi napaka ganda nya talaga kahit kinulang sya sa height. Habang papalapit sya ng papalapit sa akin ay kinakabahan ako, hindi ko alam kung babatiin ko ba sya or ano.
Hindi ko nalang siguro sya babatiin kaya nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad. Hanggang sa makalapit na ako sa kanya at sya ang unang bumati.
"Rege?" Sabi ni Lea.
"Hi Lei!" Bati ko at nakipagbeso sya sa akin.
"Wow ang laki ng pinagbago mo Rege, mas lalo kang gumanda." Namamanghang sabi ni Lea.
"Ikaw din Lei, sobrang laki ng pinabago mo." Sabi ko.
Hinawakan ni Lea ang kamay ko at sinabing "Tara samahan mo akong magcoffee."
"Sure, 1 hour pa naman bago magstart yung trabaho namin." At sabay kaming nagpunta sa coffee shop na nasa baba ng building.
Naiilang ako kasi ang bait nya sa akin at hello boyfriend ko na yung ex nya, hindi ko alam kung nagbubulagbulagan ba si Lea or what.
Pagdating namin sa coffee shop nagorder kami agad at nagkwentuhan na din.
"Kamusta kana Rege?" Tanong nya sa akin.
"Ayos naman, eto madaming projects na dumadating pero keri ko pa naman, ikaw ba kamusta kana? kamusta ang buhay mo sa America?"
"Noong una masaya pero habang tumatagal narealize ko na mas masaya talaga kapag nasa sariling bansa. Buti nalang at may project agad ako dito." Sabi ni Lea.
"Wow congrats, anyway kamusta naman ang lovelife mo? May asawa at anak kana ba?" Tanong ko na ikinagulat nya. Kahit alam ko naman yung totoong status nya ay nagtanong pa din talaga ako.
"I'm still single, pero ayos lang ineenjoy ko muna yung buhay ko ngayon, ikaw kamusta naman kayo ni Aga? kailan ang kasal?" Tanong nya.

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanfictionTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...