32

239 9 0
                                    

Tricia's POV

One week na ang nakalipas magmula ng makabonding ko si Tita Lea at Tita Dawn, one week na din akong mag-isang kumakain ng breakfast at Lunch. Sobrang busy na ni Tita Lea at Tita Dawn dahil sobrang tambak ng trabaho nila isa pa malapit na din magchristmas kaya busy sila Tita's.


Dahil malapit na ang christmas magdedecorate nalang ako, sabi kasi ni Tita Lea may pangdecorate daw sa bodega kaya pwede ko daw itong galawin.


After kong makuha yung mga pangdecor naisipan ko munang maglinis ng bahay, unahin ko muna yung kwarto ni Tita Lea tapos isusunod ko ang kwarto ni Tita Dawn at huli yung sa kwarto ko.

Kumuha ako ng walis, dustpan at basahan. Pagpasok ko sa kwarto ni Tita Lea amoy na amoy ko yung pabango nya.


Nag-agiw ako bago magwalis ng sahig, after kong malinisan at maagiwan ang kwarto ni Tita Lea, pinunasan ko muna yung mga picture frame na nasa table. Tinititigan ko isa isa ang mga pictures ni Tita Lea at Tita Dawn noong mga bata pa sila, ang cute nila parehas. Hindi ko na namamalayan na napapangiti na pala ako habang tinitignan ko ang mga litrato. 


Umupo ako sa may kama ni Tita Lea at binuklat ko yung  baby book na nasa gilid ng kama ni Tita Lea. Habang binubuklat ko ang bawat pahina ng book nagtataka ako dahil bakit may ganitong bagay si Tita Lea, sabi nya hindi daw sya nabuntis dati pero bakit may ganito dito sa kwarto nya, bakit may baby book?


Pagbukalat ko sa isang page nagulat ako kasi may nahulog na parang picture kaya kinuha ko ito sa sahig pero nung pagbaliktad ko sa picture nakita ko na si Tita Lea yung nasa picture. malaki ang tyan nya, totoo pala talaga yung nilalaman nung article na nabasa ko dati pero nasaan yung anak nya? 


ibinalik ko yung baby book sa may gilid ng kama nya pero nahulog ang mga nakapatong dito pati na din yung isang box na naglalaman ng ultrasound. ibinalik ko ito lahat at lumabas na ako sa kwarto ni Tita Lea.



Nagulat nalang ako ng biglang may sumigaw sa labas. "Tao po!"



Sinilip ko muna sa cctv kung sino yon at ng makita ko kung sino ay lumabas na agad ako. "Kuya ano po yon?" Tanong ko.



"Dito po ba nakatira si Ms. Dawn?" 


"Opo, bakit po?"


"Sulat po para sa kanya." Inabot sa akin nung mailman yung envelope.


"Salamat po."  Sabi ko at pumasok na agad ako sa loob, nilock ko yung pintuan ng bahay at umupo ako sa sofa.


Tinignan ko yung ibabaw nung envelope at ang nakalagay ay S&L DNA Testing Center. Bubuksan ko sana yung enevelope ng biglang may bumusina ng pagkalakaslakas kaya naman chineck ko kung sino yon, si Tita Dawn lang pala kaya lumabas ako at pinagbuksan ko sya ng gate.



"Tita Akala ko mamaya pa kayo uuwi?" Tanong ko.


"Tricia halika aalis tayo." Kinakabahang sabi nya.


"Po? saan tayo pupunta?" Tanong ko.


"Basta, kunin mo lahat ng gamit mo at ilagay mo agad sa sasakyan ko."



"Tita anong nangyayari? nasaan si Tita Lea? diba dapat sabay kayo? tsaka bakit kailangan kong ilagay yung mga gamit ko sa kotse mo?"



"Mamaya kana magtanong basta sundin mo nalang yung sinasabi ko go." Sabi nya at itinulak nya ako papasok sa loob.



"Tita may sulat nga pala para sayo nasa may center table doon ko po nilagay." Sabi ko bago ako umakyat.


Kinuha ko lahat ng damit ko at inilagay ko ito sa maleta after kong magbalot ng damit ay bumaba din ako agad sa living are at naabutan ko si Tita na binabasa yung nasa envelope.


"Let's go." Sabi nya.


Tinulungan ako ni Tita na magbuhat pero bago kami makalabas ng bahay ay may mga police car sa tapat ng gate. 

"Tita bakit may police?" Tanong ko



"Wag kang lalabas." Sabi nya kaya nagstay lang ako sa kotse.


Habang tinitignan ko si Tita Dawn na nakikipag-usap sa mga police nakita ko si Tita Jodi na paparating. "Lagot na." Bulong ko sa sarili ko.


Naririnig ko na silang nagsisigawan pero hindi pa din ako nalabas ng sasakyan, tinulak ni Tita Jodi si Tita Dawn kaya napaupo ito sa sahig. Sakto namang dumating si Tita Lea kaya lumabas na ako.



Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito, ako ang may kasalanan kaya sila nagkakagulo. "Tita wag mo silang saktan. ako ang kusang sumama sa kanila, ako yung nakiusap na itago nila ako please Tita wag mo silang saktan." Sabi ko kay Tita Jodi.



"Tricia ang tagal ka naming hinanap nandito kalang pala." Sabi ni Tita at niyakap nya ako. "Halikana uuwi na tayo."



"Ayokong sumama sayo Tita." Sabi ko.



"Bakit? nabrainwash kana ba ng dalawang ito?" Galit na tanong ni Tita Jodi.



"Hindi nila ako binrainwash, naging malaya ako ng makasama ko sila."



"Hindi pwede Tricia sa amin ka inihabilin ng Mama at Papa mo kaya hindi ka pwedeng sumama sa kanila." Galit na sabi ni Tita.



"Pwede akong sumama sa kanila dahil ayon ang gusto ko!" Sigaw ko kaya sinampal ako ni Tita at hinila papasok sa sasakyan nya.


Kung ano man ang mangyari sa akin ngayong araw, sana walang mapahamak, sana maging ligtas ako dahil.


The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon