12

240 7 0
                                    

Lea's POV

After namin mag-usap ni Tricia kagabi ay nakaramdam ako ng awa sa kanya, hindi dapat dinamay ni Jodi si Tricia sa problema naming dalawa. Ngayon pupuntahan ko si Jodi sa hospital na pinapasukan nya, kakausapin ko sya at gusto kong malaman kung nasaan na ba talaga ang aking anak.




Kapag nalaman ko kung nasaan ang aking anak ay agad ko itong pupuntahan at babawiin ko ito. Gusto kong makasama na ang aking anak at kapag nagkataoon na nakuha ko na sya ay aalagaan ko sya ng mabuti at pupunan ko ang mga pagkukulang ko noon.




Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa hospital na pinapasukan ni Jodi, hindi na ako nagpaappoint dahil alam kong tatanggihan lang ako ni Jodi kaya mas maganda yung biglaan.


Pagdating ko sa floor na kung saan nakabase si Jodi ay agad naman akong lumapit sa secretary nya at sinabi ko na kaibigan ko si Jodi, pinapasok naman agad ako ng secretary ni Jodi sa loob ng office nito.




Habang hinihintay ko si Jodi ay titinignan ko muna ang mga pictures na nasa table ni Jodi.

Sobrang close pala talaga ni Tricia sa pinsan nya at kitang kita ko kung gaano kamahal ito ni Tricia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sobrang close pala talaga ni Tricia sa pinsan nya at kitang kita ko kung gaano kamahal ito ni Tricia.

"Ma'am may bisita po kayo, kaibigan mo daw po kaya pinapasok ko na po sa office mo." Rinig kong sabi ng secretary ni Jodi kaya naman bumalik na ako sa pagkakaupo ko at ilang segundo lang ay iniluwa na si Jodi ng pintuan at nagulat sya ng makita nya ako.



"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Tanong nya.



"Tungkol sa anak ko." Matapang na sabi ko.



"Sa pagkakaalam ko Lea ipinamigay mo na ang anak mo." Sarcastic na sabi ni Jodi.




"Gusto ko syang makilala."


"Wala akong alam kung nasaan na ang anak mo Lea. Hindi ba at ipinamigay mo na ito? bakit mo hinahanap ngayon?" Sabi ni Jodi.



"Please Jodi sabihin mo na kung nasaan ang anak ko."





"Wala akong alam Lea dahil wala na akong connection sa umampon sa anak mo, isa pa diba wala kang pakealam sa anak mo? bakit naghahabol ka ngayon? dahil ba wala ka ng career at sya naman ang gagamitin mo?"


Sasampalin ko sana si Jodi ng biglang pumasok si Tricia at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita nya akong sasampalin ko ang Tita Jodi nya. "Tita Lea wag!" Sigaw ni Tricia.



"Nakita mo na Tricia? Masama yang babaeng yan kaya galit na galit ako." Sabi ni Jodi.




"Magpapaliwanag ako Tricia." Sabi ko.



"Wag na po, umalis kana po dito sa office ni Tita Jodi at wag mo na din po akong kakausapin kahit kailan." cold na sabi ni Tricia.



Hinawakan ko ang kamay nya pero tinanggal nya ito agad at sinabing, "Umalis kana po, wag mo na pong hintayin na yung mga guard pa po ang maglabas sayo dito."




Wala na akong ibang nagawa kundi ang lumabas sa office ni Jodi. Dumiretso nalang ako sa kotse ko at doon ko inilabas yung luhang kanina ko pa talaga pinipigilan.






Wala naba talagang pag-asang magkita kami ng anak ko? Ito na ba talaga yung kabayaran sa kasamaang nagawa ko noon?




"Tang*na bakit kasi ang selfish ko noon!" Sigaw ko.



Pinakalma ko muna yung sarili ko bago ako umalis sa parking lot ng hospital, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon,bahala na kung saan ako makarating, akala ko kapag nakausap ko si Jodi ngayon magiging maayos na at malalaman ko na kung nasaan ang anak ko pero mali, wala akong napala.



Habang nagdadrive ako ay tumunog yung phone ko at itinigil ko muna yung kotse ko sa gilid ng kalsada para hindi ako maaksidente or makaaksidente. Si Dawn yung tumatawag kaya naman sinagot ko ito agad dahil magmula nung sinabi ko yung totoo sa kanya ay pakiramdam ko ay iniwasan na nya ako. Ngayon nalang kami ulit mag-uusap kaya agad agad ko itong sinagot.


"Hello Dawn?" Sabi ko.




"Lea nasaan ka?" Tanong nito sa akin.


"Nasa gilid ng kalsada, why?"



"About sa nangyari nung nakaraan gusto ko sanang magsorry dahil nasigawan kita. Nabigla lang naman kasi ako eh."


"Naiintindihan naman kita Dawn, kahit sino naman siguro magagalit kapag sinabi ko yung ginawa ko sa sarili kong anak. Hinahanap ko na sya ngayon Dawn, gusto kong bumawi sa kasalanang nagawa ko sa anak ko. Gusto ko sana syang makasama." Umiiyak na sabi ko.




"Shhhhh, walang magagawa yang pag-iyak mo Lea. Tutulungan kitang hanapin ang anak mo Lei."




"Pero paano Dawn kung yung mismong nagbigay sa anak ko sa aampon dito ay hindi na nya din alam kung nasaan ang mga ito." Sabi ko.





"Napakaimposible naman non Lea, kahit pangalan hindi nya alam?" Tanong ni Dawn.





"Hindi nya daw alam."



"Hindi nya alam or ayaw nyang sabihin?"


"Hindi ko alam Dawn naguguluhan na ako."


"Gagawin natin ang lahat para makasama mo ang anak mo." Sabi ni Dawn.


"Sana nga mahanap na natin sya." Sabi ko.



"Mahahanap natin sya basta magtulungan tayo."



"Dawn pwede bang wag mo munang sabihin kahit kanino yung tungkol sa anak ko?"

"Ok pero ipangako mo sa akin Lea na kapag nahanap mo na ang anak mo ipapakilala mo ito sa lahat at hindi mo na ito papabayaan."

"Oo Dawn, pangako." Sabi ko.


Sana mahanap na namin agad yung anak ko, dalawa na kaming maghahanap sa anak ko at sana mahanap na talaga namin sya dahil gusto ko syang mayakap ng mahigpit at makasama ng matagal.

Sa oras na mahanap namin sya, hindi ko sasayangin ang bawat minuto na kasama ko sya.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon