31

285 11 3
                                    

Aga's POV

Habang nag-uusap kami ni Lea napapatingin ako kay Tricia na kanina pa nagheheadbang siguro ay maganda ang kantang pinapakinggan nya kaya napapaheadbang sya.

Pero bakit habang tumatagal ang pagtitig ko ay mukha ni Lea ang nakikita ko sa mukha nya? Hindi kaya tama ang hinala ko?

"Nakikinig kaba?" Mataray na sabi ni Lea.

"Oo nakikinig ako." Sagot nya.



"Bakit ako yung sinisisi mo?"


"Lasing lang ako kaya nasisi kita." Sabi ko.


Tumahimik si Lea pati na din ako, tinignan ko ulit ng maigi ang mukha ni Tricia at tinignan ko din ang mukha ni Lea.

"Nagkaanak ba tayo?" Diretsong tanong ko.


Biglang nagbago ang facial expression ni Lea at sinabing "What?!"



"Nagkaanak ba tayo?" Ulit ko.


"NO!"


"Okay." Sagot ko.



"Umuwi kana Aga, wala na tayong pag-usapan pa."  Sabi ni Lea at tumayo na sya.


"Bakit nga pala nandito si Tricia?" Tanong ko.



"Wala kang pakealam kung nandito si Tricia."


"May pake ako dahil parang anak ko na din si Tricia at ayokong mapahamak ka din, hindi ba matagal na syang hinahanap ng Tita nya? Alam ba ng Tita nya na nandito sya? or should I say bakit mo sya tinatago?" 


"Hindi ko sya tinatago, kusang sumama sa amin si Tricia." Mataray na sabi ni Lea, alam kong naiinis na sya dahil iba yung dating sa kanya ng mga sinasabi ko.


"Kung hindi mo sya tinatago bakit hanggang ngayon nandito pa din sya, diba ilang beses ng nagpunta dito ang Tita nya." Nakangising sabi ko kaya mas lalong naasar si Lea.


"Alam mo nakakabwisit ka." Sabi ni Lea. "Umalis kana bago pa lumipad itong paso sayo." 



"Lei bakit ka sumisigaw?" Tanong ni Dawn na nasa loob ng bahay. 


"Wala may bwisit lang kasi dito." Sabi ni Lea at lumabas naman si Dawn. Nagulat nalang ako ng biglang lumipad yung dustpan papunta sa akin, napatayo si Tricia sa gulat.  "Anong ginagawa ng dimonyong yan dito?"

"Ate bakit mo hinagis?" Tanong ni Lea.


"Ate?" Nagtatakang tanong ko.

"Umalis kana Aga bago kapa masaktan ni Dawn." Sabi ni Lea at itinulak na nya ako palabas.


"Wag kana ulit pupunta dito sa bahay namin." Sabi ni Lea at nilock nya na yung gate.


Init talaga ng ulo ni Salonga. "Babalikan kita Salonga, di pa tayo tapos." Sabi ko saby ngisi.

"Mayabang!" Sigaw nya at pumasok na ito ng bahay.


Ano kaya ang sikreto ni Salonga, bakit nasa bahay nya si Tricia?

Nagpunta nalang ako sa dati naming unit ni Lea, mahal ko pa naman talaga sya at kahit kailan hindi nawala yon dahil naniniwala ako na ang tunay na pagmamahal kailan man ay hindi mawawala.

Pagdating ko sa dati naming unit kinuha ko yung box na naglalaman ng mga pictures namin ni Lea, parang dati lang masaya kaming dalawa ngayon hindi na.  


Nandito din pala yung necklace na ibinigay ko kay Lea dati, akala ko dinala nya ito sa America. Itong necklace na ito yung dapat ibibigay namin sa magiging anak namin kung kami talaga ni Lea ang nagkatuluyan.

Sayang lang talaga at pinili ni Lea noon ang career nya kesa sa akin, siguro may tatlo kaming anak ngayon ni Lea kung nagkataon lang talaga na kami ang nagkatuluyan.


Nanghihinayang ako sa relasyong binuo namin dati, nawala lang ito bigla dahil sa pagpili ni Lea sa career nya.

Sana hindi ako nagkakaganito ngayon, hindi ko din sana masasaktan si Lea, ang lupit lang talaga ng kapalaran ko, siguro hanggang dito nalang ako baka hindi na ako magkaroon ng pamilya na gustong gustoo ko dati. Baka tumanda nalang ako ng hindi nagkakaroon ng sariling pamilya.


Sana isang araw magising nalang ako na may babati sa akin ng "Good Morning Daddy!" At mag sasabi ng "Mahal na mahal ko kayo ni Mommy." 


Sana isang araw may sasalubong sa akin sa gate ng bahay namin at yayakapin ako ng mahigpit at magtatanong ng "Kamusta ang araw mo Daddy?"


Sana isang araw magising ako na may katabi sa kama at sana si Lea yon.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon