30

283 10 0
                                    

Tricia's POV

Kanina habang nagluluto ako ng breakfast namin babalik sana ako sa kwarto ni Tita Lea para magtanong kung gusto nila ng Coffee or hot chocolate pero hindi na ako bumalik dahil naririnig kong nag-uusap sila at nakalock ang pinto kaya nagdecide ako na hindi na tumuloy, after maluto ng breakfast namin ay umakyat na ako at dinala ko na yung pagkain namin.

Pero habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng kwarto ni Tita Lea, naririrnig ko na yung pinag-uusapan nila ni Tita Dawn.

"Kaya ako nawala last night dahil dito, diba sinabi ko sayong tutulungan kitang mahanap ang anak mo. Nasa envelope na yan ang kasagutan Lei. Ayon sa imbestigador na binayaran ko, yang hawak mong litrato na kasama ni Tricia ay hindi nya tunay na magulang. Magkapatid ang dalawang yan na kasama ni Tricia sa litrato at kahit kailan ay hindi sila nagkaanak dahil magkapatid silang dalawa at pinsan lang ito ni Jodi hindi kapatid. Namatay yang dalawang yan sa isang car accident sa America." Sabi ni Tita Dawn na ikinagulat ko, napaka-imposible naman ng sinasabi nya. Ano ba talagang pakay nila sa akin at bakit nila pinaimbestigahan ang mga magulang ko lalo na si Tita Jodi. Mas lalong hindi magkapatid ang Mama at Papa ko.



"Hindi natin alam, possible din na si Tricia ang anak mo." What? ako anak ni Tita Lea? imposibleng mangyari yon dahil iisa lang ang nanay ko.


"Hindi maaari." Sabi ni Tita Lea. Hindi talaga maaaring mangyari na sya ang NAnay ko dahil hindi ko matatanggap yon.


"DNA Lei, DNA ang kasagutan para malaman natin ang totoo." Sabi ni Tita Dawn, Paano kung tama sila? paano kung ako nga yung anak ni Tita Lea?



Kaya ba ilang beses nagpupunta si Tita Lea sa office ni Tita Jodi dahil hinahanap nya ang anak nya? Kaya ba galit si Tita Jodi sakanya dahil may anak syang ipinamigay pero kung ganon sino yung anak nya? ako ba talaga yung anak nya na ipinamigay nya? Naguguluhan ako.



"Tulala ka?" Tanong ni Tita Dawn sa akin.


"Wala po." Nakangiting sabi ko.

"Baka naman sineseryoso mo yung mga sinasabi ko sayo kanina, joke lang yon." Sabi nya. Joke lang ba talaga yon or totoo talaga? Sabi ko sa isip ko.



"Alam ko naman pong joke lang yon Tita." Sabi ko kahit deep inside apektado ako.



Iniwanan ako ni Tita Dawn sa garden samantalang si Tita Lea ay nasa kwarto nya. Paano nga kung ako talaga yung anak ni Tita Lea? Unang kita ko palang sa kanya iba na yung naramdaman ko, pero kung sya man yung nanay ko bakit ako tinatago ni Tita Jodi? bakit gumawa sya ng kwento? 


"Tricia?" Bigla akong kinabahan dahil may tumawag sa akin kaya lumingon ako agad.

"Tito Aga ikaw po pala." Kalmadong sabi ko kahit kinakabahan ako.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin.


"Ah ano po...."


"Tricia sinong kausap mo jan?" Tanong ni Tita Lea habang nakadungaw sa may veranda.


"Tita si Tito Aga po." Sabi ko at agad naman tumakbo si Tita pababa dito sa garden.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tita Lea.


"Pumasok na ako kasi bukas yung gate, nandito ako para humingi ng tawad Lei. Hindi ko sinasadya yung nangyari kagabi."

"Okay, makakaalis kana." Sabi ni Tita Lea.


"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Tito Aga.



"Nag-uusap na tayo hindi ba? Anong pag-uusap ba ang gusto mo?"



"Tricia pwede bang iwanan mo muna kami?" Tanong sa akin ni Tito Aga.

Tinignan ko si Tita Lea "No,dito ka lang Tricia samahan mo akong makipag-usap dito."


"Pero Tita."

"Dito ka lang, wag mo akong iiwan." Sabi nya kaya naman tumabi ako kay Tita Lea.



Kinuha ko nalang yung earphone ko sa pocket ko at sinalpak ko yon sa phone ko. Ayokong makinig sa pag-uusap nilang dalawa dahil alam kong personal yon, nagpatugtog nalang ako at nilagay ko ito sa high volime sapat na para hindi ko marinig ang pag-uusap nilang dalawa.


Habang nakikinig ako ng music parang nag eecho sa tenga ko yung sinabi sa akin kanina ni Tita Dawn, na parang mag-ina daw kami ni Tita Lea, pero alam kong imposibleng mangyari yon, hindi ko sya pwedeng maging nanay.


Pero paano kung sya nga  yung nanay ko at itinago lang ako ni Tita Jodi?

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon