27

272 11 3
                                    

Dawn's POV


"TITA WHERE ARE YOU? UMUWI KANA PLEASE HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO. SINASAKTAN NI TITO AGA SI TITA LEA, PLEASE UMUWI KANA NATATAKOT AKO SA POSIBLENG GAWIN NI TITO AGA. GALIT NA GALIT SYA BAKA KUNG ANONG GAWIN NYA KAY TITA LEA." After kong mabasa yung text ni Tricia at tinawagan ko sya.


"TITA NASAAN KABA? PLEASE TULUNGAN MO SI TITA LEA! YUNG KAMAY NYA MADAMING BLOOD, SINASAKTAN SYA NI TITO AGA." Umiiyak na sabi ni Tricia.


"Tricia kumalma ka, nasaan ka?" Tanong ko.



"Nasa theater room ako Tita, dito ako pinagtago ni Tita Lea. Please umuwi kana." Mahinang sabi ni Tricia habang umiiyak.


Hindi ko binaba yung tawag at naririnig ko yung sigaw ni Lea.


"Mapapatay kita Aga kapag may nangyaring masama kay Lea!" Sigaw ko.

Pagdating ko sa bahay hindi ko na pinatay yung makina ng sasakyan, tumakbo na ako sa loob at pagpasok ko mga nakakalat na gamit ang bumungad sa akin at dugo na nasa sahig. 


"Tama na Aga!" Rinig kong sigaw ni Lea at sa tingin ko ay sa kwarto ito nanggagaling kaya tumakbo agad ako.


Pagdating ko sa kwarto ay nakita kong sasampalin ni Aga si Lea kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanila at tinulak ko ng malakas si Aga at natumba ito.



"Gago kaba Aga? Sinasaktan mo si Lea dahil sa pagmamahal mo kay Regine, akala ko matino kang tao Aga, may kadimonyohan ka palang tinatago." Inis na sabi ko.



"I'm sorry hindi ko sinasadya." Sabi ni Aga.

"Anong hindi sinasadya? May sira ba yang ulo mo Aga? Halos patayin mo na si Lea tapos sasabihin mong hindi mo sinsadya! Umalis kana Aga bago pa kita masaktan." Sabi ko.


"Dalhin natin si Lea sa hospital." Nanginginig na sabi ni Aga.


"Umalis kana Aga." Nanghihinang sabi ni Lea.


"I'm so sorry Lei." Sabi ni Aga at lalapit sana si Aga pero sumigaw ito.

"No! Wag kang lumapit sa akin, please umalis kana at wag kana ulit magpapakita." At tuluyan ng umalis si Aga.


"Lei tara sa hospital, kaya mo pa ba?" Tanong ko.


"Dito nalang tayo sa bahay, puntahan mo muna si Tricia sa theater room." Sabi ni Lea kaya naman sinunod ko sya.


Tumakbo ako papunta sa theater room at kinatok ko yung pinto, pinagbuksan naman agad ako ni Tricia at niyakap nya ako ng mahigpit.


"Si Tita Lea?" Umiiyak na tanong nya.


Bakas sa mukha ni Tricia ang takot kaya naman hinawakan ko ang mukha nya at sinabing "Ayos na si Lea, nasa kwarto sya wag ka ng umiyak nandito na ako." 



"Dalhin natin si Tita Lea sa hospital, yung sugat nya malalim yon dahil madaming dugo ang lumabas." Sabi nya.




"Sa tingin ko mababaw lang ang sugat na nakuha nya, ayaw nyang magpadala sa hospital." Sabi ko at inakay ko na sya papunta sa kwarto ni Lea.


Pagpasok namin sa kwarto ni Lea tinabihan agad ni Tricia si Lea at ako naman kinuha ko yung first aid kit sa hallway.


Habang nililinisan ko yung sugat ni Lea sa kamay napansin ko namang nakatulog na si Tricia sa tabi ni Lea habang nakayakap sa bewang ni Lea. Para talaga silang mag-ina kung pagmamasdan ng maigi.



"Lei sasampahan natin si Aga ng kasong  Physical Injuries at Trespassing." Seryosong sabi ko.


"Wag na, hindi nya naman sinasadya yon at alam kong dala lang yon ng kalasingan nya kaya nya ako nasaktan." 


"WHAT?! Tanga kaba Lea? Halos patayin kana ng hayop na yon tapos hindi mo sasampahan ng kaso." Inis na sabi ko.


"Nadala lang yon ng galit kaya nya ako nasaktan." Sabi nya.

Hindi na ako sumagot at nagfocus nalang ako sa paglilinis ng sugat nya sa kamay, pero habang nililinisan ko ang sugat nya ang isa nya namang kamay ay pinang hahaplos nya sa buhok ni Tricia kaya napatitig ako. Paano kung si Tricia na nga? Matatanggap kaya nya ang ginawa ni Lea?



"Pupunta lang ako sa ibaba, aayusin ko muna yung mga gamit na nagkalat." Sabi ko kay Lea at hinawakan nya ang kamay ko bago ako tumayo.


"Thank you Ate Dawn." Mahinang sabi ni Lea.

"Bakit mo ako tinawag na Ate?" Nagtatakang tanong ko.


"Dahil magkapatid tayo." Sabi nya na ikinagulat ko naman.

"Anong sinasabi mo? Anong trip mo?" Tumatawang sabi ko.

"Wag mo ng ipagkaila Ate, alam ko na yung totoo. Yung about sa letter na iniwan sayo ni Mommy nabasa ko yon at dati palang may hinala na ako na magkapatid tayo dahil nakita ko kayo ni Daddy na magkasama sa park at madalas ka din napunta sa bahay namin noon, that time lalong lumakas yung kutob ko na magkapatid nga talaga tayo."


"Hindi ka galit?" Tanong ko.


"Bakit naman ako magagalit? Masaya nga ako dahil may kapatid ako. Remember nung nasa car tayo? Yung papunta tayo sa Batangas? Alam ko na yung totoo non kaya nga nung tinanong mo ako diba ang sabi ko edi masaya. Totoong masaya ako dahil may kapatid ako at take note mas matanda pa sa akin." Masayang sabi nya.



"Masaya ako dahil alam kong masaya ka din kapatid ko." Sabi ko at niyakap ko sya.



Habang magkayakap kami ni Lea ay sakto namang dumilat si Tricia at tumingin sa amin. "Pasali po." Sabi nya sabay tawa.



Masaya pala kapag wala kang tinatagong sikreto. Ang gaan sa pakiramdam, ito yung matagal ko ng hinihintay na mangyari, ang malaman ni Lea na magkadugo talaga kami. Sana mahanap na din namin yung anak ni Lea para mas maging masaya na kami. Pero kung si Tricia man yung anak ni Lea, sana matanggap nya ang lahat.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon